CROSSDRESSER #14: Denden

7.8K 406 44
                                    

Typo ang grammatical error ahead!!

# 14_ Denden




"You ready?" Tanong mula sa likuran ko na nakapagpapiksi sa akin. Saka ako lumingon pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil lumanding ang labi niya sa labi ko ng malingon ko siya.

Agad akong umiwas at lumayo sa kanya dahil nagsitinginan na ang mga ka klase ko. Bigla tuloy nakaramdam ako ng pag iinit ng buong mukha ko.

Wala pang kami pero kung makahalik ay hindi ko na yata mabilang simula ng sabihin niyang ipapagpatuloy niya ang panliligaw sa akin. Saka, ganito na ba ang klase ng panliligaw ngayon? Hindi pa kami pero nakakahalik na siya ng paulit ulit.

Hmmmp! Tapos ngayon, lantaran na ang ginagawa niyang panliligaw at hindi pinapansin ang mga matang nakatingin sa aming dalawa.

Kundi ngiting ngiti pa talaga siya at nawiwili yata sa nakikitang namumula na ang mukha ko.

"Cute." At bahagyang pinisil ang pisngi ko. Dumampi muli ang labi niya na ngayon ay sa ilong ko iyon dumapo.

"D-demon, stop it." Mahinang itinulak ko siya.

"But I can't princess." Sagot niya. Siya na ang nagpatuloy sa pagliligpit ko ng mga libro ko sa bag ko at isinabit na iyon sa kaliwang balikat.

Hindi na alintana ang mga ka klase ko na nakatingin sa amin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop pa ang mga palad namin kaya naman napatayo na lang ng hilain niya ako.

"S-saan na naman ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero alam ko naman na sa tree house parin ang tungo namin kapag ganitong tanghalian na.

Tatlong araw na ang lumipas mula ng maipakita niya sa akin iyon. Everytime na pareho kami ng free time at walang klase ay niyayaya niya ako doon at doon na kami nagpapalipas ng oras.

Wala naman kaming ibang ginagawa maliban sa kakain, mag kwekwentuhan. Pero minsan sa kapilyuhan niya palagi niya akong ninanakawan ng halik na hindi pa naman dapat.

Pero nakasanayan na niya. Kung tutuusin ay parang kami na nga kahit wala pa akong naging sagot sa mga tanong niya kung mapapabigyan ko ba siya at pasukin ang isang relasyon. Pero hindi ko naman alam kung paano sasagutin ang tanong niyang iyon.

Minsan naman nagpapahinga lang na nagagawa kong makatulog nga doon at nagigising na lang ako na nasa tabi ko siya at nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap naman ang kamay ko sa kanya.

Syempre, kapag ganun ay agad naman akong lalayo. Nakakahiya, dahil ang una kung naisip ay kung ano ang hitsura ko. Baka kasi nakanganga ako kung natutulog o di kaya naman ay nalalaway.

Pero kapag tangka ko ng lumayo sa kanya ay mabilis niya akong nahuhuli at hindi pinapakawalan hanggat hindi na naman siya nakakahalik sa akin.

Kaya naman, nakakasanayan na yata ng katawan ko at pakiramdam sa mga bagay na ipinapamulat niya sa akin na hindi ko pa man nararamdaman noon.

"May problema ka?" Kuway tanong niya ng natigil ako at nakatitig sa kamay naming magkaugpong.

"Wala, may naisip lang ako." Sagot ko sa kanya kaya naman umagapay na lang ako sa pavlalakad para hindi na niya ako hilain pa.

At gaya ng nakagawian na sa taylong araw na iyon. Sa motor kami sumasakay sa tuwing pupunta kami ng tree house.

"Wow." Hindi ko naman ngayon mapigilan ang mamangha dahil sa nakikita ng mga mata ko. Nabago ang kulang ng mga kurtina at bedsheet.

Lalaki ako pero I love rose pink. Na sinamahan ng lavander na kulay.

"You said you like lavander and pink. Kaya gusto kong maging homey ka sa tree house natin."

✅MC2 ANGEL: I'm InLove With... The CrossDresser (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon