Chapter 5

312 12 0
                                    

"Sorry hindi talaga ako pwede ngayon. Busy ako eh. Tsaka hanggang 8PM pa yung pasok ko."

"Okay sige. Bye." Bumuga ako ng hangin at tamad na initsa yung phone ko sa kama.

"ANG BORING!" Sigaw ko at pabagsak na humiga.

Dinipa ko ang kamay ko at nakipagtitigan sa puting kisame. Wala akong magawa. Wala akong kasama dito sa bahay at nasa galaan ang nanay ko kasama ang mga amiga niya.  Wala kasi akong pasok ngayon araw. Tinawagan ko na isa isa yung nga kaibigan ko para ayain sana na gumala ngayon kaso lahat sila ay tinanggihan ako. Yung iba ay may pasok at yung iba naman ay may kaniya kaniyang ginawa.

Sinipat ko ang orasan sa phone ko. Alas dose palang. Ang daming oras na pwedeng gawin pero wala akong magawa. Gusto kong gumala ng may kasama. Ang boring kasi kapag ako lang mag isa. Ako na nga lang mag isa dito sa bahay, pati ba naman sa pupuntahan ko ay ako lang din?

"Ayos na ba to? Tingin mo hindi na ko makikilala?"

"Oo nga sabi! Paulit ulit ka naman eh!"

Mabilis akong bumangon sa kama ng may marinig akong nag uusap..

"Teka hindi ko gusto yung damit ko. Magpapalit lang ako."

"Tsk! Bilisan mo!"

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina para tignan ang nag uusap sa baba. Kita ko dito sa pwesto ko si Jin na nakatayo sa harapan ng bahay nila. Naka suot ito ng shades at naka hood. Simple lang ang ayos niya at bagay na bagay ito sakaniya.

"Ayos na ba?" Mula sa pinto ay lumabas si Jungkook. Naka cap ito at kagaya ni Jin ay nakasuot din ng shades. Simple lang ang ayos niya at kagaya din ni Jin ay bagay din ang porma niya sakaniya.

Nag pose pa si Jungkook na ikinatawa ko dahil sa reaksyon na binigay ni Jin.

"Yoona! Nandyan ka pala!"

Natigilan ako ng parehas silang nakatingala at nakatingin sakin.

"Hindi kita nakita kanina sa school. Wala ka bang pasok?"

Tumango ako sa tanong ni Jungkook.

"Parang wala si Tita. Hindi ko nakita kanina. Umalis?"

"Oo. Kasama yung mga kaibigan niya. Kanina pa wala si Mama dito." Sagot ko kay Jin at tumango dito.

"Edi wala kang kasama ngayon sa bahay?" Tumango.

"Hala! Ang boring naman kung ganon! Gusto mo sumama samin?"

Bahagyang siniko ni Jin si Jungkook. "Ano ka ba?--"

"Saan ba kayo pupunta?" Putol ko.

"Gagala lang kami kung saan saan."

Tumango tango ako. Gagala daw sila. Gusto kong sumama. Kaso lang ay baka lakad lang nilang dalawa.

"Sama ka na Yoona! Please!" Sigaw ni Jungkook. Inalis pa nito ang suot niyang shades at pinakita niya yung puppy eyes niya.

"Yuck. Kadiri!"

Natawa ako ng malakas sa sinabi ni Jin. Pati ang reaksyon nito ay tila ba nandidiri talaga sa mukha ni Jungkook.

"Sige sasama ako. Magbibihis lang ako. 10 minutes lang."

-

"GO! GO! GO!"

Sigaw ko sa dalawa kong kasama na parehong naka focus sa pag shoot ng bola. Nandidito kami ngayon sa isang mall na malayo sa lugar namin. Sinadya talaga nila na sa malayo kami pumunta para daw walang makakilala sakanila. Pero kahit na walang nakakakilala sakanila ay nakukuha parin nilang dalawa ang atensyon ng mga tao dito. Lalo na ang mga kababaihan.

Boy with LOVE (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon