Chapter 1

353 12 0
                                    

Bahagya akong nakayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Kahit hindi ko sila tignan ay alam kong nakatingin sila ngayon sakin. Bigla tuloy nag init ang mukha ko dahil sa nangyari kanina.

Nasabi na sakin lahat ni Mama kung sino ang mga lalaking nasa harapan namin at ang tungkol sa apartment. May balak na daw kasi talaga siyang mag apartment dahil sa wala namang nakatira sa bahay na nakatayo sa likod nitong aming bahay. Sayang naman daw ito kung hindi mapagtitirhan kaya pinagkakitaan nalang niya.

Nabanggit din niya sakin na biglaan lang daw ang 'pagpapatuloy' niya sa mga ito. Tatlong araw na din ang mga ito na nakatira sa bahay na ginawang apartment ni Mama.

At nang tanungin ko sya kung bakit nya nasabing 'emergency' ito at kung bakit nya ko pinauwi agad ay nginitian lang nya ako at nilayasan.

"So boys, tinawag ko kayong lahat para ipakilala tong anak ko." Sabay akbay sakin ni Mama. "Eto si Yoona. Ang kaisa isa kong anak. Halata nyo naman kung kanino nakuha ang kagandahan diba?"

Nag angat ako ng tingin ng makarinig ako ng mahina at pagpipigil ng tawa na galing sa mga lalaking nasa harapan namin.

"At sino yung tumatawa? Gusto nyo lagyan ko kayo ng bukol?" Striktang saad ni Mama kaya't natigil sila sa pagtawa at napatuwid ng tayo.

"H-hello. Ako si Yoona." Bahagya akong yumuko nung magpakilala ako.

"Oh ano? Mag sorry ka sakanila." Rinig kong bulong ni Mama sakin.

"Ah boys. Kaya ko din kayo tinawag ay para makapag sorry ang anak ko sa nangyari kanina." Halos mapairap ako dahil sa tono ng boses ni Mama. Para kasing nagpapa cute na ewan eh. Ang cringe.

Naramdaman ko ang marahang pagsiko sakin ni Mama kaya't tinignan ko isa isa ang mga mukha ng pitong lalaki. Nang mahinto ang paningin ko sa lalaking nabunggo ko kanina ay nakatingin din ito sakin. Well lahat sila nakatingin pero parang iba yung tingin nya sakin?

Gandang ganda siguro sakin to.

Sabagay. Ano pa bang bago don. Im Yoona ata to.

"S-sorry nga pala sa n-nangyari kanina nung dumating ako." Ramdam ko ang init sa buong mukha ko ng banggit ko ang mga katagang iyon dahil sa hiya. Medyo labag kasi sa kalooban ko na mag sorry sakanila kasi diba? Normal lang naman siguro na mag panic ng ganoon kapag may stranger na bigla ka nalang hihigitin ng ganon. Pero sabi ni Mama ay kailangan ko parin daw mag sorry sakanila kasi pinagbintangan ko silang kidnapper. Aangal pa sana ako kay Mama ng bantaan nya akong kukurutin nya ako sa singit kung hindi ko gagawin yun.

Kaya eto ako ngayon sa harapan nila. Nag sosorry. Kahit na nahihiya ako lalo na kapag naaalala ko yung nangyari kanina.

"Okay lang yun. Kami nga ang dapat na mag sorry kasi natakot ka namin." Saad nung lalaking humawak nung braso kanina. "Sorry." Dagdag pa nya at bahagyang yumuko. Dumamay na din yung dalawa nyang kasama kanina.

"Teka boy? Ano bang nangyari kanina?" Rinig kong tanong sa lalaking ngayon ko lang nakita. Kinalabit pa nya yung isa sa dalawang yumuko at nag sorry.

"Okay. Tapos na ang sorry sorry!" Pumalakpak si Mama kaya't nakuha nya ang atensyon namin.

Pansin ko lang. Iba yung ngiti ng nanay ko ngayon. At para bang kumikinang ang mata nya habang nakatingin sa pitong lalaking nasa harapan namin.

"So boys. Magpakilala kayo sa anak ko para hindi na ulit kayo pag bintanggang kidnapper." Nakangusong sabi ni Mama na para bang nagpapa cute na naman kaya napairap na talaga ko ng bongga.

Kelan pa ba naging ganto ang nanay ko? Mukhang tumatandang pabebe ah.

"Ako nga pala si J-hope. Nice meeting you Yoona." Yumuko sya sakin ng bahagya at nakangiti syang nagpakilala. Isa sya sa tatlo.

Boy with LOVE (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon