Forever

5 2 0
                                    

CLOE'S POV

"Oo nga nandito pa ako sa coffee shop" Sabi ko na halos pasigaw na kaya napatingin sakin ang mga tao.

"Okay...okay di na kailangan sumigaw pa sist malapit na matapos ang meeting ni Chelle kaya wait ka lang dyan" Napa-irap ako sa hangin.

"Bilisan niyo lang kanina pa ako dito oh walang Carlo at Chelle na dumating" Natawa naman siya sa kabilang linya.

"Sist wag mo nga akong maCarlo-Carlo, hey its Carla" Sinabihan ko pa muna siya ng "Tse" bago ko ibinaba ang linya.

"Maam here's your ordered mocha latte" Ngumiti naman ako sa babae at nagpasalamat.

So kung nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito ay syempre bukod sa inaantay ko yung dalawa ay hinahanap kona din ang forever ko hehe.

Pero dahil sa sobrang tagal nila Carlo dumating ay napagalitan pa ako kanina ng ibang customers. Eh ni wala kasi akong order at nakatambay lang ako dito habang nagla-laptop. Sa sobrang pag-aabang ko nga sa forever ko ay nagde-day dream nanaman ako.

"Bakit ba kasi ang tagal mo forever ko?"

Napasimangot ako ng todo sa isiping iyon. Maya maya lang ay may biglang umupo sa harap ko kaya napatingin ako sa kaniya at napakunot ng noo.

"Who are you?" Takang tanong ko.

Well isa siyang gwapong nilalang na mukhang hinulog ng langit para siguro sa akin. Hehe hindi kaya ito na ang forever ko?

"I'm Nathan Rei Sattle" Ang ganda ng pangalan daiii. Pero syempre sungit sungitan mode muna tayo.

"Why are you sitting with me?" Taas kilay ko pang tanong.

"Because I don't have a choice" Malumanay niya lang na sabi at inilapag ang bag niya sa table sabay kinuha ang laptop niya at nagtaas nang kamay.

"Yes sir?" Biglang lapit nung babae kanina na nagserve sakin.

"My usual order please" tumango naman yung babae at pumunta sa counter.

"So sa papaanong wala kang choice kundi ang maupo dito aber?" Napahinto siya sa ginagawa sa laptop niya at tumingin sa paligid.

"Well as you can see dito lang sa lugar mo walang naka-upo kaya wala akong choice kung hindi ang dito maupo" At nagpatuloy na ulit siya sa pag-kalikot ng laptop.

"Pwes ngayon lang yan walang tao dahil mamaya darating ang mga friends ko kaya kung pwede mister?" Maarte ko pang sabi.

Pasensya na forever ko. Ganito kasi yung mga napapanood ko sa movie eh. Tatarayan muna nila yung lalaking makakatuluyan nila then boom! Magkakadevelop-an hehe.

"I can leave when they come just let me stay here for a while I need to do my things" Inirapan ko siya pero hindi niya yun pinansin at nakatitig padin sakin na animo nagaantay ng sagot.

"Okay fine" kunwaring napipilitan kong sabi.

Teh baka mamaya umalis talaga tong forever ko kapag pinalayas ko pa ng pinalayas kaya hayaan nalang muna natin siya diyan hihi.

"Uhmm mister can I ask you a question?" Tumingin siya saglit sakin at tumango.

"Go ahead" sabi niya pa.

"Well im just bored so I want to know what you're doing hehe" Malakas siyang napa-buntong hininga pero sinagot din naman ang tanong ko.

Arte mo naman forever ko, wag ganyan ha.

"I'm 'busy' with my work of course, eh ikaw bakit nilabas labas mo pa yang laptop mo kung hindi mo naman gagalawin?" Parang medyo iritang sabi niya.

Day Dreaming Where stories live. Discover now