CROSSDRESSER #12: Denden

7.3K 417 46
                                    

Typo and grammatical error ahead!!!

# 12_ Denden




"Salamat sa paghatid kuya. Ingat sa pag uwi mo mamaya huh! Ikumusta mo ako kina lolo at lola."

"Of course baby, ayaw ko pa sana umuwi dahil gusto pa kitang makasama pero need ako nina lolo at lola doon." Sabay gulo ng buhok ko ng ipatong ang kamay doon pero agad naman ding inayos ng tanggalin niya ang kamay doon at ipatong naman ngayon sa balikat ko. "At ikaw, mag iingat ka. Huwag na huwag kang magtitiwala sa Angel na iyon. Baka kung ano pa ang gawin sayo."

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan niya at awtomatikong lumingon ako sa paligid pero wala akong nakita kahit anino man lang niya na dati naman ng nag aabang sa akin kapag ganitong inihahatid ako ng kuya.

Pero ngayon.... bakit pakiramdam ko na disappoint ako dahil wala siya ngayon.

"Are you okay?" Tanong pa ni kuya Finn kaya naman agad na napabaling ako sa kanya. Ngumiti akong muli pero ewan ko kung umabot ba iyon sa mga kislap ng mata ko dahil nakaramdam ako ng kakaiba na walang Demon na nag hihintay sa akin.

"Okay lang ako kuya. Papasok na ako."

"Okay baby.. come on. Let me.hug you once again." Sabi pa nito kaya naman agad akong lumapit at yumakap din dito. "I love you baby. Ingatan mo ang sarili mo."

"I love you too kuya. Ikaw din."

Kaway na lang ang ipinahabol ko kay kuya habang palayo na ang kotse nito. Ng hindi na ito tanaw ng mga mata ko ay doon na ako nagpasyang pumasok.

Pero palinga linga ako sa paligid habang naglalakad ako na may hinahanap talaga ang mga mata ko. Wala talagang Demon na naghihintay sa akin o nag aabang para ihatid ako sa classroom namin.

Hindi ko mapigilan ang mapasimangot, ewan ko ba pero parang nakasanayan ko na yata ang presensya niya. Ang takot ko noon sa kanya ay tuluyan ng nawala.

"Saan naman kaya nagpunta yon?" Kuway tanong ko mismo sa sarili ko na hindi ko naman masagot iyon. "Hindi ba niya naisip na baka may haharang sa daraanan ko at hahawakan ako." Dagdag ko pa sa  mga nasa isip ko.

Pero hindi ko naman gugustuhin na may iba akong makasalubong at humarang na naman sa daraanan ko. Ayaw ko ng mangyari muli ang nangyari sa akin na muntik ko ng ikinamatay.

"Hmmp." Hindi ko talaga mapigilan ang mapasingot. Ewan ko na lang kung pwede ng talian ang nguso ko sa haba dahil doon. Basta, para kasing may kulang na wala siya.

Sandali.....

Hindi kaya umiiwas na siya dahil sa paghalik niya sa akin kahapon? Dahil hindi niya nagustuhan ang naging halikan namin?

"Pero.." inamoy ko pa ang hininga ko kung mabaho ba o hindi.. "hindi naman mabaho ang hininga ko ah." Muli ay napasimangot ako. "At saka nagkausap pa kami kagabi at hinawakan pa niya ang kamay ko habang nanunuod kami ng sine. "Hmmm..."

Kunot nuo ang nuo ko, naisip ko na dala lang ba nainum niyang alak iyon kaya siya lunapit din sa akin.

"Hmmp."

Padabog na nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Naiinis ako na hindi ko mawari. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinahanap siya ng mga mata ko.

"Good morning cutie." Nagulat pa ako at napaatras ng biglang humarang sa daraanan ko ang isa sa mga kaibigan niya. Si Cloud.

Nangunot na naman ang nuo ko. At ano naman ang ginagawa ng isang ito dito at bakit humarang siya sa daraanan ko?

"A-anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko at muli akong napaatras ng lumapit pa siya sa akin. "H-huwag mo akong hahawakan." Sabi ko pa.

✅MC2 ANGEL: I'm InLove With... The CrossDresser (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon