It kind of feels like the world's ending...

6 1 3
                                    


'Sabi ko, isusulat ko kapag handa na 'ko. Kapag wala na 'yon sa sistema ko, kapag pakiramdam ko ang saya-saya ko na. Baka ito na ang araw na 'to...


Isang gabi, habang nasa gitna ako ng trabaho, tumulo na lang ang mga luha ko. Ulit. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong makapang sakit, panghihinayang o inis o galit sa kahit na kanino. O sa kahit na ano. I don't blame anyone else. I don't blame myself either. Paulit-ulit 'yong tanong na "bakit?" Pero wala akong maisagot sa sarili kong tanong.

Am I just tired?

So ano ang solusyon? Fed-up lang ba ako sa lahat? O kaya sa sobrang dami kong iniisip na iniignora ko lang, nagpatong-patong ngayon tapos lumaki. Kasi akala ko masosolusyunan ko, hindi naman pala pagdating ng araw. Dahil lagi kong ginagawa 'yon, naisip ko, hindi pala dapat. Andaling magsabi na "hayaan na lang," "palagpasin lang," "learn the art of dedma." Pero, kapag naipon lahat 'yon, ikaw ang babalikan ng lahat. Sisisihin mo ang sarili mo sa lahat. At kapag andon ka na, ikaw yong lugmok na lugmok kasi magkukumahog ka kung alin don ang aayusin mo. Kung alin doon ang uunahin mo. Masaya, sige, okay, kasi YES, natutunan kong hindi pansinin 'yong isang bagay na 'yon. Pero mumultuhin ka lahat non when everything is not in order anymore. Kapag hindi na umaayon sa lahat ng plano mo. Kapag andon ka na sa pinakamahina mong estado. Don ka nila babalikan, doon ka nila pag-uusapan, doon ka bu-bully-hin ng mga inignora mo dati na dapat pala e inayos mo nong una pa lang.

At kapag mahina ka na, don ka dedemonyohin ng lahat para kunin ang isang matalim na bagay na abot ng kamay mo. Doon magkakaron ng silbi ang lubid na nirolyo mo at tinago sa isang tabi. Isang araw pala, magkakaron ng silbi ang mga 'yon para wakasan ang problema mo. Sa dinami-dami ng issue mo sa buhay, na pati problema ng iba, mas gusto mo nang akuin na lang din para makabawas din sa kanila. Kasi nakaisip ka na ng solusyon e. Andon ka na punto ng oras na "sige, akin na yan lahat. Tutulongan ko kayo. Ako na. Kaya ko na 'to."

Kaharap ko ang laptop, hindi matigil ang luha ko. Nasa tabi ang cellphone ko. Ititiklop ko ba ang laptop, at kukunin ang cellphone? Tumayo na lang kaya ako tapos andito lang naman sa likod ko ang kutsilyo. Pwede na. Mag-isa ako. Matatapos na lahat 'to. Ayoko na. Nakakapagod na. Sobra na. Wala nang ibang makakatulong kundi ang sarili ko lang, tulad ng sinasabi ng marami. Sarili mo ang makakatulong sa 'yo. Hindi e. Hindi ganon. Kaya ko nga sinasabi kasi hindi ko kaya. Akala ko noon, napakatatag ko. Kapag kasi me problema ako, kaya kong solusyunan yon. Di pala lahat.

Ang ginawa ko, tinawagan ko ang pinsan ko. Crying. Bigla nyang sinagot. Kumusta raw ako?  Nakailang usap na kami tungkol sa mga naiisip ko.  Tungkol sa hindi ko maipaliwanag na mga problema kaya hindi ko masolusyunan. Nagkwento ako. Sinabi ko ang mga naiisip ko.

"Hindi ko alam kung ano. Di ko alam baka napapagod lang ako sa trabaho. Di ko alam kung nalulungkot lang ba ako kasi malayo ako. Kasi mag-isa ako. G-gusto ko nang mamatay. Napapagod na ako mag-isip. Ayoko na mag-isip. Hindi ko mapigilan ang utak ko. Kapag natulog ako, at gumising, ganon pa rin naman. Wala namang nangyayari."

Sagot nya, "Ako ang unang malulungkot kapag ginawa mo yan. Hindi mo makausap ang nanay at tatay mo kasi tingin mo di ka nila maiintindihan. Sige, ganito, subukan mong wag munang isipin yon, sila. Ako na lang. Since ako naman lagi ang nakakausap mo at napagkukuwentuhan mo sa mga nangyayari sa yo. Gusto ko pang makinig sa mga kwento mo. Kapag ginawa mo ang naiisip mo, wala na akong kwentong mapapakingnan."

Umiyak ako nang umiyak. Bigla, pakiramdam ko, nabawasan ng konti ang mabigat kong dinadala. Natapos ang tawag na umiiyak pa rin ako sa realisasyon na, me isang tao dyan para sa yo. Hindi man magawa o hindi alam kung pano solusyonan ang problema na hindi mo rin naman mapangalanan, pero handang makinig sa mga kwento mo. Ikuwento mo lang, unti-unti, mababawasan, maglalaho...



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

is There Hope? Where stories live. Discover now