CROSSDRESSER #9: Angel

8.1K 412 113
                                    

9_Angel



Kailan kaya niya sasabihing itigil ko na ang pagbibigay ko ng ibat ibang regalo para kay Denden at amining siya at si Denden ay iisa.

Pero napapangiti na lang ako sa tuwing naiisip ko na nililigawan ko si Denden sa katauhan niya kahit ang totoo ay siya na mismo ang nililigawan ako. At gagawin ko ang lahat para lang mapalapit sa kanya at mahawakan ko na siya ng hindi ko na kailangan ng proteksyon sa mga kamay ko para lang mahawakan ko siya.

Simula ng makita ko siya na halos mamatay na sa kamay ko dahil sa sakit niya ay nabuo na ang pasya ko na gagawin ko ang lahat para kunin ang loob niya. Para maproteksiyonan ko siya sa iba. Iyong sa akin siya mismo sasandal sa tuwing kailangan niya ng kalinga at hindi lang ang pamilya niya ang makakatulong sa kanya.

I like to hold him like the way they hold him in thier arms. At hindi lang ang pakialamerong kapatid niya ang hahawak sa kanya. Na halata na hindi lang kapatid ang turing nito sa kanya.

I feel it. That Finn is inlove to his brother. Oo, nandoon na tayo na hindi naman talaga sila magkadugo pero sa mata ng nakakarami ay magkapatid sila. Sa pangalan, dahil iisa ang apelyedong dala nila at pareho sila ng mga magulang na kinikilala.

At hindi ako magpapalamang sa Finn na iyon. Dahil sisiguraduhin kong mahahawakan ko din siya. At ipapamukha ko dito na hindi lang siya ang pwedeng humawak sa kanya.

Gagawin ko ang lahat para lang mapalapit sa kanya, kung kailangan kong maging mabait at iwasan ang mga bagay na ikinatatakot niya ay iiwasan ko. Basta makuha ko lang ang loob niya.

"Tinamaan nga ako, walang hiya ka kupido." Napalingon ako sa pagkanta ni Kyle habang palapit sila sa akin.

"Ang galing mo talagang kumanta dude." Si Jasper sabay siko dito.

"Of course, vocalist yata ako ng banda." Pagmamayabang na sagot naman nito sa kanya. "Tinatamaan na kasi itong si Angel eh, pasemple lang ba pero hulog na hulog na ang puso kay Denver." Na sinabayan pa ng pagtawa.

"Gago, tigilan mo ako Kyle."

"Hindi mo pa kasi aminin. Eh ano ba mawawala sayo kung aamin ka. Saka baka kapag hindi ka umamin, baka huli na para magsisi ka." Si Icy.

"Shut up. Pwede ba. Hindi naman kayo nakakatulong sa pag iisip ko. Lalo lang niyong pinapagulo. Nakalimutan niyo yatang hindi basta pwedeng hawakan siya."

"Oo nga naman pala " si Cloud. "Grabe din ang sakit niya. Paano na lang iyan kung hindi hindi mo mahawakan dude, di walang holding hands man lang na magaganap. No skin contact. Naku, kapag ako ang nasa kalagayan mo, mababaliw ako. Na ang taong gusto ko, hindi ko man lang mahalika."

"Kaya nga gumagawa ako ng paraan diba. Kaya pwede ba. Magsitahimik kayo." Paninita ko sa kanila.

"Duh! Nakalimutan mo yatang nasa MC restaurant tayo dude. At may practice ngayon si Kyle, ayan oh." Si Jasper at tumingin na kay Klye na inaayos ang maliit na stage na ipinalagay niya kung nasaan kaming lahat.

Napatingin kami kami dito. May drumer, guitarist, pianist at siya ang vocalist. Sa aming magkakaibigan ay siya lang yata ang biniyayaan ng magandang boses. Eh sa mga magulang niya hindi naman magaling kumanta.

"Ang kantang iaalay ko sa inyo ay para sa inyong lahat."

Nagsimula na siyang kumanta. At habang kumakain ang ang lahat sa loob ng restaurant ay nakikinig sila sa lamyos ng tinig nito.

Ako na lang Sana

By: Mark Carpio

Minsan na lang akong umibig
Ako ba'y nagkamali
'Di sinadyang mahulog sayo
Mayron bang nagmamay-ari

✅MC2 ANGEL: I'm InLove With... The CrossDresser (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon