CHICKEN WINGS

10.8K 404 15
                                    



            Walang imik si Jade habang magkakaharap silang apat nila Nik, Gail at Dick sa iisang mesa. Kanina pa nakahain ang mga pagkain sa harap nila pero hindi niya magawang kumain. Tanging si Gail at si Dick lang ang masayang nag-uusap sa harap nila habang si Nik naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya tapos ay tatapunan nito ng matalim na tingin si Dick sa tuwing ito ay magsasalita.

            "So, this is your business? The one that you told me?" Nakangiting sabi ni Gail kay Dick.

            Ngumiti lang ang lalaki at parang proud na proud na tumingin sa paligid ng Wingstop.

            "Yeah. I put it up years ago and I never imagined to be a successful hit."

            Inirapan niya si Dick. Ano ang pinagsasasabi nitong he put up the business years ago? Nag-contribute lang ito ng pera pero sa operations, sa lahat ng pagod, siya ang nag-asikaso sa business na ito. Pagod ang puyat ang puhunan niya para mapalago ng ganito ang kainan na ito.

            Dumampot ng isang chicken wing si Gail at kinain tapos ay nanlaki ang mata nito.

            "Gosh, Dick! This tastes so good. Grabe daig pa nito ang mga sini-serve sa mga mamahaling resto-bars." Muling kumagat si Gail. "The taste is so bursting in my mouth. Parang ang dami kong makakain nito." Palatak pa ng babae.

            Tumingin siya kay Nik at wala pa rin itong imik. Iniiwas niya ang tingin ng makita niyang tumingin ito sa kanya.

            "And the place is so nice. Siguro ang lakas nito?" Komento pa ni Gail.

            Ang yabang na ngumiti si Dick at tumingin sa kanya. Sinamangutan niya lang ito at dinampot ang kaharap na baso ng soda at uminom doon.

            "When we saw you earlier? Are you proposing? That was so sweet, Dick. I never imagined that you would do something bold like that," sabi pa ni Gail.

            "Yes. I was trying to win her over and I know that I will once again," ngumiti pa ng matamis sa kanya si Dick kaya napaubo siya at nasamid ng sobra. Napailing na lang siya sa mga sinasabi ng lalaki.

            Pinilit na maging kaswal ni Jade sa harap ng mga ito. Pinilit niyang kalmahin ang sarili niya kahit na nga ang pakiramdam niya ay hinahalukay ang tiyan niya sa sobrang nerbiyos lalo na sa tuwing tatapunan siya ng tingin ni Nik. Nakakatakot kasi ang itsura nito. Seryosong-seryoso at parang kahit anong oras ay may gagawin itong kung ano.

            Ngumiti si Gail at parang natuwa sa sinabi ng lalaki at tumaas ang kilay niya ng makitang hinawakan nito ang kamay ni Nik. At lalong tumaas ang kilay niya ng humalik ito sa pisngi ng lalaki. Napa-rolyo pa ang mata niya sa sobrang PDA ng dalawa.

            "Our parents didn't know that Dick and I are talking. Kahit naman hindi magkasundo ang mothers namin, wala naman kaming kasalanan kung naging magkapatid kami at iisa ang tatay namin. Our dad was a womanizer and I know we still have other siblings out there from different mothers," tumingin ito at natawa kay Dick. "Good thing that I knew all about him."

            Magkapatid pa pala ang dalawang ito? Hindi naman nabanggit sa kanya ni Dick na may kapatid ito. Ang alam niya, nag-iisang anak lang ang lalaki at second family nga sila. Pero sobrang coincidence naman na ang mapapangasawa pa ni Nik ang kapatid ng ex-boyfriend niya.

            "So, you got back together? After ten years? That must be true love," si Dick ang nagsalita noon at tumingin kay Nik at Gail.

            "And we are getting married." Masayang sabi ni Gail sa kanila.

BAD NIGHT | Bad Series 1 (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora