Chapter 18

3K 139 16
                                    

Deanna's

"Hindi mo naman sinabi sakin na sosyal pala yong pag-kecateran natin" sabi ko sa tropa kong si Gabo

Yong tumulong sakin na maisingit si Jema sa carousel dun sa carnival

Catering talaga ang totoong trabaho nya, nag-extra lang sya dun

Katulad kong na-extra lang din ngayon sa pag-kecater, off ko kasi

Ayoko masayang ang araw na wala akong ginagawa

Saka 2 weeks akong nag-leave kaya kailangan ko talaga bumawi

"Hindi ko din alam na ganto kasosyal boy tignan mo ang daming magaganda nyan mamaya" sabi nya at kinalas ang mga upuan sa pagsama-sama nito

"Tsk puro ka talaga babae" at tinulungan ko nalang din sya sa ginagawa nya

"Kalimutan mo na kasi si Miss carousel, boy, malay mo nandito pala ang nakatadhana sayo hahaha"

"Ang baduy mo" sabay iling ko dito

"Totoo nga, mas maraming mayaman na bisexual bro kaya may pag-asa talagang maka-bingwit ka dito"

"Bilisan mo na nga lang dyan para matapos agad tayo" baliwala ko sa sinabi nito

"Masyado ka talagang loyal sa babaeng hindi ka naman gusto hahaha" sabay peace sign nya

Sasapakin ko na to eh

Mabilis lang namin na set up ang buong venue

May organizer din naman na tumutulong samin para iayos ang mga design sa event

Nag-sisidatingan narin ang mga bisita at lahat sila nakaputi

May lamay ba? Hahaha

Pero engagement party pala ito at puti ang motive nila

Ikot lang ako ng ikot dahil ako ang may hawak ng alak

Ngiti lang ako ng ngiti sakanila at bati ng bati ng Good evening

"Pagod na ko boy" reklamo ko kay Gabo pag-dating ko sa counter bartender kasi sya ngayon

"3 hrs nalang Deans, tyaga pa hahaha" napa-iling nalang ako 3 hrs pa?

2 hrs na akong umiikot sa buong event na to sakit na ng paa ko

Mas malala pa to sa pina-pasukan kong Fast Food

Pero keri lang sanay na sanay nadin ako sa gantong trabaho

"Boy look" sabi ni Gabo na may nginuso

Agad kong sinundan ang tinuro nya

"Si Miss carousel mo"

Napa-nganga ako, sobrang ganda nya sa suot nitong sleeve-less white dress na hanggang tuhod ang haba

Awtomatikong sumilay ang ngiti saking mga labi

Tila nauubusan din ako ng pag-hinga sa bilis ng tibok ng puso ko

Ganto parin talaga ang epekto nya sakin

Mabagal akong lumakad palapit sakanya

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko basta gusto ko lang sya maka-usap

Kamustahin

Pero napahinto ako nang may tumabi sakanya na babae

Biglang kumirot ang puso ko sa pag-ngiti nya sa babae na yon

Ngumiti ako ng mapait at bumalik sa counter kung nasaan si Gabo

"Oh bakit ka bumalik?" Tanong nya sakin

CarouselWhere stories live. Discover now