Thirty-five

3.5K 66 0
                                        

Hindi katulad ng nakagawian na namin ni Thalia Veronica,ngayong araw kasi pagkatapos naming kumain ng pananghalian ay imbes na yayain nya ako sa underground para maglaro ng table tennis ay mas pinili nyang umakyat sa kwarto para matulog.

Nagtataka man sa kanyang inasta pero pinaunlakan ko nalang sya sa kanyang gusto. Napapansin ko din naman kasi na panay ang hikab nya. Siguro talagang inaantok sya.


Nang mapag-isa ay wala sa loob na napabuga ako ng hangin. Anuman ang gawin ko ay hindi ko malabanan ang pag-atake ng aking boredom. Pagkatapos ng malalim na pag-iisip ay tumayo na ako at mabilis na tinungo ang sariling kwarto.


Kumuha ako ng bath towel bago muling lumabas ng silid. Naisipan kong magswimming nalang habang inaabangan ang pagdating ni Trance sa bahay. Tutal natutulog naman si Thalia Veronica kaya naman ay malaya akong magbabad sa loob ng swimming pool ngayon na hindi sya kasama.



Sa tulong ng malinaw at malamig na tubig na nagmumula sa loob ng swimming pool ay biglang nawala ang pagkabagot ko. Eksperto akong lumangoy hanggang saan ko gusto.


Hindi ko na namalayan ang paglipas ng maraming minuto habang nagtatampisaw ako sa ilalim ng tubig. Natigilan lang ako nang makuha ng aking paningin ang isang matikas na bulto na marahang lumapit sa kinaroroonan ng swimming pool. Kaagad syang nag-squat seat habang nakatanaw sa akin.



Nilangoy ko ang gilid ng swimming pool na kung saan doon sya nakadukwang.


"Ang aga mong umuwi..." Nakangiti ko syang tiningala.


"Yeah, pero muli akong aalis. Tumungo lang ako dito para ipaalam sa'yo. May transaction lang akong tatapusin." Kaagad nyang balita sa akin.


Bumagsak ang aking balikat buhat sa narinig. Yung excitement na bumalot sa aking puso ay biglang naglaho. Akalain nyo iyon? Dumating na nga sya pero aalis ulit? Ni hindi man lang nya ako yayain kung gusto ko bang sumama, o, hindi?


Gaano ba sya kamanhid para hindi maramdaman yung pagkakabagot ko na makulong dito sa bahay?


"Ah,ganon ba?" Pilit kong pinasigla ang boses.


"Aalis na ako, i love you!" Nakangiti nyang sinabi bago tumayo ng tuwid.


"Mag-ingat ka, i love you too!" Napakagat ako sa aking labi. Ito kasi ang unang pagkakataon na nasambit ko ang katagang iyan.

Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Trance bago sya tumango at tuluyan ng tumalikod. Kaagad akong napahawak sa aking dibdib nang tuluyan ng mawala sa aking paningin ang likod ni Trance.


God! Nakakanerbiyos pala ang pagsambit ng katagang iyon? Mabuti nalang at nakayanan ni Trance kapag sinasabihan nya ako ng ganon.O, baka naman...pakiramdam ko lang ang ganito? Baka normal lang iyon sa kanya. Hayyy, napaka overreacting ko naman! Kainis!


Muli akong nagresume sa paglalangoy pero parang nawalan na ako ng gana. Nakita ko lang si Trance ay parang nanghina na ako kaagad. Muling napuno ng palaisipan ang aking utak.


Anong transaction kaya ang aasikasuhin nya at nagmamadali sya ng ganoon? Ni hindi man lang nya natanong kung nasaan ang anak namin? Ni hindi man lang sya nagtaka kung bakit nag-iisa ako dito?


Tuluyan na nga akong umahon mula sa tubig bago pa ako malunod dahil sa daming iniisip. Pagkatapos kong patuyuin ng tuwalya ang basang katawan ay saka ako pumasok sa loob ng bahay at dere-deretso sa aking kwarto. Tumuloy ako sa banyo para makaligo.


Katatapos ko lang suklayin ang basang buhok ay sya namang pagtunog ng aking cellphone. Kaagad ko iyon dinampot at nakitang si Mica pala ang tumatawag.


"Yes, Mics?" Bungad ko sa aking kaibigan.


