BUFFALO WINGS

11.1K 437 11
                                    

BUFFALO WINGS

Pikon na pikon si Nik na sumakay sa sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon paalis sa bahay ni Gail. Akala pa naman niya kung anong importante ang sasabihin nito sa kanya kaya kahit ayaw niyang umalis sa kitchen ni Jade ay napilitan siyang gawin. Gail's text sounded creepy he thought something bad happened to her. Only to find out that Gail just wanted her approval about the color motif for their wedding.

He wanted to end it right there. He wanted to straight things up with Gail. He did this to himself, but he couldn't do it right in front of Gail's parents. He could see the happiness on their faces when they saw him. It was just like the old times. Gail's folks loving him like their own son. He used to love that attention but this time, he doesn't feel any connection at all.

Kaya ng matapos ang pagpipili ng mga kulay, kahit ayaw pa siyang paalisin ni Gail ay hindi na siya nito napigil. Bago siya bumalik sa Wingstop ay dumiretso siya sa talyer kung saan ginagawa si Murky. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang maayos na uli ang pinakamamahal niyang kotse. Wala na ang mga dents, wala na ang mga gasgas. Parang maiiyak pa nga siya ng sumakay sa loob. Panay ang sorry niya dahil siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit nasira si Murky. Galit na galit kasi siya noon kaya wala na siyang pakialam sa kung anong nangyayari sa kanya.

Tumingin siya sa relo. Pasado alas-nuebe na. Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng Wingstop. Napangiti siya ng makitang marami pa ring tao. Ang alam niya hanggang alas-diyes lang bukas ang tindahan ni Jade. Pero agad na napakunot ang noo niya ng makitang hindi si Jade ang nagtatao sa counter.

Gustuhin man niyang kausapin ang babaeng naroon ay hindi niya magawa. Maraming tao na umoorder dito at tingin nga niya ay natataranta na. Sunod-sunod ang mga orders ng mga customers. Lumingon siya sa paligid at kita niya na parang inip na rin sa pila ang mga customers.

"Saan si Jade?" Nang makasingiti ay tanong niya sa babaeng nasa counter.

"Umalis, Sir. May tumawag po tapos nagmamadaling umalis."

Kumunot ang noo niya. "Saan nagpunta?"

"Hindi ko po alam. Ang dami ngang tao ngayon," sabi nito at muling hinarap ang isang customer na umoorder.

Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan si Jade. Pero hindi ito sumasagot. Umalis ba ito at sumama kay Amere? Inis niyang tinawagan ang pinsan at pagsagot nito sa tawag niya ay maingay na background na agad ang narinig niya.

"What, Nik?" Parang sumisigaw na tanong nito.

"Are you with Jade?"

"What?" Sigaw uli nito. Maya-maya ay naririnig niyang humihina na ang malakas na background music at ngayon ay naiintindihan na niya ang sinasabi ng kausap.

"Si Jade. Kasama mo ba?"

"No. Hinihintay ko nga siya. Nagsabi na siya na pupunta dito kahit ayaw mong payagan pero hindi sumasagot sa tawag ko."

"Wala siya dito sa Wingstop. Umalis daw sabi ng staff niya."

Narinig niyang tumatawa si Amere. "Nandiyan ka na naman? 'Di ba you're supposed to helping Gail for preparation of your wedding?" Tonong nang-aasar si Amere.

"Alam mo ba kung nasaan si Gail? She is not answering her phone." Hindi niya pinansin ang sinasabi nito.

"Hindi nga. Kahit nga ako hindi sinasagot ang tawag ko. Baka kasama 'yung boyfriend niya. Si Dick ba 'yun?" Alam niyang lalong nang-iinis si Amere.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora