MC #32: Zander

8.3K 387 32
                                    

Typos and grammatical error ahead!

The Finale

"Nakahanda ka ba? kasi hindi naman maiiwasan ang kumalat ang tungkol sa inyong dalawa ng anak ko." Si tito Zoey habang magkakaharap harap na kaming lahat.

"Oo nga naman hijo." si tito Clyde. "Ang tito Zoey at daddy mo ay gumawa ng kasulatan sa inyong dalawa noong mga bata pa kayo kahit pa man hindi sigurado iyon. Pero ngayon. Isa ka ng profesional na guro na pwedeng mawala iyon sayo dahil kay Zeeus."

Napatingin ako kay Zeeus na humawak ng mahigpit sa palad ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at ang isang kamay ko ay pumatong sa balikat niya bago ako tumingin sa papa at daddy niya.

"Alam ko po iyon. Dahil sa propesyon ko bilang guro ay pwede akong makasuhan dahil isa siya sa mga estudyante ko. Pero.. mas mahalaga po siya sa akin sa kahit na anong bagay na nakapalibot sa akin tito. At handa kong harapin ang mga iyon ng walang pag aalinlangan maipaglaban ko lamang siya at hindi mawala sa akin." Mahaba at makahulugang sagot ko sa mga ito.

Sabay sabay pa na nagpakawala ng buntong hininga ang mga ito kasama na sina papa at daddy.

"Mukhang wala na nga yatang makakapigil sa anak mo pre." Si tito Clyde na bumaling kay papa.

"Saan pa ba nagmana pre."

"Oo nga naman. Sige, total buong buo na ang pasya niyong dalawa. Pag usapan na natin ang araw ng kasal niyo."

Nagkatinginan kami ni Zeeus na may kasamang mga ngiti sa mga labi. Hanggang sa napag usapan na nga ang mga detalye kung kailan saan gahanapin ang kasal naming dalawa.

"Ikaw na ang bahala kay Zeeus, hijo." Seryusong bilin sa akin ni Tito Zoey makalipas ang ilang sandali matapos ng pag usapan ang tungkol sa amin ni Zeeus at nabigyan na ng karagdagang detalye.

"Maraming salamat po tito. Alam ko pong masyado pang bata si Zeeus para sa ganitong bagay. Hindi man ako nangangako pero gagawin ko po ang makakaya ko na alagaan siya at maging masaya sa piling ko."

"Yes hijo. Alam ko naman na hindi mo siya papabayaan. Lawakan mo na lang ang pang unawa mo sa kanya dahil hindi mo naman maalis sa kanya ang pagka brat ng batang iyon."

"Hindi naman masasabing siya si Zeeus kung wala ang ugali niyang iyon tito."

Napangiti ito sabay tapik ng balikat ko. "Tama ka nga naman diyan hijo."

Siya namang pagbalik ni Zeeus na galing labasan na sinalubong ang mga kaibigan.na nagsidatingan.

Kasama na din namin sina ang triplets para naman ipagdiwang ang araw na ito na sinamahan akong saksihan at wakasan na ang pagigig binata ko dahil doon. Magpapakasal na ako ng tuluyan kay Zeeus.

Hindi pa man kami totally kasal ay pinaghandaan na nila tito Zoey ang pagdating namin kaya naman para naring engagement party sa aming dalawa ang nagaganap.

"They are here." Nakangiting lumapit sa amin si Zeeus. Kasunod na niya sina Lee na matamang napatingin sa akin saka tumango. Kasama na din nito ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Hindi ba darating si Angel?" Kuway narinig kong tanong ni Tito Clyde kagagaling sa may dinning area.

"Sabi niya kanina ay darating siya papa." Si Zeeus na tuluyan ng lumapit sa akin.

"Mabuti naman. Hala, sige. Maghapunan na muna tayo bago natin ituloy ang pag kukwentuhan." Aya na nito sa aming lahat.

Sa maluwang na hapagkainan nila ay pinagsaluhan na namin ang masaganang pagkain na naihanda na isa si tito Clyde ang nagluto ng ilan sa mga iyon. Naging masaya na ang lahat sa bawat minutong lumipas habang nagsasalo sa pagkain.

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Onde histórias criam vida. Descubra agora