IN PLAY

11.6K 423 2
                                    



Amoy ospital.

Iyon ang umasulto sa pang-amoy ni Jade. Para pa ding pinupukpok ang ulo niya pero pinilit niyang imulat ang mga mata. Pinikit at iminulat niya ang mga mata para luminaw ang paningin at doon niya nasigurong nasa ospital nga siya.

Ospital? Paano siya napunta sa ospital?

Pinilit niyang bumangon at nakita niyang ang daming nakakakabit na maliliit na tubes sas braso niya. kinapa niya ang ilong at may nakalagay ding nasal cannula doon na naka-konekta sa oxygen. Doon bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor at kasunod ang isang nurse.

"Good morning, Miss Infante," bati ng doctor at tiningnan pa ang hawak na patien't chart. Parang sinisiguro kung siya nga talaga ang pasyenteng nandoon.

"Anong nangyari sa akin?" Pinilit niyang maupo sa kama. Medyo mabigat pa ang katawan niya pero magaan-gaan na ang ulo niya. Hindi na rin siya giniginaw hindi katulad noong nakaraan na talagang nanginginig sa ginaw ang katawan niya.

"What happened to you was just a case of common cold. Your temperature was so high, and we needed to take precautions. Pare-pareho ang initial symptoms ng mga malulubhang sakit ngayon kaya kailangan namin makasiguro na hindi simpleng mataas na lagnat lang ang sakit mo. But we did series of test and everything was negative, and you are on your road to recovery." Nakangiting sagot ng doctor sa kanya at muling tiningnan ang hawak na patient's chart. "Another series of tests will be conducted today and if it's all clear you are good to go home."

Nagpaalam na sa kanya ang doctor at ang nurse at tumango lang siya sa mga ito. Iniisip niya kung paano siya nakarating dito. Muling bumukas ang pinto at napasimangot siya ng makilala kung sino ang pumasok doon.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong niya kay Nik. May hawak itong dalawang coffee cup at isang supot ng kung ano sa isang kamay. Itinulak ng paa ang pinto para sumara iyon.

"You're welcome," iyon ang sagot nito sa kanya at inilapag ang mga dala sa katabing mesa ng kama niya.

"You're welcome? Anong you're welcome ang sinasabi mo?" Sinusundan niya ng tingin ang lalaki habang parang sanay na sanay itong gumalaw sa loob ng hospital room. Ini-adjust pa nito ang temperature ng aircon, binuksan ang tv at inilagay iyon sa cable channel na nagpapalabas ng mga Hollywood series.

"Yes. I've been binge watching that show for two days," nakangiting sabi nito at naupo sa sofa na naroon at humarap sa tv. Nakita niyang NCIS Los Angeles ang palabas na pinapanood nito. Kinuha supot na dala kanina at naglabas ng isang bag ng chips at binuksan tapos ay sinimulang kainin.

"Nik, ano ang drama mo? Ano ang ginagawa mo dito?" Nagsisimula ng mainis si Jade. Hindi niya maintindihan kung bakit narito ang lalaki at parang palagay-palagay na kasama siya. Sa pagkakaalala niya, galit ito sa kanya dahil tutol na tutol ito sa pagpapakasal kuno nila ng lolo nito.

"You want chips? You cannot eat this. The doctors said soup and soft foods lang ang puwede mong kainin." Sabi pa nito at muling itinutok ang tingin sa tv.

Napailing siya. Tingin niya ay nababaliw na ang lalaking ito. Bakit biglang nag-360 degrees ang ikot ng pakita nito sa kanya? Hindi nagagalit. Hindi naiinis. Tumatawa pa ito habang nanonood. Pinilit niyang bumangon sa kama at kinuha ang remote control ng tv at pinatay iyon.

"Hey! That was the funny part." Reklamo nito at pilit na kinukuha ang remote ng tv sa kanya pero itinago niya iyon sa likuran.

"Anong ginagawa mo dito, Nik? Bakit ka nandito?" Seryosong tanong niya.

Saglit na tumingin sa kanya ang lalaki at napahinga ng malalim. Binitiwan ang hawak na chips.

"You were burning the last time, and I brought you here. Two days kang walang malay. They said you're experiencing hyperpyrexia and I googled it and –" hindi nito naituloy ang sasabihin at napangiwi. "I thought you're going to die, and I cannot allow that. My grandfather is going to kill me."

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon