Chapter 9

288 11 1
                                    

"Pumayag ka na Yoona. Please?"

Umiling ako sakaniya kaya't bagsak ang balikat niya. Nag puppy eyes pa siya sa akin pero inilingan ko lang ulit.

Nasa may gate kami ngayon ni Jungkook dito sa bahay habang kinukulit niya ako ng ilang beses tungkol sa pagsama niya sa akin sa iisang sasakyan papunta sa school.

"Sige na Yoona! Hindi ako magpapakita sa iba. Promise! Sige na." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at patuloy na nagmamakaawa.

"Hindi nga pwede kahit na sumama ka. Sa ibang sasakyan ka nalang sumakay. Madami naman kayo non." Binawi ko ang kamay ko sakaniya. Mayamaya ay dumating na ang hihintay namin. Yung van na hiniram ko sakaniya para sa pagdadalhan ng cupcakes sa school.

"Manong kumpleto na po ba?" Tanong ko sa driver nila Jungkook.

"Opo Ma'am. Nandidito na po lahat."

Dumaan muna kasi ito sa bake shop namin para kunin ang lahat ng ginawa nila Mama.

"Hindi ka ba naaawa sa akin Yoona? Malapit na ko umiyak oh!"

Nang lingunin ko si Jungkook ay napahagalpak ako ng tawa. Mukha kasing ewan yung itsura! Hindi ko alam kung nagpapaawa ba siya or nagpapatawa.

"Kahit gumulong ka pa diyan. Hindi talaga ako papayag." Saad ko sakaniya kaya nagpapapadyak siya.

Hindi kasi talaga pwede na sumama sa akin si Jungkook na pumunta sa school. Sikat siya don so madaming nababaliw sakaniya. Kahit na hindi man siya magpakita sa iba na magkasama kaming pupunta sa school ay alam kong may makakakita parin sakaniya. Papaano kapag nahuli siyang lumabas doon sa van kung saan ako galing? Baka mamaya kung ano pa ang isipin nila. Hanggat maaari ay ayokong maisyu sa pito na yon. Iisa lang ako at madami ang fans nila.

"Wait lang po Manong ah? May kukunin lang po ako sa loob. Sandali lang po." Pagpapaalam ko sa driver. Si Jungkook naman ay nakasimangot lang sa akin. Tinawanan ko lang siya at tumakbo papasok sa bahay.

Chinat ko ang mga kagrupo ko na papunta na ako. Lahat sila ay nandun na sa school at hinihintay nalang ako. Tinignan ko ang itsura ko sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Nakaligo na ako at magpapalit nalang.

Nag high waisted shorts ako at tinuck in ang oversized t-shirt. Naka sneakers lang ako para komportable. Hindi naman ipinagbawal ng school na magsuot ng short kaya pabor ito sa akin. Inayos ko ang buhok ko hanggang sa maging messy bun ito. Nag apply din ako ng light make up at nagpabango. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay wala akong masabi kundi ang ganda ganda ko.

Kinuha ko ang bag ko at patakbong lumabas ng bahay at agad na nilock ito. Wala na si Jungkook sa labas ng bahay. Siguro ay gumagayak na iyon pati ang mga kaibigan niya. Naglakad ako papunta sa van at pumasok.

-

Pagkarating ko sa school ay nakaabang sa akin ang mga kagrupo ko para tulungan ako magdala ng cupcakes papunta sa booth. Kahit si Manong ay nakitulong na din. Nagkalat at sobrang dami ng tao ngayon sa school. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang gaganda ng mga decorations at ang ibang mga booth. May mga mini stage din para sa ibang pakulo ng mga estudyante.

"Manong maraming salamat po."

"Thank you po!"

Sabay sabay naming sinabi sa driver nila Jungkook ng matapos kami.

"Walang anuman." Tumingin ito sa akin. "Mauna na po ako Ma'am."

Nginitian ko ito at tumango. Pinanuod namin itong pumasok sa sasakyan hanggang sa paandarin niya ito.

Boy with LOVE (ON HOLD)Where stories live. Discover now