MC #33: Epilogue

11K 416 54
                                    

Typos and grammatical error ahead!!

Zander POV:

"Congrats baby." Bulong ko sa kanya ng makalapit siya sa akin sa baba ng stage.

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya para maiparating na proud na proud ako dahil sa wakas.... nakapagtapos na siya ng kolehiyo. At sa paglipas ng taon ay talaga namang pinagbuti niya ang pag aaral niya.

Mas naging inspired pa siyang mag aral ng maikasal kami.

"Hey! Baka kung ano isipin nila." May patulak na kumalas siya ng yakap sa akin.

Ngumiti ako. "So what now! Nakapagtapos ka na ng pag aaral." Sagot ko sa kanya.

"Baka makasuhan ka."

"Hahah! Ayaw mo na ngayon na makita at malaman ng iba baby.. hmmm. Don't tell me may mga nakakaligtaan ako at hindi napapansin? May umaaligid ba sayong iba?"

"Tumigil ka nga. As if naman babae ako."

"But your beautiful."

"Hmmmp."

"Tama na iyang lambingan niyo. Mamaya niyo na ituloy iyan. Naghihintay na ang iba sa atin sa MC." Si Lee na kasabay niyang nagtapos kasama pa ng iba.

Tumango naman kaming pareho. Nagkatinginan sabay ngiti. Umakbay ako sa kanya ng magkakaagapay na kaming tinungo ang MC para sa selebrasyon nilang lahat na nakapagtapos at lahat sa MC master ay tuluyan ng mamamaalam sa buhay kolehiyo nila.

"Cheers." Sabay sabay na nagsitaasan ng mga baso. "Para sa bagong tugto ng ating kwento." Si Jasper.

"Para sa bagong yugto ng MC." Sigunda naman ng iba  at sabay sabay ng itinungga ang alak na nasa mga baso nila.

Nagkwentuhan. Nagkabiruan. Nagkatawanan. Ilan lamang iyan sa mga naganap. May kantahan na din at sayawan. Masayang masaya sila dahil nakapagtapos na sila ng pag aaral kahit pa man na isa ako sa nakasaksi ng kakulitan nila habang nag aaral sila. And now! They are all matured para harapin pa ang bagong yugto at mga pagsubok pang darating sa buhay nila.

At kami naman ni Zeeus ay masasabi kong tagumpay ang relasyon namin dahil mas naging mas matibay pa ang samahan namin sa paglipas ng mga taon. At ngayon he is ready for the real battle of our relationship. Ang mas pagtibayin pa samahan namin. At sabay na tutuparin pa ang iba pa naming mga pangarap na magkasama.

Hindi ko na kailangang itago sa iba ang relasyon naming dalawa. Dahil hindi na makakasama sa imahe ng iba dahil nakapagtapos na siya.

"Hey! Are you with us?" Kalansing ng baso ang nakapagpakurap sa akin. Ngumiti ako at tumango bilang sagot sa kanta.

"Yes baby. May naisip lamang ako."

"Okay."

"Huwag kang nasyadong iinum. Ayaw kong tulugan mo ako mamaya. Hmmm."

"I know."

"Good." Dinampian niya ako ng halik sa labi at bumalik sa kumpulan ng kanyang mga kaibigan. Hindi na ako nakisali sa kanila. Babantayan ko na lang siya dahil siguradong mapaparami ang inum nila kahit sabihin man niya alam niyang kontrolin ang sarili sa pag inum.

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon