Chapter 8

3.3K 150 127
                                    




Deanna's

"Alam mo bro, ang ganda pala nung kapatid ni Mafe, sobrang kahawig nya." Sabi ni Luigi habang kumakain kami ng lunch. Break nadin kasi namin. "Pero parang pamilyar sya, eh."

"Syempre, sabi mo kamukha ni Mafe, malamang parang nakita mo na sya. Ganun," sagot ko. Umiling  si Luigi.

"Hindi bro, kamukha nya 'yong babaeng patay na patay ka sa cabaret." Napatigil ako sa pagsubo.

"Sure ka ba dyan?" Umiling ulit si Luigi.

"Hindi ako sure, pero parang namumukhaan ko lang talaga sya." Humalukipkip ako sa sagot nya.

"Imposible namang si Jema 'yon, may anak na 'yong kapatid ni Mafe."

"Oo. May kasama ngang dalawang batang lalaking parang kambal, magkamukha kasi."

"Kambal talaga 'yon."

"Pero bro. Ano na bang balita sayo saka dun sa Jema na 'yon?" Tinaasan ko sya ng balikat bilang tugon sakanya. "Bakit kasi nagtatyaga ka pa dun? Nandyan naman si ma'am Carly? Si Mafe. Naghahabol ka sa hindi naman napapansin yung halaga mo."

"Naiintindihan ko naman si Jema, eh. Wala naman syang mapapala sakin, isang hamak na service crew lang naman ako. Hindi ko mabibigay lahat ng pangangailangan nya."

"At sya hamak na pokpok lang? Tapos minamaliit mo sa sarili mo?" Napailing ako.  "Marangal ang trabaho mo bro. Hindi katulad nung babaeng 'yon. Kaya wag mong idown ang sarili mo."

"Wala akong paki-alam sa klase ng trabaho ni Jema, gi. Basta ang alam ko, mahal ko sya. At gagawa ako ng paraan maialis lang ito sa putik na kinasasadlakan nya. Kahit ayaw pa nito."

Ngumisi si Luigi at napailing sakim

"Ewan ko sayo bro!" Sabi nito. Tumayo sya sabay lakad palayo sakin.

Humalukipkip nalang ako at pinag-patuloy ang pagkain ko.

"Pwede makishare?" Boses ng isang babae, tiningala ko ito. Nakangiting mukha ni Mafe ang nasilayan ko. May dala narin itong tray na may lamang  pagkain, mukhang maglalunch na rin sya.

Tumango ako, inalis ang naiwang pinagkainan ni Luigi.

"Kaen muna, bago dumuty." Nakangiting sabi ni Mafe. Umupo ito, katapat ng kinauupuan ko.

"Galing kang school?" Tanong ko, tumango sya.

"Thank you pala nung nakaraan ah? Napasaya mo mga pamangkin ko."

Nginitian ko si Mafe.

"Wala 'yun. Masaya din ako dahil napasaya ko sila. Ewan ko ba, sobrang gaan ng loob ko sa mga bata na 'yon."

"Baka kasi magiging pamangkin mo sila in the future." Natatawang sabi ni Mafe, napanganga ako. "Hahaha, joke lang. Ito naman."Natawa rin ako ng bahagya.

"Pero, parang mas gusto ko silang maging anak, hahaha." Si Mafe naman ang napanganga, hahaha.

Kung totoo yung sinasabi ni Luigi na si Jema 'yong kapatid ni Mafe, tama pala ang paglapit ko sa kambal, para magood shot ako sakanya.

"Para namang kilala mo ang ate ko," seryoso sagot ni Mafe sakin.

"Eh di pakilala mo ko?" Nakangiti kong sabi.

"Ano kasi, eh......" Napahinto sya.. tila nagdadalawang isip kung ano ang sasabihin nya.

"Joke, lang. Hahaha, baka masapak pa ko ng asawa ng ate mo. Tapos gusto ko pang angkinin ang mga anak nya."

"Wala namang asawa si ate," seryoso paring sabi ni Mafe.

"So, single mother sya?" Tumango ito. "Pwede ko ba malaman kung anong name ng ate mo?"

Tinignan ako nito ng matagal tila ba iniisip nito kung sasabihin ba nya.

"Jessica," sabi ni Mafe, dahilan para mapabuntong hininga ako. Sabi ko na hindi si Jema, eh.

Pero ano nga bang gagawin ko kung si Jema nga ang kapatid ni Mafe? Wala rin namang mababago. Hindi parin naman nya ako mapapansin.

"Okay ka lang ba?" Sabi ni Mafe, napitlag ako nang hawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako roon pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa mukha ni Mafe. Maganda si Mafe, gustong gusto ko talaga lagi syang tinitignan. May naaalala talaga ako sakanya at ngayon ko lang narealized na kamukha nga sya ni Jema. Kung hindi pa sinabi sakin ni Luigi na may posibilidad na kapatid nya ito. Hindi ko pa makikita ang similarities nila.

Pero Jessica, ang name ng ate ni Mafe. Imposibleng si Jema nga ang kapatid nya.

Nginitian ko si Mafe, napayuko naman sya. Namumula na naman ito. Mukhang totoo nga yung sinasabi nilang may gusto 'to sakin.

Hayssss. Kung hindi lang ako baliw na baliw kay Jema may chance naman na magustuhan ko sya, eh. Bukod sa kamukha sya ni Jema, mabait din sya. Maganda at sobrang sweet ng ngiti. Pero wala, eh. Hindi ko naman pweding ipilit ang puso ko sa taong hindi tinitibok nito.

Kung sakali mang  makawala ako sa nararamdaman ko para kay Jema, si Mafe ang unang unang liligawan ko.

"Hindi pa ba tapos ang break mo? Puro ka landi dyan," agad na inalis ni Mafe ang pagkakahawak nya sakin.

Natawa ako. "Ang init na naman ng ulo ng baby ko," tumayo ako at inakbayan si Carly.

Inirapan nya lang ako sabay baling ng tingin kay Mafe, inikutan ito ng mata, hahaha. Tumingin ako sa relo.

"May 20 minutes pang natitira sa break ko. Kwek kwek date muna tayo?" Tanong ko kay Carly. Nagbago ang expression ng mukha nito. Nakangiti na syang humarap sakin.

"Extend natin ng isang oras 'yan." Masayang sabi nya. Hinila ako nito palabas ng store.

"Kaya umaasa, eh! Pinapaasa." Narinig ko pang sabi ni Edward.

Kininditan ko muna si Mafe bago kami tuluyang nakalayo ni Carly sa store. Gusto ko lang talagang ilayo si Carly kay Mafe, baka kasi pag initan naman nitong babaeng kahawak kamay ko.

"Teka, Carly. Saan tayo pupunta?" Bigla kasi kaming lumiko sa isang malaking Department store.

"Samahan mo lang ako. May titignan lang ako dito," napakamot nalang ako sa ulo ko. Hawak parin nito ang kamay ko hanggang makarating kami sa ladies wear at tumingin tingin ng mga damit roon.

"Bagay ba to sakin?" Tanong ni Carly. May hawak itong white dress, sinusukat nya ito nang hindi sinusot sa katawan.

"Bagay naman sayo kahit anong isuot mo, kasi maganda ka naman," sincere kong sagot sakanya.

Totoo namang maganda si Carly, eh. Sa totoo lang, isa ako sa mga nagpapantasya sakanya nung bago palang ito sa store. Isa ako sa nagwiwish na mapansin nya. Kaya lang nang matupad ang wish ko, si Jema na ang gusto ko. Unfair naman kung ipupursue ko sya kahit pa iba na ang laman ng puso ko.

"Sus. Bolera," sabay pingot sa ilong ko. "Wait. Samahan mo ko isukat 'to." Ano daw? Hindi na ako nakapagreklamo dahil hinawakan na nito ang kamay ko at hinila papasok sa fitting room. Agad nya kong tinulak sa likod ng pinto, pagkasara nito.

Napalunok ako. Sobrang lapit ni Carly sakin. Ramdam na ramdam ko yung dibdib nya sa dibdib ko.

"Carly, wag dit....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, sa pagsakop ng labi nito sakin. Hinawakan ko ang mga balikat ni Carly para pigilan ito sa pag angkin sa labi ko. Hindi ito nagpapigil mas lalo pang diniin ang sarli nya. Kinabig ang batok ko, pinalibot ang mga braso nito roon, hinihila ako pahapit sakanya.

Wala na akong nagawa kundi sabayan nalang ang bawat galaw ng labi nya at sagutin ang mga halik nito. Nilipat ko ang mga kamay ko sa bewang ni Carly, hinapit ito palapit sakin.

Shiit, nadala na ako sa temtasyong pinaparanas ni Carly. Sobrang sarap nya kasing humalik.

Napitlag kami nung tila may nahulog na kung ano sa labas ng fitting room. Napangiti kami sa isa't isa.

"Pasaway." Sabi ko sabay kagat sa tenga nito. Humagikgik sya.

CarouselWhere stories live. Discover now