CHAPTER 31

14.3K 499 144
                                    

NAKATANAW SA GLASS WINDOW SI LUCAS HABANG HINDI PARIN MAKAPANIWALA SA KANYANG NAKITA.

Nandito si Stephanie. Nandito ang isang taong pinakaiiwasan niya. Gumalaw ang kanyang panga nang sariwain niya ang mga pangyayari kanina lamang.

Matapos siyang ipakilala nang Manager sa mga empleyado niya ay hindi naiwasan nang kanyang mata na mapagkit sa isang babae. At hindi niya itatangging mas gumanda ito kanyang paningin.

Mas gumanda rin ang hubog nang katawan nito at mas marunong na rin itong magdala na para bang mas propesyunal pa kesa sa dati.

Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit hindi siya nakaramdam nang anumang galit dito bagkus ay mas nakaramdam siya nang pananabik at pagka-miss dito. Tila hinahanap nang kanyang katawan ang mga halik nito at yakap bagay na pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan.

"Sir nandito na po ang mga pinapakuha niyo"

Bumaling siya sa nagsalita at inalis ang pagkakabulsa nang kanyang mga kamay. Umupo siy sa swivel chair at isa isang binuklat ang mga folders.

"May gusto pa po ba kayong ipakuha o malaman Sir?" Tanong nang Manager.

"Tell me about our employee Anthony..specially sa mga front desk. I want to know about them regarding sa mga trabaho nila. Ipakilala mo sakin isa-isa.. Everything you know..kahit personal life.."

"Ahmmm..Si Karen Carreon ay Architecture Graduate Sir. Isa siyang working student hanggng sa nakatapos at hindi p nakapagtake nang Exam at mas piniling magtrabaho muna. Si Yasmin Segur ay HRM Graduate. Which is talagang related sa work niya ngayon. Si Jeannelle Quino ay Nursing Graduate. Hindi makuha kuha ang license thats why nagtrabaho nalang--"

"Bakit sila tinanggap nang company kung di related ang course nila sa magiging work nila dito sa hotel?" Tumaas ang tingin niya kay Athony.

"Anyway Sir si Karen ay isang Cumlaude and fit to work sila. Magaling mag-entertain. Ganun din si Jeannelle--And Stephanie Abad--"

"Are they Single or Married?"

"Sir?" Nagtataka siguro ito kung bakit iyon ang kanyang natanong.

"I need to know if they are still Single or Married. Gusto kong malaman para alam ko kung fit to work nga sila. Mahirap kasi sa isang empleyado na mamaya lulubog lilitaw sa trabaho dahil sa mga maraming kadahilanan. Gaya ang responsibilidad sa mga anak at asawa. Ayoko na nahahati ang mga oras nila..unless they can managed.."

Ngumiti ito sakanya. "Actually Sir Single naman po silang lahat"

Napapikit pa siya nang marinig iyon kay Anthony. Ibig sabihin nun--

"Maliban po sa isa na malapit na pong ikasal.."

"Who?"

"Si Stephanie Abad Sir"

Tila nabingi siya sa sinabi ni Anthony. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin ito dito. Hindi nga rin niya namalayan na nakuyumos niya nang kaunti ang folder na hawak mabuti nalang at di iyon napansin nang kausap.

"Okay..you may go"

"Okay Sir"

Nasa malalim siyang pag-iisip nang bumukas muli ang pintuan nang kanyang opisina at nakangiting si Harlene ang bumungad sakanya.

"Hi Hon!"

Dahil sa pagkabigla ay tinupi niya agad ang folder na hawak at ipinaloob iyon mula sa mga folder pang naroon. Pinilit niyang ngumiti dito.

"Ah..na-naparito ka.."

Lumapit ito sakanya at tumayo naman siya para salubungin sana ito. Humalik sa kanyang labi ang dalaga pagkatapos ay nanatili itong nakatayo sa kanyang harapan.

PAYMENTS OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now