Move in

1 0 0
                                    

CLOE'S POV

"Tagal naman ni Nathan" dinagukan ako ni Carlo.

"Huy teh demanding ka na nga finifirst name mo pa ang boss mo" Nginitian ko siya.

"Teh siya ang may sabi na Nathan or whatever I like ang itawag ko sa kaniya" Tinusok ni Chelle ang tagiliran ko. "And guess what!"

"What?" Sabay na tugon nina Chelle at Carlo.

"I called him bebe ko" natatawa tawang aniya ko.

"Ay ang cheap" sinamaan ko ng tingin si Carlo.

"Wala kang pake! Hahahaha" Inirapan ko pa siya.

"Oh ayan na bebe mo" Napatingin ako sa likod nang banggitin yon ni Chelle.

"Bebe ko!" Sigaw ko, tinignan niya naman ako ng masama kaya napatikom ako.

"Teh ang ingay" Inirapan ko si Carlo.

"Hi ladies....and gentleman" Ngumuso si Carlo.

"Lady ako sir Nathan" Nginitian lang siya ni Nathan.

"Sabi ko nga lalaki ako" Natawa si Chelle sa tabi niya.

"Tara na mga teh" Aya ko sa kanila. Nabanggit ko na sa kanila na ihahatid kami ni Nathan kaya wala ng kaartehan pa ang mga bakla.

Isinakay kami ni Nathan sa kotse niyang mas mahal pa sa buhay naming tatlo kaya hindi ako halos nagalaw sa buong byahe. Ayoko maging maid habang buhay teh.

"Pasok ka sir" aya ni Chelle.

"No need, hinatid ko lang kayo para alam ko kung saan susunduin si Cloe" Tinignan ako ng mga bakla na may panunukso sa mga mata. "Cloe tomorrow at six in the morning I'll be waiting you here" Sunaludo ako at tumango.

"Okay bebe ko" Bahagya siyang ngumiti pero inirapan ako.

Nang makaakyat kami sa apartment ay todo panga-asar ang mga ate niyo.

"Sizt ah kapag ikaw nahulog dyan kay sir" Pinalo ko siya sa braso.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan! Diba nga hahanapin ko ang forever ko" Hindi ako pinansin ng mga bakla at naguusap lang sila tungkol sa sasakyan ni Nathan.

Kumakain kami ng dinner nang bigla akong mapaisip.

Pano kung ma-inlove nga ako kay Nathan? Syempre dapat hindi mangyari yon kasi acting acting lang naman to.

Eh pano kung siya nga yung forever ko?

Pero teka pano ko ba malalaman kung siya nga yung forever ko?

Dapat ba humingi ako ng sign? Pero ano namang sign?

Dapat talaga pigilan ko ang sarili ko kung sakali man na mahulog ako kay Nathan, alam ko naman kasi na hindi niya ako papatulan.

Kailangan niya lang talaga ng artista para dun sa tradisyon tradisyon nila.

"Huy teh san na ba narating yan utak mo?" Binatukan na ako ni Carlo kaya kaagad ko silang tinignan.

"Potek hindi kita inaano Carlo ah!" Kinurot ko ang braso ni Carlo.

"Aray punyeta!" Tinawanan lang kami ni Chelle. "Bwisit ka Chelle dapat ikaw na talaga bumatok eh" Inis na pagmamaktol ni Carlo.

"Ano ba kasi yon? Bat kailangan niyo akong batukan mga bwisit" Irita kong tinignan ang mga ate niyo.

"Kanina pa kami Cloe? ClOe! CLOE! CLOE! CLOE!" Pagsasadula niya ng pagtawag nila sakin kanina.

"Ano ba nangyayari sayo teh? Dar dream nanaman?" Tumango ako.

"Iniisip ko kasi kung pano nga kung mainlove ako kay Nathan noh?" Tumango naman sila.

Day Dreaming Where stories live. Discover now