I Don't Know

10 1 1
                                    

FB Status: 30Dec19

Iju-joke ko na lang, nakakabawas kasi sa sakit. Ngayong December nga ay napapansin kong napaka-emotional ko. Twice yata o thrice na tumawag ako sa pinsan ko na umiiyak. At ang sagot ko sa tanong nyang, "Ano ang nangyayari sa yo?" ay "Hindi ko alam." Parang nagiging depressive ako. Maliliit na bagay, naiiyak na ko. Unlike last year, napaka-brave ko. Tatawa-tawa pa ko.

Ang okay siguro kasi nagagawa kong ikuwento sa iba ang nararamdaman ko. Di ako nahihiya. I don't mind kung wala kang sasabihing makakatulong sa akin. I just want someone who will listen to me. Pero, iyon nga lang, di tayo pare-pareho. Iiyakan kita, bahala ka. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, ng hinanakit. Sana, siguro, lahat, ganoon. Sana. At sana ganoon kadali sa iba. Sana.

One night, umiyak na naman ako. Tumawag agad ako sa pinsan ko. At habang tina-type ko to, naluluha ako, shit. Naalala ko ang sinabi nya noong una akong tumawag at umiiyak. Sabi ko, salamat sa pakikinig. Ang sagot nya, generic na "Basta sabihin mo lang sa akin, tumawag ka lang. Alam mong andito lang ako." Pero yong iyak ko, grabe. Generic tapos, nakakaiyak na ewan. Siguro kasi , na-prove ko na oo nga, meron nga talagang isang taong andyan para sa yo. Nakakausap natin lagi, pero minsan di natin naisip na andyan din sila kapag me problema tayo.

Kako, I think I need to see a doctor. Napa-google ako.  Magkano ang bayad? Ilang session? Ano ang mangyayari? Will it really help? At lumabas ang mga sagot. Mahal pala. So I decided na, baka kaartehan ko lang to. Pero hindi e. Pero inisip ko pa rin na "hindi, kaartehan ko lang talaga to." Pinakamura na ata ang 2k per session na nakita ko sa google. Twice a month. Baka mas ma-depress ako. Baka mas wakasan ko ang dapat wakasan. Pero meron namang libre. Sila ang friends and family.

Posting on Fb like this, will also help. Reading comments will help. Di man siguro makatulong sa habang-buhay, pero at least ngayon, nakakabawas. Basta nababawasan, nailalabas, malaking tulong.

Isang bagay na naisip ko na nagti-trigger ay dahil hindi na ako nakakapagsulat. Isa yon sa outlet ko. Di na rin ako nakakapagbasa. Gawa siguro ng trabaho. Halos buong oras ko yata sa isang araw ay nasa trabaho. Yon lang ata, muna.

is There Hope? Where stories live. Discover now