Chapter 72

27 5 5
                                    

Chapter 72

Lyndon Valderrama's Point of View

Hindi naging madali sa amin ang lahat ng nangyari noong nakaraang mga buwan kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ganito ang nasa isip ni Claire. All of us are having doubts if we can still survive. Masyadong masakit at mabigat ang nangyayari. We may be on our legal age but we are too young for this. Hindi pa kami ganoon ka-mature para sa ganitong mga bagay.

"This has been a tough year, Lyndon. Hindi pa nga tapos, e. There's a possibility that more will come and I doubt I'll survive it anymore. Pagod na pagod na ako. Ubos na ubos na ako."

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan si Claire. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pait at sakit dahil sa lahat ng nangyari. She's trying not to cry. She doesn't want to cry anymore. Maraming luha na ang naiyak namin pero tila ba hindi nauubos ang mga 'yon. Nakakapagod na ring umiyak kaya hangga't kaya namin ay pinipigilan namin.

"I actually don't know what to say, Claire. I don't know what may happen in the future. I want to say that we must always look on the bright side but we both know it's not that easy. It's easier said than done."

Napabuntong hininga ako saka muling nagsalin ng Tequila. Kakasimula pa lang namin pero mabigat na agad ang pinag-uusapan namin. But the thing is we must be immune to pain kaya kahit na gaano pa kasakit at kabigat, kailangan namin itong harapin. Walang mangyayari kung tatakasan lang namin ito dahil nasasaktan kami. Siguro nga magiging maayos kami pero sigurado na darating ang panahon na muli kami nitong huhulihin at sasaktan. Mas mabuti na 'yong mabagal na proseso pero siguradong hindi na kami aatakihin sa hinaharap.

"Where and when the hell did this thing started to happen? Ano ba ang naging dahilan kaya kinailangan pang umabot sa ganitong sitwasyon?" nakakunot noong tanong ni Claire na hawak ang baso niya.

"I'm not sure. We both know we can't just jump into conclusions. I think we're all just unlucky this year that's why we experienced a series of unfortunate events."

Idinampi ko sa labi ko ang baso saka nilagok ang Tequila. Naramdaman ko ang pag-guhit no'n sa lalamunan ko pero hindi ko na 'yon pinagtuonan nang pansin. Bakit pa ako uminom kung magrereklamo lang ako sa epekto ng alak?

"Well, I guess we are really that unlucky. Masyadong maraming nangyari. Muntik na nga tayong masira nang tuluyan. Our friendship is being tested to the highest level. Hindi pa tapos ang isang problema, nadadagdagan na agad at lalo pang lumalala."

Seryoso ang tingin sa akin ni Claire nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Napatango ako dahil totoo naman ang mga sinabi niya. Dumating talaga kami sa point na muntik na kaming mawasak.

"We can't just stay confident that we can have whatever we want, Claire. Everything and anything is possible to happen. We can never escape life's difficulty no matter how hard we try."

"I know, I know! Masyado lang masakit at mahirap tanggapin."

"That's the reason why we need the immunity. Kung hindi tayo magiging immune sa lahat ng sakit at hirap ng nararanasan natin, hindi tayo uusad. We'll just stay where we are and we'll never achieve what we want."

Sa bawat shot namin ni Claire, lalong lumalalim at bumibigat ang pinag-uusapan namin. We both need this. Kailangan naming masanay. Pain can never hurt us anymore when we are already used to it.

Nagsalin ako ng Jager sa Red bull shot saka ipinadulas sa harap ni Claire ang baso. Seryoso pa rin ang hitsura naming dalawa. Who would dare to joke in this situation?

"Jager bomb."

Tumango si Claire at agad na kinuha ang baso na nasa harap niya. Pinaglaruan niya pa 'yon habang seryoso ang tingin sa akin. She's probably thinking about what I said. Tuluyan na naming pinatay ang tv dahil wala na kaming naiintindihan sa movie dahil sa pinag-uusapan namin.

Connected To YouWhere stories live. Discover now