Light 22

823 52 12
                                    


"She's what?" Hindi maipinta ang mukha ng babaeng nagngangalang Gilda nang ipakilala siya ni Conner dito.

"She's the daughter of Dad's bestfriend. Pinatuloy siya ni David sa mansiyon para makapag-aral ng kolehiyo dito sa lungsod," Conner elaborated. Katabi niya itong nakaupo sa sofa habang nasa kabilang panig naman ang ina nito. Right. She was Conner's biological mother. Mas mukha itong foreigner kaysa kay Mang Sergio. Maikli pero tuwid at bagsak ang kulay reddish brown nitong buhok. She had gray eyes and very fair skin. Napakabata nitong tingnan at hindi niya lubos akalaing ina ito ng isang nineteen-year-old. Para lang itong ate ni Conner. The woman had both the definition of beauty and class. Sa suot nitong skirt at long-sleeve blouse na sobrang hapit sa katawan nito, dinadala nito ang sarili sa elegante ngunit komportableng paraan. Hindi talaga halatang nasa forties na ito.

"I can't believe this!" Napatuwid ito ng upo mula sa pagkakahalukipkip. "May ibang babae ba ang Daddy mo? Bakit siya nagdesisyon ng ora-orada nang hindi man lang ako kinokonsulta? At pumayag ang lolo mo na may tumirang estranghera sa pamamahay na 'to?"

Napalunok si Dori. Tulad ng sapantaha niya ay hindi nito magugustuhan ang kanyang presensiya. Nalaman niyang kadarating lang nito ng bansa mula Amerika. Mahigit limang taon na rin nitong hindi nakikita ang anak. Ilang beses na pala itong tumatawag kay Conner pagkagaling sa flight pero hindi nito ma-contact ang binata. Unfortunately, na-lowbatt ang cellphone ng lalaki sa probinsiya at pareho silang walang dalang charger.

The woman was looking at her the way Conner did on the first time they met. She was clearly observing her. "Your looks are nothing like David so you're surely not his hidden daughter or something like that." Naniningkit ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya. "It's your mother, right? She's David's new woman, right? Noon pa man mahilig na siya sa mga babaeng prim and proper. And maybe she has exotic looks too."

Ibig manlaki ng ulo ni Dori sa naririnig. Bakit inaakusahan nito ang walang kamalay-malay niyang Nanay na payapa nang nakahimlay sa puntod? Bakit niya 'yon naririnig sa isang taong noon lang niya nakilala?

"I won't accept this! Why would he settle for a woman with a child?! And it's not even his for Pete's sake! Why are you—"

"Gilda!!!" gumulantang ang pagsigaw ni Conner sa buong living area ng mansiyon. Napatayo ang binata habang nagtatagis ang mga bagang nito. "Hindi ka pa rin nagbabago," mariing pahayag nito. Halata ang panggigigil. "Sinasabi mo ang gusto mong sabihin at pinapakiggan mo lang ang gusto mong marinig. Wala kang pakialam kahit may nasasaktan. Kung ibabalandra mo ang ugali mong 'yan dito sa teritoryo ng mga Fonseco, maluwag ang pinto para malaya kang makabalik sa pinanggalingan mo." Itinuro pa ng lalaki ang direksiyon ng main door.

Saglit na natulala naman ang ina ni Conner na waring hindi makapaniwala sa narinig. Kumurap-kurap ito ng makabawi. "P-pinapalayas mo 'ko?"

"What do you think? Kung nagawa ni lolo na ipagtabuyan ka at kung nagawa ni Dad na balewalain ka, why can't I? You're just receiving the treatment you deserve. All these years you're using me for your own convenience, why can't I throw you away if you're acting like a garbage?"

"I'm your mother, Conner!" sigaw ni Gilda na napatayo na rin sa kinauupuan.

"Then magpaka-ina ka!" Pumanaog na rin si Dori at hinawakan sa braso ang binata. Ayaw niyang patuloy na mag-away ang mag-ina. "You dare to call yourself a mother yet you sold your own son," hindi pa rin nagpaawat si Conner. "I'm just a piece of meat to you, am I not? Ipinagbili mo na 'ko. Matagal nang naglaho ang karapatan mo sa'kin, Gilda. So, bakit bumalik ka pa dito? Do you badly needed money again? I could just send you some if you told me. Why bother see me?"

City of Fireflies [COMPLETED]Where stories live. Discover now