Chapter 38

3.2K 135 50
                                    

Deanna's

"Ma! Baka gabihin ako sa pag-uwi, birthday ng isa sa manager namin. Paki sabi nalang po kay Jema" saad ko habang kausap ang Nanay ko sa kabilang linya

"Gabihin? O baka umagahin?" Tanong nito

"Hindi Ma, saglit lang ako dito" assurance ko

"Oh sige, mag-ingat ka nalang sa pag-uwi. Hindi ka na namin hihintayin sa hapunan, mag-enjoy ka dyan"

"Thanks Ma, sige na po tawag na nila ako" paalam ko at binaba ko na ang tawag

Lumakad ako pabalik sa sala nila Carly kung saan nandun ang mga katrabaho ko

Nag-uumpisa narin silang mag-paikot ng alak kahit hapon palang naman

Kanya-kanyang kwentuhan lang din sila

Umupo ako sa tabi ni Edward na kausap naman si Luigi

"May balita ka ba dito sa tropa natin?" Saan ni Edward kay Luigi nang mapansin nyang umupo ako sa tabi nila

Inakbayan pa nya ako at ngumisi pa ng nakakaloko

"Ano pa bang bago? Eh di! Patay na patay parin dun sa babaeng taga-cabaret" matamlay na sagot ni Luigi

Napa-iling nalang ako sakanya

"So ano na nga bang balita sainyo?" Baling sakin ni Edward

"Wag na natin pag-usapan, baka may mabadtrip na naman dyan" parinig ko kay Luigi

Ngumisi lang naman sya sa tinuran ko

"Naku kayo talagang mag-bestfriend! Dapat suportahan lang" saad ulit ni Edward at inakbayan narin si Luigi

"Sinusuportahan ko naman sya sa lahat ng bagay, kahit sinong babaeng gusto nya. Pero hindi ko lang maatim na nag-kakaganyan sya sa ganung karuming babae" saad ni Luigi bago tumayo at iniwan kami ni Edward

Tinap naman ni Edward ang ulo ko

"Alam mo ang dahilan bakit ganyan si Luigi, kaya intindihin mo nalang" saad nya at sinundan ang buset kong bestfriend

Napakuyom nalang mga palad kong nasa mga hita ko

Hindi naman lahat katulad ni cheska, hindi lahat ng callgirl katulad nya

Iniwan ni Cheska si Luigi pagkatapos itong gatasan

Nang hindi masunod ang gusto nya sa piling ni Luigi

Sumama ito sa mayamang matandang lalaki

Pero bumalik din ito kay Luigi nung malaman ng asawa nung DOM ang tungkol sakanila

Tinanggap ulit sya ni Luigi kasama ang anak nito dahil mahal na mahal talaga sya ng bestfriend ko

Pero nung bumalik yong totoong tatay nung anak ni cheska

Iniwan nya uli si Luigi, dahilan nya gusto nitong mabuo ang pamilya nila

Kaya tama, hindi ko nga sya masisisi kung ganun ang tingin nya kay Jema

Natatakot lang sya na baka gawin din ito sakin ng babaeng mahal ko ngayon

Lalo pa't babae rin ako, dahil sya ngang tunay na lalaki at ginawa na lahat pero iniwan at pinag-palit parin ito nung makatagpo na akala nung babae na mas higit sakanya

Sa totoo lang nanga-ngamba rin naman ako na mangyari iyon sakin

Lalo pa't nandyan na si sir Gio na umaaligid at nag-hihintay nalang kung kelan aatake

Speaking of sir Gio, napatingin kami sa pintong niluwa sya

Anong ginagawa nya rito? Hindi naman nito kilala si Carly

CarouselWhere stories live. Discover now