MC #18: Zeeus

8.1K 423 72
                                    

Typo and grammatical error ahead!!!



# 18_Zeeus


"Listen." Hinila niya ako mismo sa may Laboratory room kung saan siya lagi naglalagi sa umaga kapag wala pa siyang klaseng tuturuan.

"Ano?" Pairap na iwinaksi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ako umalis. Humalukipkip pa ang mga kamay ko sa dibdib ko at pasandal sa pader malapit sa pintuan.

"Nasabi ko na sayo ang nangyari kung bakit na kay Maliah ang phone ko ng umagang iyon. At nakausap ko siya kahapon-."

"So nagkita kayo?" Hindi ko alam kong ano ba dapat ang magibmng reaksyon ko.

"Zeeus naman, paano ko tatanungin sa kanya kung bakit hindi niya nasabi na tumawag ka ng umagang iyon."

"Then?"

Napansin ko ang pagbuntong hininga niya saka siya humawak sa mga balikat ko.

"Like what I've said, walang namamagitan sa amin ni Maliah. She is just a friend wala ng iba."

"So?"

"Kaya huwag kang mag isip ng hindi maganda patungkol sa amin. Dahil hindi ako gagawa ng mga bagay na ikagugulo pa ng utak ko. Zeeus, kaya nakikiusap ako. Ito ang unang pagkakataon na inuna ko ang iniisip ng ibang tao kaysa sa mga  nasa isip ko mismo para sa mga gusto kong gawin. Kaya naman, huwag mo ng dagdagan ang alalahanin ko. Tama na ang isa."

"At ako ang isang iyon na nadadagdag sa alalahanin mo? Kung ganun pala, bakit kailangan mo pa akong kausapin. Madali na lang akong kausap ngayon. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko kung nakakaabala lang ako sayo." Seryusong sabi ko sa kanya.

Tumitig pa ito sa akin na para bang tinatanya kung gaano katotoo ang mga sinasabi ko.

"Nag iisip ka ba? Are you sure?" Kunot ang nuo pa niyang tanong sa akin.

"Yeah, tama na din ang ilang ulit mo akong tinanggihan sa alok ko na magpakasal na tayo. Dahil alam ko, pangalawa o pangatlo lang ako sa mga priority mo kahit hindi mo man iyan sabihin sa akin ng harapan." Sagot ko sa kanya na kahit ang bigat din sa dibdib ko ang sabihin ang mga iyon. Kahit pa na gustong gusto ko na soyang yakapin, halika ng buong init at maramdaman ang muli niyang angkinin. Pero nagpigil ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako. Pinatatag ko ang sarili ko dahil parang tutulo ang mga luha ko ano mang oras.

Hindi pa man buo ang disesyon ko sa mga sinasabi ko ngayon, ay parang gusto ko ding subukan na malayo sa kanya kahit saglit lang at maramdaman na sa paglayo ko ay hahanapin din niya ako.

Na sa paglayo ko ay siya ang hahabol sa akin. At kapag sinabi ko ang mga bagay na iyon ay pipigilan niya ako at magmamakaawa na huwag akong makipaghiwalay sa kanya? Umaasa na sa sinabi ko na huwag siyang pumayag na itigil ang namamagitan sa amin.

"Nararamdaman ko naman na nasasakal ka sa mga ginagawa ko. At kung makapag demand ako ay para mo na akong asawa." Pagpapatuloy ko ng hindi siya nagsalita.

"Zeeus."

"Pangalan ko na lang ba ang babanggitin mo?" Tanong ko. Inalis ang pagkakasalikop ng mga kamay ko sa dibdib ko at inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Let's this things over. Para mabawasan ka ng alalahanin mo at hindi na ako makadagdag pa sa mga pino problema mo." Saka ako kumilos para tumalikod.

Sa pagtalikod ko ay umaasa na sana ay magsalita siya at sabihing hindi siya makakapayag na itigil na ang nasimulan namin. Pero..

I counted 1 to 10. But still, I didn't hear any words from him.

Kaya naman ang umaasang puso ko ay tuluyan ng nadurog at nawalan ng pag asa. Na para akong sinasaksak ng libo libong kutsilyo sa sakit na naramdaman ko sa pagbabalewala niya.

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now