CHAPTER 36

12.7K 556 92
                                    

'PANO YAN STEPHANIE DITO NA AKO..MAG-INGAT KA PAUWI HA..BYE!'

Kumaway pa sakanya si Jeannelle bago ito humiwalay nang daan sakanya. Nakalabas na sila nang Hotel at kasalukuyang nag-aantay siya nang taxi na masasakyan. Hindi kasi siya masusundo ngayon ni Levi may inaasikaso ito sa kompanya at ganuon ding hindi raw maganda ang pakiramdam nang ina nito.

Napatingin siya sa kanyang relo mg-aAlas siyete na ngunit wala pa siyang napaparang taxi. Palibhasa ay uwian kasi nang mga tao galing trabaho sa mga oras na ito kaya pahirapan ang pagsakay.

Nagpasiya na siyang maglakad nalang patungo sa bus stop. No choice na siya, pagkadating niya doon ay napakarami nang taong nag-aabang. Makikipag-unahan na lamang siya sa pagsakay.

Nasa bandang gilid siya kung saan iilan lamang ang naroon dahil karamihan nang tao ay nagkukumpulan sa gitna. Hanggang sa nakarinig siya nang sunod-sunod na busina. Una palang ay nakilala na niya kung sino ito kaya naman dinedma niya ito. Ngunit naging mas malakas pa ang pagbusina nito kaya di na nakatiis ang isang babae.

'Ate..ikaw binubisinahan oh..'

Sinulyapan niya lang ang sasakyan tsaka ito nagpasiyang umalis doon. Naglakad siya nang diretso.

'Stephanie sumakay ka na'

Pero tila wala siyang naririnig at mas binilisan pa ang paglalakad. Ayaw niya itong makausap! Hindi niya alam kung saan siya dinala nang kanyang mga paa para iwasan si Lucas tatawid na siya sa maliit na kalsada nang iharang ni Lucas ang sasakyan nito. Nabigla siya dahil doon muntikan na kasi siyang masagasahan nito.

Bumaba si Lucas sa sasakyan nito at siya naman ay nagpatuloy na sa paglalakad. Hanggang sa biglang may humigit sa kanyang braso at hinila siya.

"Stephanie..wait!"

"Ano bang kailangan mo??! Kung tungkol ito sa trabaho ko at pag-absent ko tanggalin mo ako kung gusto mo! Hindi yung pinipilit mo akong makipag-usap sayo..personalan na ito!"

"Come on..bakit ba iniiwasan mo ako? Gusto kitang makausap pero ayaw mo.."

Hinila niya ang kanyang braso na hawak ni Lucas "dahil wala tayong dapat pag-usapan!"

Tinlikuran niya ito "Im Sorry..gusto kitang makausap dahil gusto ko lang mag-sorry-"

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ni Lucas. "I just want to say sorry kung anuman ang nasabi ko nung unang mag-usap tayo sa office ko..hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na iyon"

Napahigpit ang kapit niya sa strap nang kanyang bag. Hindi siya dapat magpadala sa sinasabi nito. Dahil ang totoo ay nagbabait baitan lamang ang binata.

Kumuha nang lakas nang loob at hinarap ito kasabay nang isang malakas na sampal sa pisngi ni Lucas. Nakita niya kung gaano ito natulala. Nabigla ito sa ginawa niya. Unti unting umangat ang palad nito at hinaplos ang pisnging kanyang sinampal.

"Para iyan sa pambabastos mo sakin sa opisina nang kausapin mo ako. Sa totoo lang kulang na kulang pa iyan sa lahat nang atraso mo sakin at sa ana--kaya kung pwede lang tantanan mo ako. Maliwanag naman siguro hindi ba? Na ayaw kitang makausap..ngayon kung gusto mo akong i-fired sa trabaho go on! Hindi ako natatakot--"

"Stay--"

Umangat ang mata nang binata at aksidenteng nagkasalubong ang kanilang mga mata. "Alam kong nagkamali ako at inaamin ko iyon. Alam kong madami akong kasalanan sayo na habang buhay kong pagsisisihan..pero ang sesantihin ka sa trabaho dahil sa asal mo a kaya dahil sa pananampal mo sakin ay hindi iyon dahilan para alisin kita..you can stay at work--pero sana ay hayaan mo akong itama ko ang mga pagkakamali ko"

Napalunok na lamang siya sa huling sinabi nito. Hayaang itama? Para saan ? Naguguluhan siya. Napangiwi siya pagkatapos ay napatawa nang pagak. Bigla niya kasing naalala ang nakaraan. Nakaraang isang napakalaking bangungot para sakanya.

"Nababaliw ka na siguro..hindi mo na alam ang sinasabi mo--"

"Alam ko kung anong sinasabi ko"

Bigla siyang napatawa dahil sa inaasal ni Lucas. "Baka nakakalimutan mo Mr. Zobel..ang nangyari noon ay tapos na at hinding hindi mo na iyon maibabalik pa--"

"Hindi ko nga maibabalik pa pero pwede ko pa namang itama"

"Hindi kita maintindihan..pinili mo akong saktan at alam nating pareho ma ginamit mo lang ako para sa paghihiganti mo. Galit ka sakin diba? Whats the point para kausapin mo ako ngayon at parang umaarte kang walang nangyaring ganun?! Alam mo Lucas? Tinanggap ko ang mga ginawa mo. Iniwan mo ako. Sinaktan mo ako. Pinaasa mo ako..pero lahat iyon nakaraan na at dina kailangang balikan pa. Maayos na ako nang iwan mo ako sana naman ngayong bumalik ka huwag muna ulit guluhin ang buhay ko na naayos ko na"

Nakita niyang natigilan si Lucas. Ang galing lang kasi nito sa pagpapanggap. Kesyo iniwan siya tapos ngayon bumalik na parang maamong tupa.

"Hindi ako mahuhulog sa bitag mo..malayo na ako sa Stephanie na winasak mo." Ngumiti siya sa binata at inayos ang nakasukbit na bag sa kanyang balikat.

"Youre Forgiven..pero sana huwag mo na akong guluhin pa. Masaya na ako ngayon"

Hindi niya inantay na makapagsalita ito at agad siyang tumalikod para maglakad palayo. Ngunit nakalailang hakbang pa lamang siya nang marinig niya ang boses nito.

"Masaya ka ba sakanya?"

Tumigil siya at nanatiling nakatalikod parin sa binata. Ano bang gusto nitong palabasin sa mga katanungan niya? Pero alam niyang si Levi ang tinutukoy nito sa huling tanong nito.

"Hindi ko na siguro kelangang sagutin iyan..dahil hindi ako papayag na magpakasal sakanya kung hindi ako masaya sakanya"

"Mahal mo ba talaga siya?"

Napalunok siya nang dalawang beses bago humarap uli dito. Gusto niyang ipakita dito ang kasiyahan niya at pagmamahal kay Levi. Gusto niyang makita kung anong magiging reaksiyon nito.

"Oo Mahal ko siya"

"Kung ganun..--wala akong magagawa--kundi ang pilitin kang..gustuhin ako muli"

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig. May kung anong kaba ang bumangon sa kanyang dibdib dahil sa mapanghamon na tingin ni Lucas.

Hindi maganda ang ideyang pag-uusap nila. Tama lang na dapat ay noong una pa umiwas na siya o kaya ay nagresign nalang sa trabaho. Dahil ngayon ay natatakot na siya..

"Always remember Stephanie..You Are Mine! Noon hanggang ngayon! I'll do everything to win you back"

-itutuloy-

Joden15

PAYMENTS OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now