Twenty-nine

3.2K 89 5
                                        

Malakas na halakhak ni Papa ang maririnig nang pababa na kami ni Thalia Veronica sa hagdan. Aba, kailan ko huling narinig ang halakhak na iyon? Noong nabubuhay pa yata si Kuya? Antagal na noon ah!


Magkahawak kamay pa kami ni Thalia Veronica habang tinutungo ang living room na kung saan doon nanggagaling ang masasayang tawanan.


Napahinto ako ng hakbng pagdating ko sa may bungad ng sala. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon. Gaano na ba sila katagal nagkakilala at ganito na sila ka-close sa isat-isa ngayon?


Magkasabay na napalingon sa aming kinatatayuan sina Papa at Trance nang maramdaman nila ang presensya namin ni Thalia Veronica doon. Napakurap ako nang bahagyang nagtama ang mga mata namin ni Trance.


Gusto kong kurutin ang aking sarili. Hindi kasi ako makapaniwala na nandito sa loob ng aming pamamahay ang lalaking ito!Kung paano nya natunton itong bahay namin ay iyon ang hindi ko alam.


"Lorenza!" Nagulat pa ako sa masayang tawag na iyon sa akin ni Papa.


"Yes, Pa!" Natataranta kong tugon.


"Hindi mo man lang naikwento sa amin ng iyong Mama na itong si Doctor Trance Rafaello pala ang iyong karelasyon, Hijah!" Nakangiti nyang sabi.


"Po? Karelasyon po, Papa?" Gulat kong tanong.

"Mabuti naman at nakahanap ka ng responsableng lalaki kaysa mapupunta ka sa isang lalaki na walang kwenta." Dagdag nito.

Mula kay Papa ay nakamaang akong napatitig kay Trance. Nagtatanong ang aking mga mata habang nililinaw sa aking utak kung gaano kagiliw ang pakikipag-usap ni Papa sa akin ngayon. Ang huli kong natandaan ay hindi nito nagagawa ang masayang makikipag-usap sa akin. Kadalasan lagi syang seryoso at mapanganib.

Anong nangyari at biglaan yata ang kanyang pagbabago?

"Habaan mo nalang ang iyong pasensya dyan sa anak ko, Doctor Rafaello. Wala na kasing ginagawa iyan kung hindi bigyan kami ng sakit sa ulo. Siguro naman ay magtitino na iyan dahil nakilala nya ang isang katulad mo." Baling nito kay Trance.

"Papa, nakikinig yung bata!" Saway ko kay Papa bago itinakip sa tainga ng aking anak ang magkabila kong palad.


"Mabait naman si Mommy, Grandpa! She's not a bad girl!" Pagtatanggol ng aking anak sa akin.

Humalakhak si Papa nang marinig ang biglang pagsabad ni Thalia Veronica sa usapan.

"Come here, Kitty! You call me Grandpa, ah? And i like that..." Malambing nitong sinabi.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib buhat sa narinig. Pero hindi ko parin maiwasan ang hwag kabahan dahil sa inaasta ni Papa. Magugunaw na ba ang mundo? Bakit biglaan ang pagtransfom ng aking ama?

Tiningala ako ni Thalia Veronica at nang mapansin ko ang nais nyang ipahiwatig ay doon ko lang tinanggal ang aking kamay na nakaipit sa magkabila nyang tainga.

Nang makawala ay mabilis nyang hinakbang ang kinauupuan ni Papa. Napaawang ang aking bibig nang matanaw ko ang marahang pagyakap ni Papa sa kanya. Pinaupo nya ang bata sa kanyang kandungan bago kinausap. May lukso ng dugo kayang nararamdaman si Papa kay Thalia Veronica?

Makahulugan kong sinulyapan si Trance na ngayon ay mariin paring nakatitig sa akin. Anong kasinungalingan na naman ba ang sinabi nya kay Papa? Saan napulot ni Papa ang salitang karelasyon kanina?


Napanguso ako nang mapansin ko ang pagtaas ng kanyang kilay kasabay ng pagsilay ng mapang-asar na ngiti mula sa kanyang labi. Nakakainis! At nagagawa pa nyang mang-asar sa lagay na ito?


Scratch HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя