Chapter 15

3.4K 158 26
                                    

Deanna's

"Hoy Wong, tara mag-cabaret tayo, off mo naman mamaya di ba?" Aya sakin ni Luigi

Ayoko nga iniiwasan ko na nga yong mga bagay na nagpapa-alala sakin kay Jema eh

"Kayo nalang Gi, may pupuntahan pa kasi ako" sagot ko

Lumapit sya sakin at inakbayan ako

"Paano ka makaka-wala sakanya kung hindi ka hahanap ng iba"

"Paano naman ako makaka-move on? Kung pupunta tayo sa lugar na nagpapa-alala sakanya" natigilan sya

"Oo nga no? Hahaha" letse to tawang lang sya ng tawa

"Mag bar nalang tayo" sabi nya pagkatapos nitong tumawa

"Wow ang sosyal mo ah, parang kakasya yang 3,500 na sahod mo ngayong cut off" sagot ko at inalis ang pagkaka-akbay nya sakin

"Mabuti pa sa convinience store nalang tayo dahil hanggang dun lang kaya ng sahod natin" sabi ko at hinila na sya palabas ng store

1:30 am na kung nandun pa sana si Jema sa club baka tumakbo na ako dun

Kaso nandun na sya sa piling ng mayaman na Bea na yon

Malamang nagpapakasaya na......

Pinilig ko ang ulo ko, masakit isipin na....

Arrrrrgggghhhh

Ayoko nalang isipin

"Hoy saan na naman kayo pupunta?" Napalingon kami kay Carly

Nag-tagpo na naman ang schedule namin pero next week morinig shift na naman ako

"Papalipas lang ng oras" si Luigi ang sumagot tapos pumorma pa sya na tila tumutungga

"Sama ako" sabi ni Carly at tumakbo palapit samin sabay akla sa braso ko

Napangiti nalang kami ni Luigi

May malapit na convinience store sa labas ng mall

At dun nalang kami uminom, madami dami ring tao dahil pay day ngayon

Ako lang ata ang umiinom habang nag-kukwentuhan si Luigi at Carly

Pero hindi pa ako lasing kahit ako na ata ang nakaubos ng kalahating case na binili naming beer

Maya-maya nag-paalam na si Luigi dahil tinawagan na sya ng nanay nya hahaha

"Sige umuwi ka na baka mapalo ka pa ng nanay mo" natatawa ko pang sigaw sakanya

"Paano baby, tayo nalang natira?" Nakangisi kong saad kay Carly

"Baby ka ng baby dyan ayaw mo naman sumusu sakin" naibuga ko yong iniinom kong beer

Letse lasing na ata sya

"Hahaha lasing ka na, umuwi na tayo"

"Tapos ngayon tatawanan mo lang ako? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nakanguso nyang saad sakin

Napailing ako mas marami akong nainom pero mas nauna pa syang malasing

"Ano bang pumipigil sayo para hindi ibalik ang pag-mamahal ko sayo deans?"

Tumayo ako at nilapit ang upuan ko sakanya

Hinilig ko ang ulo nito sa balikat ko

"Kasi may mahal akong iba, ayoko naman maging unfair sayo. Ayoko umasa ka sakin Carly, kaya hanggat ma-aari hanggat hindi pa lumalalim ang pag-ibig mo sakin iwasan mo nalang ako"

"Ang daya-daya mo" napangiti nalang ako ng mapait at niyakap ito ng mahigpit

Ayoko mag-paasa at maka-sakit ng iba dahil nararanasan ko na yon ngayon

Oo hindi naman ako pina-asa ni Jema pero sobrang lang akong nasaktan

Dahil hindi nya ko kayang mahalin sa paraang gusto ko

Wala syang kasalanan dahil ako lang naman ang nagmamahal sakanya

Kaya ayoko rin yon gawin sa iba

Kaya hanggat ma-aari iiwasan ko nalang sila

Para hindi na ako masaktan at makasakit pa

------

Jema's

"Kamusta pala si Deanna?" Nagulat naman si Mafe at napatingin sakin

Nasa study table sya katabi ng kama nito sa kwarto nila ni nanay

"Bakit mo naman na natanong?"

"Pinapatanong lang ng mga bata"

Tinignan nya ko na tila ba hindi naniniwala sa sagot ko

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong naging customer ko siya?" Nahulog naman nya ang ballpen na pinang-susulat nya

"Pero walang nangyari samin"

Napa-ayos ulit ang pag-kakaupo nya lumapit naman ako sakanya at naupo sa kama

"Matagal na syang na-ngungulit sakin, kaya para tumigil na sya inofferan ko sya ng 10, 000 kapalit ng isang gabing makasama ako" napangiti ako ng ma-alala ko ang gabing iyon

"Pero hindi ko naman akalain na papatulan nya yon at nag-ipon nga sya ng 10, 000 bukod pa yong kumisyon ni Mother at bayad sa club"

"Pero hindi ko inaasahan na sa carnival nya ko dadalhin imbis na ikama ako" tinignan ako ng deretso ni Mafe

"Sobrang saya ko nung gabing yon, hindi dahil nakapunta na ako sa carnival at nakasakay sa carousel na matagal ko ng pangarap" huminto ako

Hinawakan ni Mafe ang mga kamay ko

"Sobrang saya ko ng gabi yon, dahil sa unang pag-kakataon may taong nagmalasakit at nagbigay ng totoong respeto sakin" biglang umagos ang luha ko sa pisngi ko

"Yong respeto na kahit kelan hindi ko naramdaman dahil ganito lang ako! Mababa at marumi akong babae Mafe, pero hindi yon ang pinaramdam sakin ni Deanna nung gabi na yon" naramdaman ko ang paghagod ng palad nya sa likuran ko

"Puno ng paghanga at pag-galang lang ang naramdaman ko mula sakanya"

"Gusto mo na ba sya ate?" Umiling ako

"Hindi nya ko deserved, ikaw ang nararapat sakanya" hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya

"Tinatanong ko lang sya, kasi labis akong nag-aalala sakanya. Alam ko nasaktan ko sya ng sobra kaya nag-aalala lang talaga ako, tama yon lang yon" giit na saad ko

"May usap-usapan sa shop na nababaliw daw sya sa isang babaeng taga cabaret, ikaw pala yon" napatingin ako sakanya

"Wag kang mag-alala hindi ko naman sya aaga....."

"Wala ka naman aagawin dahil hindi naman sya sakin" putol nya sasabihin ko

"Kung gusto mo talaga sya ate bakit hindi mo sya ipag-laban?"

"Hindi ko sya gusto" tanggi ko sakanya

"Sus wag mo akong alalahanin crush ko lang naman sya, hindi ko pa naman sya ganun kagusto o mahal. Ayoko sa babae o lalaking may ibang gusto, ano ako magiging rebound lang?" Sabi nya at umiling-iling pa

"Pero hindi naman ako ang kalaban mo si mam Carly yong manager namin, patay na patay yon kay Deanna" naalala ko yong nakita ko sya kasama yong babae na yon

"Bagay naman sila" napangiti si Mafe at bumalik sa study table nya

"Bahala ka ate, wag kang iiyak ulit kapag naging sila na ah?" Umiling nalang ako

CarouselWhere stories live. Discover now