CHAPTER 20

12.4K 453 8
                                    

NAKATULALA AT TILA DI MAKAPANIWALA ANG MGA ITO NANG MAKITA SIYA.

"Ate!"

Tumakbo si Onyok at Jenefie sakanya at nabitawan niya ang mga dala nang yakapin niya ang mga ito. Hindi mapigil ang kanyang sarili na maiyak nang makita ang kanyang pamilya.

Isang buwan na mula nang huli niyang makita ang mga ito ngunit pakiramdam ni Stephanie ay mahigit isang taon na ang lumipas.

"Anak!"

"Inay!"

Mahigpit ang pagkakayakap nang kanyang ina at ganuon din sakanya. Parehas silang lumuluha at tila ayaw na nilang bitawan ang isa't isa.

"Anak..mabuti at nakauwi ka--"

"Miss na miss ko na po kayo inay"

Pinahid niya ang kanyang luha at pinulot ang supot na dala. "Eto po para sa inyo"

Inabot niya ang supot sa mga ito. Tinignan niya ang kanyang ama na ngayon ay nakatayo sa tabi nang bintana.

"Lapitan mo na anak"

Inasikaso nang kanyang mga kapatid ang nang kanyang inay ang pagkain na dala at siya naman ay dinaluhan ang ama sa bintana. Nakatanaw ito at nang sinundan niya kung saan ito nakatingin ay sa isang pamilyar na tao natuon ang mga mata nito.

"Ita'y.."

Tinignan siya nito at pagkakita lamang niya sa mukha nang kanyang ama ay niyakap niya agad ito.

"Patawarin niyo po ako Ita'y sa naging desisyon ko..patawad--sana ay mapatawad niyo ako"

Hindi nagsalita ang kanyang ama at matagal bago ito gumalaw. Umangat ang mga kamay nito at tinapik ang kanyang likod.

"Alam ko kung aano kahirap ang desisyon na pinilo mo anak. Ngunit sana ay nagsabi kaman lang.."

Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa kanyang ama at tinitigan ito sa mata.

"Patawad Ita'y ngunit ayokong mahirapan din kayo. Walang wala tayo at may sakit pa si Inay gayon ding nag-aaral sina Onyok at Jenefie.."

"Anak..hindi kita masisisi sa iyong naging desisyon ngunit sana ay pakaingatan mo ang iyong sarili..gayon din ang iyong puso"

Napayuko siya. Parang may nilalaman kasi ang mga sinabi nito sakanya.

"Alam ko ang nararamdaman mo sakanya noon pa man anak"

Napatingin silang pareho sa sasakyan ni Lucas kung saan ay naroroon ito.

"Sana ay palagi mong iisipin ang mga sinasabi ko sayo--"

Napayuko siya. At doon natahimik silang pareho.

"Itay--"

Isang malalim na buntong hininga ang narinig niya mula sa kanyang ama.

"Alam ko ang ibig sabihin niyan anak..alam ko kahit di mo sabihin"

"Patawarin niyo po ako ita'y.."

Umiyak siya at nayakap nalang ito. Mahigpit siyang niyakap pabalik nang kanyang ama na para bang sinasabing nauunawaan siya nito.

"Sana lamang ay hindi masayang at sana ay makita niya ang pagmamahal mo sakanya anak."

"Maraming salamat po ita'y"

Nakisalo muna siya sa pagkain bago ito nagpaalam sa kanyang pamilya. Masaya siya kahit na saglit lamang niyang nakasama ang mga ito.

Hindi niya alam kung kelan ulit siya makakabalik sakanila kaya palagi niyang dinarasal ang kaligtasan nang mga ito. Sa wakas ay nakahinga rin siya nang maluwag.

Nang sumakay siya sa sasakyan ay agad silang umuwi ni Lucas hapon na nang makarating sila sa bahay nito.

Pagkalapag nang mga pinamili nila ay gusto niyang kausapin si Lucas para pasalamatan ito sa pagpayag sakanyang makita kahit saglit ang kanyang pamilya.

