CULINARY ARTS

11.3K 405 4
                                    


            "Are you serious?"

            Nagtatakang tumingin si Nik kay Jade at inililis nito ang magkabilang manggas ng longsleeves at naghugas ng kamay sa lababo.

            "Do I look like I am joking?" balik-tanong nito sa kanya habang patulog sa paghuhugas ng kamay.

            "Wala ka bang trabaho, Nik? Saka ano ba ang trip mo? Anong ginagawa mo dito?" Hindi talaga niya maintindihan kung ano ang ginagaw dito ng lalaki. Kagabi, alam niyang naiinis ito kasi pati ang mga utensils nila ay pinagdiskitahan. Pinagbabali. Dalawang kutsara at tatlong tinidor din ang itinapon niya na binali ni Nik. Tapos nag-sorry sa kanya. Nawi-wierduhan na siya sa mga ikinikilos ng lalaki.

            "EXECOM meeting lang sa office. Nandoon naman sila Owie kaya umalis na ako. Sabi ko ikuwento na lang sa akin kung ano ang napag-usapan nila." Ipinagpag nito ang kamay sa lababo tapos ay humugot ng nakitang paper towel para tuyuin ang kamay. "Where are the ingredients?" Inosente pang tanong nito sa kanya.

            Napabuga siya ng hangin. Mukhang wala ngang balak umalis ang lalaking ito dito.

            "Nik, hindi ako naglalaro dito. This is my job. My business kaya hindi ako dapat nagsasayang ng oras dito." Sabi niya sa lalaki.

            "And who says that I am playing? Parang ikaw ang nagsasayang ng oras kasi nakatayo ka lang diyan at sermon ng sermon sa akin. Ganyan ka sa mga staff mo?"

            Inis niyang inirapan ito at kinuha ang isang apron na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot iyon.

            "Ako? Wala ba akong apron?"

            Napabuga siya ng hangin at painis na kinuha ang isa pang nakasabit na apron doon at ibinato sa lalaki. Kinuha niya ang mga chicken wings na nasa ref at inilagay sa lababo para mahugasan.

            "So, ganito lang? Huhugasan lang ang mga chicken wings?" Tumabi sa kanya si Nik sa lababo at nakilamas din ng mga chicken wings na naroon.

            "If this is some kind of your sick joke, I am telling you-"

            Napaatras siya ng biglang ilapit ni Nik ang mukha sa mukha niya.

            "And I said I am not joking. I am not playing. I wanted to feel the vibe here in your kitchen. I love nice kitchens," ngumiti pa ito sa kanya at muling bumalik sa puwesto para mahugasan ang mga kitchen.

            Hindi agad nakakilos si Jade. Sa sobrang lapit ng mukha ni Nik sa kanya kanina ay akala niya hahalikan na siya nito. Napabuga siya ng hangin at naghugas ng kamay. Iintindihin na lang niya ang pagluluto. Pababayaan na lang niya sa ginagawa si Nik. Mukhang hindi naman niya talaga maitataboy ang lalaki.

            Nagtimpla na lang siya ng mga sauce na gagamitin sa chicken wings. Nag-mix din siya ng mga dips at ginamit niya ang bigay na mga condiments at herbs na dala ni Nik.

            "Talaga bang kay Dickhead itong Wingstop?"

            "Ano? Dickhead?" Paniniguro niya.

            Ngumiti ito ng pilit sa kanya. "I mean, kay Dick ba talaga itong Wingstop?"

            "Siya ang naglabas ng pera pero sa operations ako ang nag-aasikaso lahat." Sagot niya.

            "And you call that partnership? May nag-finance lang ginawa mo ng partner sa negosyo?"

            "We put this up together. Boyfriend ko siya and we were partners." Pagtatama niya.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя