Fourteen

2.8K 85 1
                                        

Pagkatapos nyang tingnan ang taas ng temperatura ng bata gamit ang thermometer ay saka nya ito pinainom ng gamot.


"Trance, hindi na ba natin sya dadalhin sa hospital?" Sa aming dalawa parang ako na itong labis na nag-aalala sa kalagayan ng bata.

Siguro, nagi-guilty ako dahil kung hindi ako nag-anyaya na maligo ay hindi naman maisipan ni Thalia Veronica na magbabad sa loob ng swimming pool. Kung tutuusin may kasalanan din naman ako. Nakalimutan ko na wala ako sa sariling pamamahay at dinamay ko pa ang bata sa nais kong gawin.


Napatitig sa akin si Trance at nananantya ang tingin. Naaninag ko sa kanyang ekspresyon ang multo ng ngiti pero maagap nitong pinipigilan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. Pero pakialam ba nya? Eh,sa nag-aalala lang naman talaga ako sa naging kalagayan ng anak nya!



"Temporary lang naman ang ganyang lagnat. I'm sure bababa na ang kanyang temperatura kapag umepekto na yung gamot na ininom nya." Paliwanag nito.


Tumango nalang ako at sinundan ng paningin ang kanyang galaw nang ayusin nito ang mainipis na kama na nakalatag sa carpeted na sahig.


"Trance, dito ka nalang sa ibabaw ng kama at ako na dyan sa sahig. Malaki naman ang espasyo dito." Kuha ko sa kanyang atensyon.


Bahagya nya akong nilingon bago inayos ang unan.


"Kung hindi ka komportable na katabi ang anak ko pwede ka namang bumalik sa kwarto mo."


Napanguso ako sa nakuhang sagot mula sa kanya.

"Wala akong sinabi." Nakakainis! Ang hilig nyang magtwist sa usapan.


Marahan akong humiga sa malambot na kama bago nilingon si Thalia Veronica. Nakatagilid sya ng higa patalikod sa akin habang yakap-yakap ang malaking teddy bear.


Napakurap ako nang dumilim ang paligid. Pinatay ni Trance ang malaking ilaw at liwanag lang na nagmumula sa lampshade ang natitira.


Ilang minuto na ang lumipas at nababalutan na ng katahimikan ang buong silid. I'm sure nakatulog na itong dalawa habang ako heto at dilat na dilat pa ang mata.


Marahan akong bumangon at balak sanang silipin si Trance pero laking gulat ko nang maaninag ang kanyang mukha at nakamulat ang mata!


Napakurap-kurap ako at mabilis na isinuklay sa mahabang buhok ang mga daliri. Quinn naman kasi, can't you behave?


"May sasabihin ka?" Basag nya sa katahimikan.


"Uh, wala. Matutulog na ako, good night!" Ibinagsak ko ang ulo sa ibabaw ng unan at pilit ipinikit ang mga mata.


"Good night!" Sagot nya sa paos na boses.


Muling nagising ang aking ulirat. Naghintay pa ako ng ilang segundo sakaling mayroon syang idugtong sa katagang iyon. Pero hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mga mata ay hindi na sya muling nagsalita pa.


"Mommy!"

Nagulantang ako sa biglang pagyakap ni Thalia Veronica sa akin at sa salitang binanggit nya. Tumagilid ako ng higa at iniyakap ang mga braso sa kanyang katawan.


"Mommy, hwag mo akong iiwan, please!"


Napalunok ako ng mariin bago idinikit ang mukha sa ibabaw ng kanyang ulo. Naninikip ang aking dibdib dahil sa pagpipigil ng mga luha na ibig kumawala mula sa aking mga mata.


"No, baby...i won't— leave you!" My voice broke.


Napakislot ako nang biglang umuga ang kama. Naupo si Trance sa gilid ng kama kung saan ako nakatagilid ng higa. Ang pagdantay ng gilid ng kanyang hita sa aking pang-upo ang nagpagising sa aking sistema.


