Chapter 49

20 5 0
                                    

Chapter 49

Lyndon Valderrama's Point of View

"What can I do if that's the only thing I can achieve? Bakit ba lagi mo na lang akong kinukumpara riyan sa ampon mo? Oo na, matalino na siya but you don't have to compare me to him! I'm doing my best here!"

Humigpit ang hawak ko sa manibela nang marinig ko ang sinabi ni Clyde. He's involving me again. Dinadamay niya na naman ako sa kasalanan niya. Our mom never compared the two us because she knows what we are capable of doing. Hindi naman magagalit si Mommy kung okay ang grades ni Clyde. She know Clyde's capacity. Ibig sabihin, bumaba talaga ang grades ni Clyde kaya nagalit si Mommy.

"Stop involving other people here, Clyde. Ikaw ang may kasalanan kaya bakit pinapalaki mo pa? I know your capacity; you are betten than this! I am not comparing you to your brother!"

Nakikita ko mula sa salamin ang masamang titig sa akin ni Clyde. Ako na naman ang sinisisi niya sa sarili niyang kasalanan. Umiling-iling na lang ako at nanatili pa ring tahimik. I focused my attention on the road instead of looking at Clyde's deadly glare.

"You don't know me at all! Lagi ka lang nakafocus diyan sa ampon mo kasi siya 'yong magaling. Gusto mo akong maging tulad niya that's why you're doing this. You can't accept the fact that your own son will embarass you because of low grades! I am not like him, I'm just this!"

Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit na inis na inis na ako sa kapatid ko. Sumosobra na ang mga salitang binibitawan niya. Alam kong hindi na natutuwa si Mommy at ang masaklap pa roon ay hindi namin maintindihan kung bakit siya nagiging ganito.

"Why do you keep on involving your brother here? We are talking about you and your grades here! Stop talking about your brother because he's not involved here! Tell me, Clyde, what is your problem?"

Pumalatak ako. Ako na nga itong nananahimik, talagang nadadamay pa ako. Hindi na nga ako nagsasalita para hindi na lumaki pa pero iba ang gusto ni Clyde. Pilit niya akong dinadamay para magsalita ako. What kind of mindset does he have?

"I don't have any problem, kayo ang may problema! Hindi n'yo matanggap na ito lang ako at ito lang ang kaya ko!"

Saktong nakarating na kami sa bahay nang sabihin ni Clyde ang mga salitang 'yon. Agad na bumaba ng kotse si Clyde at magtutungo na sana sa kwarto niya nang pigilan siya ni Mommy. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Hindi na ako natutuwa sa pagsagot-sagot mo, Clyde! You are not raised like that! Don't make me transfer you to other schools! Masyadong bad influence ang mga kaibigan mo!"

It is true that a person is being influenced by people that surrounds him. Somehow, he adapts the behavior of those he usually spend time with. Ganoon ang nangyayari kay Clyde ngayon. I know who are his friends and based on my observations, hindi maganda ang mga ugali nila.

"Pati ba naman mga kaibigan ko? Bakit 'yong mga kaibigan ni Kuya okay lang sa 'yo pero 'yong mga kaibigan ko hindi? What's the difference?"

I'm done with being quiet, kanina niya pa ako dinadamay at hindi na ako natutuwa dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Hindi dapat namin siya hinahayaang maging ganito dahil kung hahayaan namin siya, lalo lang siyang lalala!

"Stop comparing my friends to your friends! Malinaw naman na maayos ang ugali ng mga kaibigan ko at hindi katulad ng ugali ng mga kaibigan mo! Why do you keep on comparing yourself to me and then blame us? Ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo, huwag mo kaming idamay!"

Seryosong-seryoso ang titig ko kay Clyde na nakatitig naman nang masama sa akin. Hindi siya pinalaking ganito ni Mommy kaya kailangan niyang madisiplina! Hindi siya palaging pagbibigyan dahil lalong humahaba ang sungay niya.

"Nagsalita na naman ang magaling at matalinong anak. Ikaw na lang ang palaging tama rito sa bahay! They never understand my point because of you! Ako ang laging napapansin at napapagalitan dahil sa 'yo!" galit na galit niyang sigaw.

"Alam mo kung bakit ka napapagalitan? Dahil 'yon sa ugali mo! We are trying our best to understand you but what you're trying to argue is wrong! Hindi kami basta-basta papayag sa mga bagay na gusto mong mangyari dahil gusto mo lang! We still need to find out if it has a good effect on you or not!"

Pilit kong kinokontrol ang sarili ko dahil alam kong ano mang oras ay baka masaktan ko siya. Siguradong hindi 'yon magugustuhan ni Mommy at lalo lang magrerebelde si Clyde kapag ginawa ko 'yon. Hanggang kaya ko, pipigilan ko ang sarili ko.

"Who are you decide what's best for me? You have no right! You are not my father! You are not even my brother! You're just an adopted child because you are abandoned because you're bad!"

Umigting ang panga ko nang marinig ko ang sinabi niya. He is out of line. I hate it when someone talks about my past because even I can't take it. Masyado akong apektado dahil maging ako ay hindi maintindihan kung bakit dumating ako sa punto kung saan naiwan at naabanduna ako ng mga magulang ko. That's the most sensitive part of me.

"Clyde, hindi na maganda ang lumalabas sa bibig mo!" suway ni Mommy.

"No, it's true! Iniwan ka ng mga magulang mo dahil masama ka! Pasalamat ka pa nga inampon ka ng mga parents ko dahil kung hindi, sigurado akong nasa lansangan ka na ngayon!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuwelyuhan na si Clyde. What he's saying is just too much for me to take. Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya dahil hindi niya alam kung ako ang pakiramdam ng maiwan mag-isa. Maswerte siya dahil kilala niya ang mga magulang niya. Pero hindi ibig sabihin no'n ay may karapatan na siyang magsalita nang masama.

"You don't have any idea how painful to lose your family, Clyde. That's why I'm telling you right now to act properly because once your parents are gone, you will regret it." I said with gritted teeth.

Binitawan ko rin siya matapos sabihin 'yon saka lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho palabas ng subdivision. I don't know where should I go but as long as I'm away from our house, I'm fine with it. I end up going to Raeleigh Sports Complex. Mas mabuting manood na lang ako ng sports kaysa makipagsagutang muli sa kapatid kong insensitive.

"Oh my gosh! Isn't that Lyndon Valderrama of Waterford Middle School? He's so hot!"

Napailing ako nang may marinig na mga babaeng nagtitilian. Hindi ko sila pinansin at umupo sa bench para manood ng soccer. I don't play soccer but I enjoy watching it. Siguro kung hindi ako basketball player, nag-aaral akong maglaro ng soccer ngayon.

Seryoso lang ako habang nanonood ng laro. Mabuti pang dinaanan ko muna si Adam kanina para may kasama ako ngayon. Wala tuloy akong makausap tungkol sa laro. Ayaw ko namang kumausap ng kung sino lang.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong soccer field. Natigilan ako nang may mapansin sa kabilang bench. Is that who I think it is? Seryoso kong tinitigan ang lalaki na seryoso ang tingin sa soccer field.

Is that really Drake Fernandez? Kailan pa siya nakauwi?

I immediately dialed Adam's number. Tatlong ring ang narinig ko bago niya sagutin. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Drake habang nakikipag-usap kay Adam.

"Hey, man! I just want to ask, is Drake planning to go back to Raeleigh?" tanong ko kahit na malinaw na sa akin ang sagot dahil nakikita ko na siya.

"Yes! How did you know? I've been trying to reach him but he's neglecting my calls!"

Napailing ako saka sinabing alam ko kung nasaan si Drake. This is another freaking mess.

Connected To YouWhere stories live. Discover now