Maid Act

3 1 0
                                    

CLOE'S POV

Maaga akong nagising at nag-ayos para maka-pasok ng tama sa oras. Sa pagkaka-alam ko kasi ay may na-fired nang dahil na-late siya sa pagpasok kaya ayoko namang mangyari sakin yun hehe.

"Tara na teh" sabi ni Chelle kay Carlo na nagkikilay pa.

"Andali teh madami pang oras oh" Inirapan siya ni Chelle at nagpunta muna sa kitchen para kumuha ng cookies.

"Bukas pala ay walang pasok ano" sabi ko pa.

"Ang swerte mo teh ah bagong pasok ka palang tas wala agad pasok" sabi ni Carlo.

"Hehe mamimili na ako sa groceries bukas para may stocks tayo ah" Dagdag ko pa.

"Yeah sure basta yung pera mo ah, yung kailangan lang dapat ang bilhin ah hindi kung ano anong bagay remember na nagiipon tayo" Tumango naman ako kay Chelle sabay okay sign.

"Ano na bakla hoy" sabi ko pa.

"Eto na nga oh" maarteng sabi niya sabay tayo at ayos ng damit niya. "Let's go fvckers" Siraulo talaga.

"Topak ka talaga!" Sigaw ko kay Carlo.

"Hahahahahaha" tinawanan lang ako ng bakla.

Pag-dating sa sakayan ay humiwalay na ako sa kanila dahil hindi ko naman sila kasama sa trabaho, sila lang ang mag-kasama.

Gusto ko lang palang sabihin sa inyo na noong high school kami ay kaming tatlo ang tinatawag na 'The Triple C' dahil duh puro C nagsisimula ang pangalan namin common sense, kaya ayun ang naging bansag samin. Kami ang sikat na sikat na grupo noon kaya gusto ko kayong inggitin hehe.

Halos 30 mins lang ang layo ng apartment namin kaya naman narating ko kaagad ang office namin.

Habang paakyat ako ay nakatingin sakin ang mga tao. Ano nanaman kayang problema. Biglang naalala ko yung kahapon. Hindi kaya alam na nila?! Huhu pucha ayaw ko po mawalan ng trabaho.

"Goodmorning Cloe" bati ni Jake. Nginitian ko naman siya at bumati din.

"Goodmorning din" sabi ko. Lumapit naman sakin si Kristen at ipinag-untog niya ang balikat namin.

"Ang ganda ganda mo naman Cloe grabe pwedeng pwede kang model ng company natin!!" Kinikilig kilig pang sabi niya.

"Hehe salamat, kung pwede nga lang na ako na ang model ay siguro nag-apply na ako" Natawa pa ako.

"Eh bakit nga ba hindi model ang in-apply mo" Tinitigan ko muna siya sandali bago nag-salita.

"Ah kasi hindi naman yun ang gusto kong pasuking trabaho tsaka hindi naman ako ganon kaganda para mag-model teh" Umupo ako sa bangko ko at inayos ang mga gamit ko.

"Hala teh bulag ka ba? Mas maganda kapa nga sa model natin eh" Nginitian ko naman siya ng dahil sa sinabi niya.

"Basta teh nandito na ako eh hahaha" Natatawa ko pang sabi.

Trabaho dito trabaho doon ang nangyari sakin mag-hapon pero hindi ko inaasahang ipapatawag ako ng boss namin ngayon.

Naglalakad ako papunta sa office ni Sir Nathan nang may makasalubong akong mga grupo ng matatanda mukhang galing sila sa meeting. Napatingin sila sakin kaya kaagad akong ngumiti sa kanila. Nagdiretso na ako sa pupuntahan ko at kumatok sa pinto.

"Sir" tawag ko pa.

"Go in" Sabi niya.

"Why did you call me sir?" Paunang sabi ko. Pinaupo muna ako ni sir bago mag-salita.

