Twenty-eight

3.2K 93 3
                                        

Kalabit sa aking balikat ang nagpagising sa akin kinabukasan. Tinatamad kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan kong nakatayo sa may gilid ng kama si Mica.


"Napasarap ka yata ng tulog, ah! Mukhang lagi ka yatang pinupuyat ni Doctor Trance Rafaello? Ilang round ba sa isang gabi? Nakayanan mo? Gaano kalaki? Kahaba? At—"


"Mica!!!!" Sigaw ko bago dinampot ang unan sa may gilid ko at mabilis na itinabon iyon sa mukha.

Kay aga-aga ito na ang pinambungad nya sa akin. Haisssst! Ang bruha at hindi parin ako tinatantanan! Pinagsisihan ko kung bakit ko pa naikwento sa kanya!

Humalakhak ang aking kaibigan bago ako niyugyog kasabay ng pangingiliti sa tagiliran.

"Bumangon ka na dyan at mag-ayos. Tumawag ang Mama mo at pinapauwi ka. May naghihintay daw na bisita sa bahay nyo."

Bigla akong natigilan at napabalikwas ng bangon.

"Bisita? Sino?" Kunot-noo kong tanong.


"Oh my God! Baka si Reevan pumunta sa bahay! Bakit hindi muna tumawag ang bruho? Naku, kakatayin sya ng Papa ko!" Kinakabahan kong bulalas.

Napataas ang kilay ni Mica bago humalukipkip sa aking harapan.

"Wala namang binanggit na pangalan ang Mama mo. Ang sabi nya pauwiin ka kaagad dahil may naghihintay na bisita. Iyon lang." Paliwanag naman ni Mica.

Huminga ako ng malalim bago ibinaba ang mga paa sa may gilid ng kama.

"Mics, pahiramin mo ako ng damit at under garments. Kailangan ko munang maligo bago umuwi.Ang under garments...yung hindi mo pa naisusuot, ha?" Demand ko sa kanya.

"Aba, kung makaasta ka naman parang hindi ka pa nadaanan ng bulldozer! Mind you bruha...malinis pa ako!" Sabi nya sabay irap.

"Talaga lang ha? Para namang mapagkatiwalaan ang mukha ng Nat na iyon!" Asar kong sabi.

Namilog ang mata ni Mica bago sumagot.

"Eh, bakit? Ang mukha ng Trance mo, mapagkatiwalaan?"

Napanguso ako nang sumuksok sa alaala ang nakakawala sa sarili na hitsura ni Trance. Kaagad kong naipilig ang ulo. Alaala pa lang iyan ay para na akong nag-iinit dito paano na kung sa aktwal na talaga?

"Yung bago talaga ang gusto ko Mica, papalitan ko naman kaagad. Kahit hindi na ako bibili...marami akong collection sa bahay, branded din iyon!" Pangungulit ko parin sa aking kaibigan.


Bahagya syang lumapit bago ginusot ang dati na gusot kong buhok.

"Oo na! Kahit hindi mo sabihin alam ko ang gagawin ko! Alangan naman na ipasusuot ko sa'yo yung nagamit ko na? Gaga!"

Napangisi ako habang sinusundan ng paningin si Mica na kaagad hinakbang ang higanteng closet.

"Thank you, friend!" Natutuwa kong sabi.


*

*

*

Nakailang beses pa akong kumurap nang matanaw ang pamilyar na sasakyan sa harapan ng aming gate. Napapailing ako at kinalma ang sarili dahil unti-unti na namang umaahon ang matinding kaba na nagmumula sa aking dibdib.


Marahan kong ipinarada sa loob ng garahe ang sariling sasakyan habang hindi natatanggal sa isip ang nakitang sasakyan sa labas. Imposible naman kung sya ang bisita na naghihintay sa akin? Baka relatives lang namin ito na galing sa probinsya at kapareho ng sasakyan nya. I'm sure of it!


Scratch HeartWhere stories live. Discover now