"Ganyan sya kapag nagkakasakit. Hinahanap nya ang kanyang Mommy."


Hindi ako nakasagot. Ang sakit na bumalot sa aking puso ay hindi matatawaran.


Hindi na ako nakatanggi nang marahan nyang hilahin ang dulo ng aking unan at tuluyan itong tumungtong sa ibabaw ng kama. Patagilid syang humiga sa aking tabi bago ipinulupot ang malaki at mahabang braso sa katawan namin ni Thalia Veronica.


Ang init na nagmumula sa kanyang katawan ang syang nagpawi sa sikip ng aking dibdib. In this life, hindi ko pa naranasan kung paano maging komportable sa buhay. Lahat ng nararanasan ko ay may kulang. Hindi ako nakukuntento. Ngayon palang. Habang yakap ako ng lalaking ito mula sa aking likuran.




Nagising ako kinabukasan habang yakap ang isang matigas at malaking bulto. Teka...paano naging matigas ang katawan ni Thalia Veronica?


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at gayon na lamang ang aking pagkagulat nang mapagtanto na nakasubsob ako sa matitipunong dibdib ni Trance.


Ganoon parin ang kanyang posisyon habang yapos ako ng mahigpit. Ako siguro ang gumalaw dahil kung hindi ako nagkakamali, nakatalikod ako sa kanya kagabi habang yakap si Thalia Veronica. How come na nakaharap na ako sa kanya ngayon at mahigpit na nakakapit sa kanyang katawan?

Dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay at nagmamadaling kinapa ang pwesto ni Thalia Veronica. Namilog ang aking mata nang mapansin kong blangko iyon. Anong oras na ba?

Ipinilig ko ang ulo para tingalain ang mukha ni Trance. Akala ko tulog parin sya pero napakurap ako ng ilang beses nang matagpuang nakatitig sya ng mariin sa akin. Pareho kaming naestatwa at hindi nakagalaw. Yung higpit ng kanyang pagkakayapos sa aking katawan ay hindi man lang lumuwag.

Lumunok ako ng mariin at nangangapa ng sasabihin.


"Si Thalia Veronica wala sa higaan."

Bahagya syang kumurap at bumaba ang mata sa nakaawang kong labi. Naintindihan kaya nya kung ano ang sinabi ko?


"M-may duty ka ba ngayon?"Muling subok kong tanong.

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim bago tinanggal ang braso mula sa aking katawan. Nang makawala ay mabilis akong bumangon.

Bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas mula doon ang bagong ligo na si Thalia Veronica.


"Good morning!" Masiglang bati nya at malapad ang ngiting lumapit sa higaan.


"Naligo ka na kaagad? Kumusta ang pakiramdam mo?" Taranta kong tanong.


"Maayos na ako, Teacher Lorenz." Nakangisi nyang sagot bago lumapit sa kanyang ama na nakahiga parin sa kasalukuyan.


"Ang sarap ng tulog mo, Daddy! Wala kang pasok?" Panunukso nya sa kanyang ama.


"Meron. Masyado lang siguro napagod ang Daddy kaya napasarap ng tulog. Halika dito..."

Hinila nya si Thalia Veronica palapat sa kanyang dibdib bago niyakap ng mahigpit.


"Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo? Next time, hwag mong kalimutan yung bagay na ipinagbabawal sa'yo, okay?" Malambing nitong sinabi.


Umusog ako sa kabilang gilid ng kama para makababa.


"Mas gusto ko pa nga kung lagi akong magkakasakit, Daddy. Kasi, magkasama tayong matulog sa iisang kama ni Teacher Lorenz!" Natutuwa nitong sinabi.

Humalakhak ng malakas si Trance at parang natutuwa pa sa narinig ang bruho!

Haist! Mag-aama nga ang dalawang iyon! Nagmartsa ako palabas ng kwarto at hindi na muling lumingon. Baka kasi kung saan na naman mapupunta ang usapan ng dalawa.


***

Scratch HeartWhere stories live. Discover now