"I need you to do me a favor, is that okay with you?" Nakatulala lang ako sa kapogi-an ni sir nang mag-salita ulit siya. "Cloe?"

"Ha..ahh yes sir of course" Sabi ko. "A-ano po ba ang gagawin ko?"

"Well I need you to pretend that you're my maid" Napanganga ako sa sinabing yun ni sir.

"Sir? Maid? Me? W-why me?" Nagtataka ko talagang tanong.

"Because you're perfect to be my maid" Nainsulto ako sa sinabing yun ni sir.

"Ha! Mukha po ba akong maid? Pasensya na sir ah pero akala ko ay kaya ako tinanggap dito sa company mo dahil magiging isa akong malaking tulong sa inyo" Inis na sabi ko.

"Hindi naman yun ang gusto kong palabasin, You're perfect to be my maid because I need you to be my wife" Naguguluhan ako dito kay sir.

"Aba parang loko ka naman ata sir eh, perfect akong maid tas gusto niyo po akong asawahin? Ano ba naman yun!" Inis ko talagang sabi. May toyo ata to si sir eh.

"Dahil in our family we need to marry a maid" Waaaaa ang gulo parin eh!

"Pero sir—"

"It's okay kung ayaw mo but I asure you that you're salary will be more than five hundred thousand" Dun ako napa-hinto. Five hundred thousand! Grabe namang offer yun.

"I will tell you the rest that you must know kung o-oo ka sa offer ko" Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kusang tumango ang ulo ko. Gusto ko din ba ang ideyang iyon? Hehe forever ko ba tong si sir?

Kung saka-sakaling siya nga ang forever ko ay super duper matutuwa ako syempre! Ikaw ba naman mahanap mo forever mo diba sobrang nakakatuwa! Hih—napatigil ako sa pagde-day dream ko nang tawagin ako ni sir.

"A-ano po sir?" Tanong ko. Inirapan niya naman ako na nagpa-nguso sakin.

"Ang sabi ko kapag naging maid na kita dapat umakto kang girlfriend kona din" Pag-uulit niya pa.

"Bakit po? Eh diba maid lang naman ako" Ang gulo din pala nang taong to eh. Kainis dai.

"Dahil nga tradition na ng family namin yon, we have to hire a maid para maging girlfriend namin then yun na din ang mapapangasawa kaya nga we have to be wiser sa pag-pili ng maid dahil ayun ang kautusan sa pamilya namin" Napapa-kurap nalng ako sa pinagsasabi ni sir.

Parang naiisipan kopa tuloy na baliw silang maga-anak. Bakit naman kailangan pang magdaan bilang maid ang mapapangasawa nila? Ano yun gusto lang nila na malaman kung maid material ba yung mapapangasawa? Haynako putek napaka-gulo!

"Sir hindi niyo ba ako niloloko lang?" Paninigurado ko.

"Mukha ba akong mahilig makipag-biruan 'Miss Cloe'" Diretso siyang naka-tingin sa mata ko kaya naisip ko na tama din naman si sir, di nga naman siya mapag-biro ayon sa mga katrabaho ko.

"Pero bakit po ba kasi kailangan maging maid muna bago asawahin?" Inis na sabi ko. Napakagat ako nang labi dahil nagmukhang nagmamadali akong asawahin si sir nang sabihin ko ang katagang iyon.

"Dahil gusto ng pamilya na magaling sa gawaing bahay ang mapapangasawa ng bawat isa" Hmm tama naman din ang pamilya nila pero hindi parin dapat maging maid ang mapapangasawa noh! Tsk!

Kakaiba din ang pamilya nila sir eh, yung iba ang gusto nila ay kasing yaman ng pamilya nila ang mapapangasawa kaya nga may arrange marriage pa, tapos kila sir maid material ka lang sapat na. Kakaiba.

"We have to start this maid act by tomorrow so be ready....and ah! You have to live in my house"

What the heck?!

Day Dreaming Where stories live. Discover now