Mrs. Sattle

0 0 0
                                    

CLOE'S POV

"Huy teh ano iniisip mo dyan?" Naptingin ako kay Carlo na kakapasok lang dito sa coffee shop.

"Naiistress ako teh! Eto naman kasi si sir!" Nagkatinginan ang dalawa.

"Pano ka naman nastress kay sir Nathan sizt? Tatanggalin ka raw ba?" Umiling ako at nagpout.

"Eh ano nga kasi teh?" Nagmamadaling anya ni Chelle.

"Gusto raw ako maging maid ni sir" gulantang ang buong pagkatao ng mga gaga.

"Ano raw?!" Si Carlo.

"Wow teh O.A ka pa sakin" Natawa ako sa sinabi ko.

"Eh teh alangan matuwa ako na gusto ka gawing maid" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Eh teh may dahilan kasi yon, learn to wait my words teh" Napahawak si Carlo sa puso at napaangat ang dalawang kilay.

"Wag mo akong englishin at sabihin mo na" Huminga ako ng malalim at tinignan sila ng seryoso.

"Eh kasi teh kailangan ko raw magpanggap na asawa ni sir" Nakita kong parang nagpipigil ng tawa ang dalawa kaya napa-irap ako. "Nahiya pa kayo tawa na ng malakas mga teh" at dun na nga sila natawa ng pagkalakas lakas.

Pinagtinginan pa kami dahil sa ingay ng dalawang to. Balak pa ata sirain ang lamesa dahil may paghampas hampas pa sila.

"Hampas ko kaya sa inyo yang lamesa?" Dahan dahan silang tumigil ng tawa habang naka hawak sa tiyan. Pero di pa pala tapos.

"Hahaha eh kasi hahaha teh ano ba pinagsasabi mo hahahahahaha" si Carlo.

"Pag di kayo tumigil iiwan ko kayo dito mga baliw kayo" Tumatawa parin sila pero hindi na kagaya kanina na hagalpak talaga.

"Ipaliwanag mo nga bwisit to sakit sakit na ng tiyan ko hahaha" tinignan ko sila ng masama.

"Ganito kasi yon" at ikinwento ko na nga sa kanila ang sinabi ni sir sakin.

"Huh? Eh bat ang gulo naman ng tradisyon nila? Mga may saltik ba sila?" Napakalabit ako kay Chelle.

"Yun na nga! Yun din ang iniisip ko teh, kung itawag ko kaya sa mental yon si sir? Para kasi malala na teh" Hinampas ako ni Carlo.

"Gaga! Malay mo naman ganon nga talaga sa kanila, eh pero anong sabi mo sa alok ni sir Nathan?" Napakagat ako ng labi.

"Om-oo ako teh" Gulantang nila akong tinignan.

"Tamo to itawag daw sa mental pero naki-join" Natawa si Chelle.

"Eh kasi teh! Ang laki ng bayad! Kahit kayo mapapa-oo!" Excited kong inuga uga ang balikat nila.

"Aray ko sizt! Wag mong alugin ang ulo ko at baka mawala ang kakaunting laman" Pinalo ko siya at natawa.

"Magkano teh??" Hinawakan ko ang dalawang pisngi ni Chelle.

"Five hundred thousand teh!" Halos sabunutan ako ni Chelle nang banggitin ko yun.

"Hoy teh! Di kaya ibebenta ka na nyan ni sir?! Payag ka ng payag agad!" Napaisip naman ako.

"Ay mali pala teh! More than five hundred thousand pala ang sabi ni sir!" Si Chelle naman ang humawak sa magkabila kong pisngi.

"Teh di ka manlang nagsabi na pag-iisipan mo ng mabuti sumagot ka kaagad ng oo lantod nito" Nginisihan ko siya.

"Grasya na ang lumalapit teh" sagot ko. Pero di parin talaga ako makapaniwala.

"So ano pano gagawin mo?" Nagkamot ako ng ulo.

Day Dreaming Where stories live. Discover now