"Ahmm..Lu--lucas"

Tawa niya dito nang palabas na ito sa kusina. Agad itong tumalima sa kanyang pagtawag at humarap ito sakanya.

"Maraming salamat.."

Isang tango lamang ang natanggap niya mula rito ngunit naramdaman niya ang sinseridad nito.

**********

Hindi niya malaman sa kung anong kadihalanan at pumayag siyang makita ang pamilya nito. Inalis niya ang kanyang pang itaas na damit at nahiga sa kanyang kama.

Iba sa kanyang pakiramdam ang makita ang ngiti ni Stephanie. Isang tunay na kaligayahan..iyon ang naramdaman niya sa kasiyahan nang dalaga.

Di nga rin niya lubos maisip na isasama pa niya ito sa pamimili sa Mall. Sabagay ay isang buwan na itong nakakulong sa kanyang bahay at kailangan din nitong lumabas paminsan minsan.

Isang buwan na ito doon at kahit minsan ay wala itong narinig o nahintay na reklamo nito sakanya. Ni kahit nga anong gawin niya dito ay wala itong reklamo. At mas nakaramdam siya nang pagbabago nang malaman niya ang totoong nararamdaman nito sakanya.

Iyon ang bumabagabag sa kanyang puso't isipan ilang araw na ang nakararaan. At hanggang ngayon ay di parin niya maintindihan ang sarili.

May takot siyang naramdaman para sa sarili. Tila ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nitong pagmamahal para sakanya. Kahit anong gawin kasi niya ay parang may kung anong pumipigil para paniwalaan iyon. Nadala na siya. At ayaw na niyang maramanasan at maulit kung ano ang nangyari sa una..

Kailangan niyang balewalain ang nararamdaman niya! Kailangan niyang ibaling iyon sa iba.

Pinulot niya ang kanyang cellphone nang mag-ring iyon at sagutin ang di kilalang numero na tumatawag sakanya.

'Hi handsome! Miss me? Nasa tapat ako nang bahay mo..baka pwede mo akong papasukin?'

Kumunot ang kanyang noo at biglang napabangon nang marinig ang nasa kabilang linya..

Agad niyang tinawagan ang guwardiya at pinatuloy ang kanyang unexpected na bisita. Nagpalit siya nang damit at bumaba nang hagdan. Doon ay nadatnan niya ang kanyang bisita at si Stephanie na magkaharap.

"Im--"

"Harlene!"

Malawak ang ngiti nitong napatakbo sakanya at humalik ito sa kanyang labi. Wala siyang nagawa para pigilan ito dahil mabilis ang pangyayari. Nakita niya kung paano umiwas nang tingin si Stephanie.

"I miss you! Akala ko di mo na ako kilala! Maganda parin ang bahay mo--and ohh! May kasambahay ka pala dito?"

"She's Stephanie--ahmm pwede mo ba kaming ikuha nang maiinum?" Tumango ito sakanya at halata sa mukha nito ang pagtataka at kalungkutan.

"Water nalang sakin. Thanks!"

Naupo siya sa mahabang sofa at walang ano-anong umupo si Harlene sa kanyang mga hita. Nabigla siya sa kapilyahan nito. Gusto niyang itong pagsabihan ngunit huli na nang magkasabay silang napatingin sa pinanggalingan nang ingay.

"So--sorry"

Pinulot ni Stephanie ang mga bubog na nahulog sa sahig at bigla itong mapadaing. At naitulak niya si Harlene para daluhan si Stephanie. Kinuha niya ang kamay nitong natusok nang bubog at dumudugo. Kinagat at sinipsip niya ang daliri nito.

"Okay ka lang?"

Binawi nito ang daliri na nasa kanyang bibig. "O--okay lang ako. Kuha nalang ako nang panibago. Pasensiya na"

Buha ang tray na may lamang basag na baso ay nagtungo ulit ito sa kusina. Nagpaalam siya kay Harlene na susundan ito sa kusina at nang makita ang dalaga ay nakatalikod ito sa lababo habang yumuyogyog ang balikat..

Humihikbi ito..

-itutuloy-

Joden15



PAYMENTS OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now