MC #28: Zeeus

8.5K 367 30
                                    

Typo and grammatical error ahead!!




# 28_Zeeus







"No! Bakit ang dami?" Tanong ko at sinabayan ng pagsimangot ng ilapag ni Zander ang mga libro na dapat ko daw pag aralan para makahabol sa mga aralin ko bago ako pumasok sa susunod na semestre.

"No more buts." Pinanlakihan pa niya ako ng mata saka umupo na sa tabi sa may sofa habang nakaupo ako sa lapag na dati naming pwesto noong una.

"Ehhhh!." Pero hindi niya pinakinggan ang reklamo ko bagkus binuklat na ang isa sa libro.

Oo, nakabalik na ako sa penthouse ko at ngayon, alas sais ng gabi na dating oras kapag tinuturuan niya ako ay nandito siya sa bahay at uuwi paglipas ng tatlong oras na gugugulin namin sa pag aaral ko.

But this is too much. "Pwede naman na isa isahin diba."

"Tatlong oras Zeeus. At pwede nating aralin ang apat na subject na yan sa mga oras na iyon."

Muli ay napalabi ako.

Ito ang unang pagtuturo niya sa akin simula ng lumipat ako dahil naging abala pa kasi siya sa loob ng laboratory niya ng mga nagdaang araw. At sa lunes na ay magtuturo na siya ulit at papasok na din ako.

Sabado ngayon kaya heto kaming dalawa, nagbabangayan na naman gaya dati.

Pero sa totoo lang ay namiss ko ang ganitong eksena. Iyong tipong nakikipagmatigasan ako sa kanya na ayaw kong mag aral pero sa huli ay ito parin ang nasusunod.

"Huwag ka ng magreklamo. Dahil hindi iyan uubra sa akin." Sabi pa niya.

"Kiss mo muna ako." Sabay nguso ng labi ko ng tingalain ko siya.

Naiiling na niyuko naman niya ako at ginawaran ng padamping halik sa mga labi kaya naman ngumiti na ako ag hinarap na nga ang aralin namin.

Magaan naman ang pakiramdam na nakinig ako sa kanya. Pagdating talaga sa mga ganitong bagay ay dito ko nakikita ang oras ng kaseryusuhan niya. Walang Bf-Bf kapag aralin na ang pag uusapan. Kaya sunod na lang ako sa kanya total naman para din naman sa akin.

At sa pag aaral ko na ibinuhos namin ang oras. At sa tatlong oras na iyon ay mabilis na lumipas ng hindi namin namamalayan.

"I'm done. Am I good enough?" Tanong ko pa sa kanya ng matapos at masagutan ko ng tama lahat ng tanong niya.

"Yeah! Kung seseryusuhin mo naman gumagana ang utak mo sa tamang paraan."

Pasempleng umirap ako sa kanya dahil doon. "Bakit? Ano ba ang klase ng takbo ng utak ko sa tingin mo?" Tanong ko naman.

"Gusto mo talaga malaman?" Balik tanong naman niya.

"Oo." Saka ko siya tinaasan ng nuo.

"Ganito." Sabay yuko sa akin at pinaglapat ang labi namin.

Sa una nanlaki ang mga mata ko pero sa mga labi ko na nalapatan ng labi ko ay gumuhit doon ang isang ngiti bago tinugon ang halik niya sa akin.

Ang mga kamay ko na nasa ibabaw lang ng lamesa sa harapan ko ay kumilos na at ipinulupot na iyon sa may batok niya.

At siya naman ang kamay ay humawak na sa may kilikili ko at pinatayo na sa pagkakasalampak ko sa sahig at ipinaupo niya ako mismo sa kandungan niya.

Ang the kissed we share ay tuluyang nauwi sa isang mainit na pagniniig dito mismo sa sofa kung saan niya ako tinuturuan.




=

"Hey!." Agad akong napalingon ng maringgan ko ang boses ni Lee na ngayon ay palapit na sa akin.

Agad na umakbay sa akin at bahagyang sinakal at may kasamang kutos sa ulo.

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon