CHAPTER 50

12.1K 427 52
                                    

TININGALA SIYA NITO MATAPOS MABASA ANG SULAT NA INABOT NIYA DITO.

"Im not asking you to resign"

"Ito ang gusto ko" agad niyang sagot dito at di parin inaalis sakanya ang tingin nito. Umayos ito nang upo at inilapag ang resignation letter niya.

"Siguro may mga bagay na hindi tayo nagkakasundo at nagkakapersonalan na. Im just about Lucio--pero hindi kasama sa personalan ang trabaho mo. We are both professional here Ms. Abad--i mean..Mrs. Zobel"

"Para sakin personal na lahat Lucas. Hindi ko na kayang makasama ka sa iisang lugar habang para kang leon na tinitiktikan ang bawat galaw ko at lalapain kami maging ang anak ko"

Tumayo si Lucas at umikot para mapunta sa kanyang harapan. Ngayon ay nakatayo ito at magkaharap sila.

"Stephanie i just want to be with my Son"

"Son? Naririnig mo ba kung anong sinasabi mo? Pwede ba Lucas tigilan mo ang pagpapakaama mo sa anak ko samantalang wala ka namang naging pakialam sakanya noon"

Nagsalubong ang kilay nito at dumilim ang kanyang mga mata. "Hindi ito mangyayari if you only told me that your pregnant!"

Napatawa siya nang pagak. "Sabihin mo sakin Lucas ..sa tingin mo ba masasabi ko habang ayaw mong marinig ang paliwanag ko noon? Anong ginawa mo? Tinaboy mo ako--pinalayas mo ako sa pamamahay mo na para akong isang basura! Tapos ngayon isusumbat mo sakin kung bakit hindi ko sinabi? Sisihin mo ang sarili mo..kung hindi ka makasarili hindi mangyayari lahat nang ito!"

Napatahimik ang binata at nagbaling nang tingin sa paligid. Siguro ay nasapol ito sa kanyang mga sinabi. "Oo--anak mo si Lucio..ang dali lang para sayo na iwan at balewalain siya tapos ngayon ganyan mo lang kadaling makuha siya? Ako ang naghirap. Nag-alaga at nagsakripisiyo para sakanya kaya wala kang karapatan na kunin siya sakin dahil in the first place hindi ka na naging mabuting ama para sakanya"

"Alam kung naging gago ako noon pero huwag mo akong alisan nang karapatan sa anak ko. I can give all what he wants..kaya ko siyang buhayin--babawi ako sakanya..--"

Napalunok siya sa sinabi nito. Kitang kita kasi niya ang pagkasabik sa anak. "Im sorry Lucas--pero hindi ko siya maibibigay sayo"

"Kung ganuon--Im sorry din Stephanie pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang anak ko sayo. I can use all my connection just to get my son" matigas nitong banta sakanya.

"Dadaan ka muna sa bangkay ko Lucas bago mo siya makuha sakin!"

Tinalikuran niya ito at hindi na muli pang pinagsalita. Nasa pintuan na siya nang may maalala siyang sabihin kaya naman muli siyang bumaling dito.

"Siya nga pala--paano ka magiging isang mabuting ama kay Lucio kung sarili mo nga hindi mo maayos? Fix yourself first bago ka magpaka-ama sa anak ko."

Pagkatapos nun ay lumabas na siya sa opisina nito at tuluyan nang umuwi sa kanilang bahay. Mula sa araw na ito ay hindi na siya muling papasok sa trabaho at ipopokus na lamang ang oras at panahon sa kanyang anak. Mabuti na nga din ito at nang maalagaan niyang mabuti si Lucio at higit sa lahat y mabantayan ito dala nang panganib na dala ni Lucas sakanila.

*********

MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW AT LINGGO. MAG-IISANG BUWAN NA PALA MULA NANG MAKASAL SILA NI LEVI AT MAKALIPAT NANG BAHAY.

Mgdadalawang linggo na din simula nang magresign siya sa trabaho. Parati ang message sakanya ni Jeannelle sa Messenger at siyempre minsan ay nadadalaw din ito sa kanila.

May isa lang siyang hindi maintindihan iyon ay ang madalas na pag-iinum ni Levi kung saan ay hindi naman nito gawain noong magkasintahan pa lamang sila. Halos gabi gabi na lamang kasi ay nakainum ito hindi naman ganuon kasobra--sakto lang pero halata talagang may tama rin.

"Lasing ka na naman--"

"Pampaalis lang nang pagod--may meeting kasi kanina na-stress ako"

"Alam kong wala kang meeting Levi--nagpunta ako kanina sa opisina mo at wala ka doon--saan ka ba nanggaling? Bakit napapadalas na ang pag-iinum mo hindi ka naman ganyan noon ah--ayyy!!"

Binato ni Levi ang basong nasa center table na kanyang ikinagulat. Nang balingan niya si Levi ay para itong galit na tigre na handang lumapa sakanya.

Bigla siyang natakot dahil sa nakikita niyang bangis nang lalaki na inakala niyang hindi nito kayang maging ganuon.

"Bakit ba napakadami mong alam?! Bakit ba tanong ka nang tanong! Kung sinabi ko kung saan ako nanggaling yun na yun! Naintindihan mo!"

Napaatras siya dahil sa malakas na pagsigaw nito sakanya. Si Levi na isang napakaamong tupa noon ay eto na at sinisigawan na siya ngayon. Parang nag-iiba na nga ito at ngayon lang niya nakita ang ganitong side nang asawa.

Para siyang maiiyak dahil sa pagkabigla nang makitang napahilamos si Levi at biglang umamo ang mukha nito.

"Im sorry--im sorry Stephanie" lumapit ito sakanya at hinawakan ang magkabila niyang braso. "Sorry hindi ko--god!! Hindi ko sinasadya--na--nabigla lang ako--patawarin mo ako asawa ko pagod lang talaga ako..im sorry"

Napaiyak na siya nang yakapin siya nito pero yung takot ay dala-dala parin niya lalo na kapag maaalala niya ang itsura nito kanina.

"Patawad--ssshhhhh!!! Huwag ka nang umiyak hindi na mauulit asawa ko--hindi na talaga"

Nang mahimasmasan silang pareho ay mgkasabay silang umakyat sa kanilang kwarto. Nang makatulog na si Levi ay tumagilid siya para pagmasdan ito.

Siguro ay may problema ang kanyang asawa na ayaw nitong sabihin sakanya. Marahil ay ayaw nitong madamay pa siya. Pero kung anuman ang problema nito ay malaki nga iyon dahil nakikita niyang iba na ang kinikilos nito minsan.

Sa paglipas nang mga araw ay para bang unti-unting nagbabago ang lahat--parang napapalayo siya sa kanyang asawa parang unti unti ay hindi na niya nakikilala ito dahil sa pagbabagong nangyayari dito.

Sana lang ay hindi siya mabigo sa lahat nang naging desisyon niya lalo na ang mahalin ito--dahil natatakot siyang baka isang araw magising na lamang siya at tuluyan nang hindi ito makikilala..

-itutuloy-

Joden15

PAYMENTS OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now