Twenty-five

3.4K 82 2
                                        

Pagkatapos ng masaganang breakfast ay muli kaming nagsipasok sa kanya-kanyang kwarto para mag-ayos dahil may lakad nga kami ngayong araw.


Hindi na ako nagbihis dahil maayos naman ang napili kong isuot kanina. Nagsipilyo nalang ako at inayos ang buhok tapos nagpahid na din ng light make-up para naman hindi ako magmumukhang alalay ni Trance at Thalia Veronica mamaya.

Napagkasunduan kasi ng mag-aama na sa mall nalang daw pupunta tutal may palaruan naman doon. Inaayos ko na sa balikat ang sling bag nang biglang bumukas ang pintuan.


Saglit kong nilingon ang pintuan at bahagya pa akong natulala nang matanaw ang hot and fresh na si Trance Rafaello. Napanguso ako sa isipin na baka iilang babae na naman ang mapapalingon sa kanya mamaya.


"Kinabahan ako," Aniya.


"Bakit naman?" Kunot-noo na tanong ko.

Hinakbang nya ang pagitan namin bago sumagot.


"Natagpuan ko kasing wala ka na sa tabi ko nang magising ako. Akala ko muli kang umalis." Hinuli nya ang aking baywang at inilapit ako sa kanyang katawan habang walang kurap na nakatitig sa akin.


Lumunok ako ng mariin bago inilapat sa kanyang matitipunong dibdib ang magkabilang kamay. Mukhang nagwawala na naman kasi ang bulate sa aking tiyan sa ganitong simpleng gesture nya. Kaya kailangan ko na syang ilayo mula sa katawan ko bago pa hindi ko mapigilan ang aking sarili.


"At bakit ko naman gagawin iyon?" Makikita mo at hinding-hindi kita pakakawalan!


"Ugali mo kasing umaalis nalang bigla! Kaya next time magpaalam ka. Ayokong nagigising na wala ka sa tabi ko." Inilapit nya ang kanyang mukha at dinampian ako ng halik sa puno ng aking tainga.

Napanguso ako at biglang naestatwa. Ang balak na kumawala mula sa kanyang hawak ay kaagad nawala sa isip ko.

"Ang himbing kasi ng tulog mo kaya ayoko namang istorbohin ka sa pagtulog." Baka kasi saan na naman kami hahantong kapag nagising syang kayakap ako.


"I don't care kung mai-istorbo mo ako, mas gusto ko iyon."


Hindi na ako nakasagot nang lumipat sa nakaawang kong bibig ang kanyang labi. Siniil nya ako ng mapusok na halik na syang nagpawala sa matino kong utak. Bahagya kong naipikit ang aking mga mata at napakapit sa kanyang braso, then i kissed him back!

Sa bawat atake ng kanyang labi ay hindi ko pinalampas. Hindi ko alam kung paano humalik pero unti-unti akong natututo sa bawat lapat ng aming mga labi.

Pareho naming hinahabol ang aming paghinga nang maghiwalay ang aming labi. Titig na titig sya sa aking mga mata habang ako ay nakatutok sa basa at mapupula nyang labi.


"I can't get over you..." Bulong nya dahilan para bumaling sa kanyang mga mata ang aking paningin.

Did he already fell for me?

Nagniningning ang aking mga mata dahil sa naisip. Hindi nya napaghandaan ang bigla kong pagtingkayad para muling maabot ang kanyang labi. This lips is so addictive!


Mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayapos sa aking baywang habang sabik nyang tinugon ang ginawa kong panghahalik sa kanya.

Muli kaming nawala sa sarili habang nilalasap ang init ng labi ng bawat isa. Ramdam ko ang kanyang pagtitimpi na hwag akong isandal sa pader, o, di kaya ay ihiga sa kama. Samantalang ako, heto at namumuo na naman ang matinding excitement sa maaari nyang gawin.

Scratch HeartWhere stories live. Discover now