Prologue

377 17 18
                                    

Prologue

Quattro Squad.

Iyan ang pangalan ng grupo namin. Grupong kinabibilangan ng apat na pinakasikat at pinakamagagaling na estudyante sa buong Waterford Middle School. We are almost perfect that's why we are known as the Royalties of the Campus.

Adam Benedict Muega, isang lalaking pinapangarap ng lahat. Ang pinakamatalino slash pinakamabait slash pinakagwapong lalaki sa balat ng Waterford Middle School. He is a Campus King. Siya ang pinakamalapit na lalaki sa akin.

Lyndon Valderrama, isa ring lalaki na kinababaliwan ng mga kababaihan. A Campus King. Mahigpit niyang katunggali si Adam sa lahat ng bagay, mula sa academics hanggang sa sports.

Claire De Leon, every boy's dream girl. She's good at almost everything but not that good compared to me. She is the kind of girl you'll love for the rest of your life. She is a Campus Queen.

Margaux Lim, I am the girl version of Adam. I am kind, I am smart, and I am gorgeous. I am happy to help every single creature in this world and I am a Campus Queen.

Magkakaibigan na kaming apat simula pagkabata.

Magkakasama sa kalokohan...

Magkakasama sa kulitan...

Magkakasama sa pag-aaral...

Magkakasama noong mga panahong nagdadalaga at nagbibinata...

Magkakasama kami sa bawat yugto ng buhay.


"What the hell, Marga?! You were so cheesy back then! Hindi ko inakalang ganito ka ka-corny! Ito pala 'yong jeje days mo!"naiiihi sa tawang sigaw ni Claire na hawak ngayon ang lumang diary ko. They would help me out in renovating my room. That was the original plan but look at them now! They were laughing at my diary for Pete's sake!

"Wala naman bang nakalagay riyan kung nagkacrush siya sa isa sa amin ni Lyndon?" panggagatong pa ni Adam.

I rolled my eyes and snatched away the diary from Claire's hand. Aminado naman ako roon. Yes, I was so corny before that I managed to write every detail I could remember from our experiences as friends. Dinaig ko pa 'yong mga cliché novel writers.

"You know what guys? Pinapunta ko kayo rito para tulungan ako at hindi para tawanan ang diary ko! You should actually be grateful dahil may mga records ako riyan ng memories natin. For example noong nagpatuli si Adam at Lyndon!"

Nanlalaki ang mga matang nilingon ako nina Adam at Lyndon. Lalo namang natawa si Claire dahil sa sinabi ko. Little did she know na mas malala pa ang naisulat ko sa diary na patungkol sa kanýa. It's payback time you idiots!

"Oh, Claire? Bakit tawang-tawa ka riyan? Gusto mo bang basahin ko 'yong diary entry ko na tungkol sa pagkahulog mo sa kanal?"

Napawi ang ngiti ni Claire at tinitigan ako nang masama. 'Yong dalawang lalaki naman ngayon ang tawa nang tawa dahil sa sinabi ko. A while ago, they were laughing about me but look how I turned the tables now.

"No, you do'nt!"

"Alam n'yo namang mahal ko kayo kaya sige hindi ko sa sasabihin ang mga isinulat ko rito. Tara na sa baba, nakahanda na ang merienda. Alam ko namang 'yong cake na binake ni Mommy lang naman ang habol n'yo rito. Kunwari pa kayong gusto n'yo akong tulungan."

Parang kuminang ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. Nag-unahan silang tumakbo pababa sa dining room at iniwan akong mag-isa rito sa kwarto. Napapangiti naman akong itinago ang luma kong diary sa cabinet saka sumunod sa kanila. Nadatnan ko naman silang feel at home habang kumakain ng inihanda ni Mommy. Lalo tuloy akong napangiti.

This friendship would always be the best treasure for me.

Connected To YouWhere stories live. Discover now