"Quinn, may problema ako! Pwede bang puntahan mo ako dito sa condo unit ko? Please ngayon na!" Naiiyak na sabi ni Mica.


"Mica anong nangyari? Hello? Hello?" Taranta kong tanong pero kaagad na syang nawala sa kabilang linya.   


Sinalakay ako ng matinding kaba kaya naman ay hindi na ako nag-isip ng kahit na ano. Kaagad kong dinampot ang aking bag at mabilis na isinilid doon ang hawak na phone. Pagkalabas ko ng silid ay mabilis ko ng tinakbo ang main-door ng bahay at tuloy-tuloy na lumabas papuntang garahe.


Kaagad kong pinaharurot ng takbo ang aking sasakyan pagkasakay ko doon habang walang humpay ang taimtim na panalangin. Sana maayos lang ang aking kaibigan. Naluluha na ako sa isiping baka may nangyaring masama sa kanya base na din sa kanyang boses kanina. Ano kaya ang problema ni Mica? Bakit sya umiiyak ng ganoon?



Halos liparin ko na ang kinaroroonan ng pintuan pagkababa ko mula sa sasakyan. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-doorbell pagkatapat ko sa may pintuan. Halos hindi na rin ako humihinga habang nag-aabang sa pagbubukas ng pintuan.


Nanginginig ang aking kamay habang kinakalma ang sarili nang makita ko ang unti-unting pag-awang ng pintuan. Kaagad ko na iyon itinulak at naubusan na ako ng pasensya sa paghihintay gawa ng matinding pag-aalala para kay Mica.


Pero napatda ako at nanlalaki ang mga mata nang tuluyang makapasok sa loob.


"SURPRISE!!!" Sigaw ni Mica at Reevan na syang nakangising sumalubong sa akin.

Bumagsak ang aking balikat at nanlilisik ang mata habang pinaglipat-lipat ko sa kanilang dalawa ang paningin.

"Mica, papatayin mo ako!!" Galit kong bulyaw kay Mica.


Kaagad namang lumapit si Reevan at mabilis akong inakbayan pero tinabig ko ang kanyang braso. Hwag nya akong makuha-kuha sa akbay dahil galit pa ako! Akalain nyo? Halos paliparin ko na ang sasakyan para makarating kaagad dito dahil alalang-alala ako sa bruhang si Mica tapos ito lang pala ang madadatnan ko? Pinagkaisahan lang ako ng dalawang ito?


"Hwag ka ng magalit, please?" Lambing ni Mica at niyakap ako mula sa aking likuran.


"Paano pala kung naaksidente ako, huh? Hindi mo ba alam halos hindi na sumasayad sa aspalto ang gulong ng kotse dahil sa pagmamadali ko? Ang akala ko napaano ka na!" Singhal kong sagot.


"Iyon lang naman kasi ang paraan na naisip ko para mapasugod kita kaagad dito. Si Reevan kasi ang kulit! Reunion daw nating tatlo ngayon kaya ayaw nyang palalampasin pa." Kumawala sya mula sa pagkakayakap sa aking likuran bago ako hinarap.


Muli akong inakbayan ni Reevan at ngayon ay hindi na ako nakailag pa.


"May kasalanan ka sa akin." Bulong nya bago nya ako pinatakan ng matunog na halik sa aking pisngi.


Tumaas kaagad ang kilay ni Mica bago nya kami tinulak papunta sa maliit na sala.


"Hoy, bawas-bawasan nyo yang sweetness nyong dalawa! Naku at ayokong makakita ng rambolan dito, ha!" Palatak ni Mica.


Humalakhak si Reevan bago bumagsak ng upo sa ibabaw ng mahabang sofa na kasama ako. Tumabi kaagad ng upo si Mica at nagsalin ng inumin sa tatlong baso na nasa ibabaw ng mesa.


"Lets cheers?" Kuha ni Mica sa aming atensyon.

Magkasabay naman naming dinampot ni Reevan ang baso na nakatalaga sa amin at itinaas iyon sa ere.


"Para sa muling pagkabuo ng ating pagkakaibigan!" Masiglang wika ni Reevan.


"Cheers!" Sabay-sabay na hiyaw naming tatlo.


***

Scratch HeartWhere stories live. Discover now