CROSSDRESER #26: Denden

5K 295 11
                                    

Typos ang grammatical error ahead!

"Exhauted?" Napalingon ako ng marinig ko si Demon. Palapit na siya sa akin. Katatapos lang ng opening ng restaurant.

Pasado alas diyes na ng gabi. Kami na lang at ang mga magtratrabaho na lang sa restaurant ang naiwan.

"Oo. Pero ang gaan sa pakiramdam ngayong magsisimula na tayo bukas."

"Magsisimula na sila kamo. Bakit mo isasali ang sarili mo. Nag aaral pa tayo."

Napasimangot ako.

"Alam ko naman iyon. Pero dadaan naman tayo dito kapag uwian na diba. Tapos hintayin ang pagsasara sa gabi."

"Nagbigay pa tuloy ako ng ibang makakapagpapagod sayo." Sabi niya. Yumakap siya sa likod ko. Isinampay ang baba sa balikat ko. "Pero masaya ako na makita kang masaya ngayon."

"Dahil ikaw ang dahilan kung ako nagiging masaya."

"At ikaw din ang dahilan kung bakit ako masaya. Dahil kapiling kita."

Humablos ang palad ko sa pisngi niya. Isinandal ang ulo ko sa ulo niya.

"I can't wait until we get married. Parang gusto ko ng hilain ang oras para parehas na tayong makapagtapos."

"Mmm, hindi ka kaya magbabago?" Tanong ko sa kanya.

Ilang beses ko na din iyon tinatanong. At ang lagi niyang sagot.


"Hindi kailanman darating ang araw na iyan princess." At humigpit pa ang yakap niya sa baywang ko. Ibinaon ang ilong sa balikat ko. "I love you."

"I love you too." Sagot ko naman ng buong puso. At padamping humalik sa kanyang buhok. "Tara na. Tumulong na lang tayo para mabilis matapos at ng makauwi na din tayo." Aya ko na sa kanya pagkalipas lang ng ilang sandali.

Kaya naman naging abala na naman kami sa pagliligpit. Tumulong sa mga tauhan ng restaurant para mapadali kahit papaano ang trabaho nila.

"Salamat sa inyong lahat." Pasasalamat ko sa kanila ng sa wakas ay tapos na din at nasa labas na kami lahat ng restaurant matapos na naming maisarado iyon.

"Maraming salamat din po sa pagbibigay sa amin ng trabaho sir." Sabi ng isa na sinigundahan naman ng lahat.

Apat ang spare key na pinagawa namin ni Demon. At ang mga iyon ay ibinigay ko sa apat sa kanila.

Ang dalawa ay sa chief cook. Ang isa ay sa janitor at ang isa ay sa casher. Mapagkakatiwalaan naman sila dahil ang dalawang chief ay kaibigan mismo ng papa. Ang janitor at cahera namin ay ay mga anak ng maid namin sa bahay. Kaya naman hindi na din iba.

Mapapanatag naman kami na kahit hindi kami mananatili dito para magbantay. Sa hapon na lang kami makakapunta dito kapag tapos na ang klase namin.

Masyado sigurong maaga na magtayo kami ng sariling negosyo namin ni Demon pero ito naman ang gusto niya. Para naman daw ay mas makakaipon kami ng sarili naming pera hanggang sa matapos kaming mag aral.

"Kayo na po ang bahala sa restaurant natin huh! May tiwala po ako sa inyong lahat."

"Huwag kang mag alala hijo. Nasabihan na kami ng papa mo. At ayaw naman naming sirain din ang tiwala na ibinigay niyo sa amin."sabi ng isa sa tagapagluto.

"Maraming salamat po ulit. Sige po. Umuwi na po tayo. Mag ingat po kayo sa pag uwi niyo."

"Kayo din po sir."

✅MC2 ANGEL: I'm InLove With... The CrossDresser (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon