Chapter 12

266 11 3
                                    

Nang makarating ako sa cafeteria ay deretso ako sa pwesto namin at padarag na umupo. Nagulat pa sa akin si Jungkook. Si Jessica naman sa kaliwa ko ay nakataas ang kilay sa ginawa ko.

"Nakasimangot ka dyan? Anyare sayo?"

"May problema ka ba Yoona?"

"Wala naman." Walang gana kong sabi sakanila. Tinanguan nalang ako ng iba at yung iba ay lalong tumaas ang kilay. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pa.

"Okay guys. Anong gusto niyo? Libre ko."

"Wow V! Himala!"

"Weh? Manlilibre ka talaga?"

Hindi ko pinansin ang pagdiriwang ng mga kasama ko at humalukipkip. Alam kong mukha na akong badtrip sa itsura ko pero wala akong pake. Badtrip talaga ako!

"Huy Yoona ano daw gusto mo?" Ani Taeyeon sa tapat ko.

"Yung lagi kong kinakain." Bored kong sabi. Tumango nalang si Taeyeon at sinabi kay V. Nakita ko sa gilid ng pagtingin ni V sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

"Nag away ba kayo ni Bogum?" Mabilis akong umiling kay Seohyun.

"Eh bakit badtrip ka?" Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Sunny. Ramdam ko si Jungkook sa gilid ko na gusto niyang magtanong pero hindi nalang niya itinuloy.

Napanaginipan ko kasi kagabi yung nangyari sa amusement park kaya badtrip na badtrip ako. Sa dami dami ng pwede kong mapanaginipan, yung nangyari pa talaga sa ferris wheel!

Pagkatapos ng eksena sa ferris wheel ay namalayan ko nalang na nasa baba na yung cabin na sinasakyan ko at mag isa nalang ako. Natauhan lang ako sa lahat na nangyari non ng tawagin ako ni Bogum. Tinanong pa ako nito kung ayos lang ba ako. Pagkatapos non ay umuwi na kaming dalawa.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makaramdam ako ng inis. Sa totoo lang ay ayoko ng maalala yon. Sinusumpa ko nga yun ng sobra. Hinihiling ko na sana ay hindi totoong nangyari at isang bangungot lang.

Pero shit. Kahit inuntog ko ang sarili ko sa pader ay hindi parin mababago na may isang stranger na humalik sa akin nung araw na yon!

My fcking virgin lips! Walang hiya siya! Kung si Seunggi nga na first boyfriend ko ay never pa akong nahahalikan sa labi, tapos may isang lalaki na hindi ko naman kilala na kukuha ng first kiss ko?!

Wag na wag lang talagang magpapakita or magpapakilala sa akin yung lalaking yon dahil lintik lang ang walang ganti!

"Kung sino ka mang gago ka, masamid ka sana." Mariin kong bulong.

Nakuha ni V ang atensyon ng lahat ng bigla itong masamid. Ngayon ko lang napansin na kumakain na pala ang mga kasama ko at may pagkain na sa harapan ko. Masyado na palang malalim ang iniisip ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jimin kay V. Tumango lang ito kay Jimin.

"Kanina mo pa hindi ginagalaw yung pagkain mo Yoona. Ayaw mo ba?" Nag aalalang tanong ni Jungkook sa akin.

Umiling ako sakaniya at binigyan siya ng maliit ng ngiti. "May iniisip lang ako." Pagkasabi ko non ay sinimulan ko ng kumain.

-

"May quiz tayo tomorrow okay? Baka sabihin niyo na naman ay hindi ako nagsabi sainyo." Ani ng prof namin bago siya umalis ng room. Isa isang nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas.

"Yoona."

Sinipat ko yung kaklase kong babae ng tawagin ako nito. Nakangiti ito at tila ba kinikilig habang may nginunguso sa likuran ko.

"Nasa labas si Bogum. Mukhang ikaw ang hinihintay!" Aniya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko si Bogum na nakasandal sa pader sa tapat ng pintuan ng room namin. May mga iilang nakapaligid sakaniyang mga babae at kinakausap siya. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sakaniya kaya't nagawi ang mata niya sa akin. Umayos siya ng pagkakatayo at kumaway ng maliit sa akin habang nakangiti ng malaki.

Boy with LOVE (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon