Chapter 34

3.5K 183 131
                                    

Jema's

Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng pagtira namin kela Deanna

Mabait yong Mama nya sa mga anak ko pati narin kay Nanay

Pero mas mabait sya kay Mafe, mukhang gustong gusto nya talaga ang kapatid ko

Pinipigilan ko naman mainggit at mainsecured sa kanya

Pero paano nga ba? Matalino si Mafe, may pinag-aralan at matino ang trabaho

Kaya hindi ako magtataka kung sya talaga ang gugustuhin ng isang magulang para sa anak nila

At totoo naman bagay sila ni Deanna dahil parehas silang hard working

May pinag-aralan at marangal ang trabaho

Siguro hindi pa sila tapos sa pag-aaral pero angat na sila sakin pag-dating sa edukasyon

Kaya paano ba ako hindi ma-iinsecured sa kapatid ko diba?

Dagdag mo pa na parang hindi naman ako nakikita ng Mama ni Deanna

Kapag nag-peprisinta akong tumulong sa gawaing bahay sasabihin nyang ok lang na hindi ako tinatapunan ng paningin

Kapag tinignan naman nya ako para nya akong nilulusaw

Lalo na kapag nakasuot ako ng kumportable kong damit

Tulad ng short short at manipis na sando blouse

Kaya minsan hindi nalang ako lumalapit para hindi na lang nya ako mapansin

"Ok ka lang miss beautiful?" Saad ni Jason na nagpabalik sakin sa wisyo

Nag-seset-up pala kami ng mga decoration para sa event na hindi ko alam kung ano ba ang magaganap dito

Nag-aayos lang kami sa isang malawak na hardin sa labas ng isang malaking bahay

Mala mansyon sa laki

"Oo ok lang ako, saan ko ba ito ilalagay?" Sagot at tanong ko sakanya

Tinuro naman nya sakin kung saan ko ilalagay ang mga hawak kong utensils

Hindi ko alam kung saan ako nakapwesto ngayon

At hindi ko rin alam kung extra lang ako ulit

Pero ok na to, kahit extra lang dahil kahit papano makakapag-abot narin ako kela Deanna kahit pang-dagdag lang sa pagkain

Saka baon ng kambal at pangbili ng gamot ni Nanay

Sana lang magkasya!

"Sana waitress ka ngayon no? Para naman may magandang umiikot ikot sa party buong gabi" nakangising saad ni Jason

Nginitian ko lang sya

"Ano bang sabi ni Gabo sayo? Saan ka raw nakapwesto ngayon?" Tanong nya

"Ang sabi ni Gabo! Magfucos ka raw sa pagtatrabaho, hindi nakakatulong ang pag-papakyut mo" napalingon kami kay Deanna na sumulpot kung saan

Nagsasalubong ang mga kilay nito at nakakunot ang noo

Agad syang tinignan ng masama ni Jason

"At sino ka naman para utusan ako? Porket malakas ka lang kay Gabo! Ganyan kana? Feeling supervisor ka rin dito?"

Kitang kita ko kung paano kumuyom ang mga palad ni Deanna

Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang mga kamay nya

"Please wag kayong gumawa ng gulo dito" mahinang saway ko sakanila

"Ang yabang kasi akala mo kung sinong umasta" saad muli ni Jason

CarouselWhere stories live. Discover now