trois

669 22 6
                                    

Jhoana

Saturday, 4:30 PM

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako sa pag-uudyok nila Dani, Jules at Ponggay na sumama ako sa lakad nila. Unang una, alam kong hindi ako magiging komportable kapag nandiyan siya. Hindi ko rin alam kung ano talagang dahilan pero may hindi maipaliwanag na awkwardness sa aming dalawa ni Bea simula noong umalis ako sa team, lumalim nang lumalim ang gap namin hanggang sa hindi nalang kami nag-usap. Wala na 'yung halos araw na araw na sabay mag breakfast, lunch at dinner, pati 'yung nga sleepovers, hindi na naulit. Pero sobrang namimiss ko siya, lalo na ngayon na bumalik na ako sa team, nakakapanibago na wala nang Bea na naghahatid sundo sa akin sa dorm papuntang trainings, wala na akong kakulitan. Yes, nandiyan naman 'yung mga kateam ko dati na kateam ko pa rin ngayon, pero 'yung bond namin ni Bea, iba. No one will ever replace her in my life.

"Ate Jho, sama ka na! Alam naman namin na miss mo na si Ate Bei. She'll be glad kung kasama ka. Kaya tara na." Pilit sa akin ni Dani.

"Are you sure na okay lang sa kanya?" Tanong ko.

"Off course Jho, you just don't have an idea how much Bea misses you, she's dying to hang out with you again. Kaya tara na. Friendly hang out lang naman 'to. You're not cheating like what Nico's doing, if you're worrying about that." Seryosong sabi ni Ponggay.

"Hindi naman nagchicheat si Nico, guys. Nag-usap na kami tungkol dun and she cleared his name out. Faithful 'yung tao. Kaya please, 'wag na natin pag-usapan ulit 'yun." Sagot ko.

"I'm sorry, Jho. I know nahuhurt ka rin everytime na nakakarinig ka ng anything about that issue because you love Nico. But we just want to protect you from all cost. Mapatunayan lang talaga namin na nag-cheat siya, WWIII na talaga." Dagdag ni Ponggay.

"Thank you, Pongs. Pero 'wag na kayo mag-alala. I'm okay and we're okay." Sabi ko.

"Hmm, okay. Pero sumama ka pa rin sa amin ate Jho ha? Tara na please? Libre kita." Sabi ni Jules sabay kindat.

"Oh sige na nga! Mapilit kayo masyado eh." Sagot ko.

"Ayuuun! G na!" Sigaw naman ni Dani.

Sumakay na kami sa kotse ni Jules at ilang minuto lang at nakarating na kami sa UPTC. Sobrang kinakabahan ako, buti nagpasama muna sa akin si Ponggay sa Regatta bago dumiretso sa kung saan man sila Bea ngayon. May time pa ako para kumalma. Pagtapos mabili ni Ponggay ang kailangan niya, pumunta na kami sa Costa Coffee, ang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko naman dapat 'to nararamdaman, si Bea lang naman 'yun? Hay, self. What is happening to you.

Nag-usap usap kami tungkol sa iba't ibang bagay hanggang sa napunta ang topic sa Japan trip namin. Pinipilit nilang sumama si Bea, na parang gusto ko rin gawin. Gusto ko siyang sumama, hindi ko rin alam kung bakit. Tinitingan ko siya ngayon, nag-aanticipate na papayag siya, nagulat ako nang tumingin din siya sa akin kaya umiwas din ako kaagad.

Nagpasya akong i-text na si Nico para magpasundo, actually kanina pa ako nagtetext sa kanya para mag-update pero wala naman siyang paramdam. Busy siguro. Hanggang sa nagkayayaan nang mag-uwian, wala pa rin siyang sagot sa mga texts ko. Hindi ko akalain na magooffer si Bea na ihatid ako, kasi hindi naman kami komportable sa isa't isa. Oo, magkasama kami ngayon pero hindi ibig sabihin na okay na ulit kami. Kaya nagulat ako na siya mismo ang nagsabi na idadaan niya raw ako sa condo. Wala na rin ako nagawa at pumayag nalang ako dahil pinipilit din ako nila Dani.

Tahimik kaming naglakad ni Bea papunta sa parking lot, gusto kong sabihin kay Bea kung anong mga nasa isip ko pero hindi ko alam kung bakit.

Tahimik pa rin kami hanggang sa makasakay sa kotse, nang nagpasya akong basagin na ang katahimikan kaya kinamusta ko siya. Nagpatuloy ang aming usapan hanggang sa mag-asaran na kami. Oh how I miss this, 'yung nasa kotse lang kaming dalawa, nagkukulitan. Kaya lagi kong nag-iisip at nagtatanong sa kawalan kung anong nangyari sa aming dalawa? Bakit umabot kami sa sitwasyon namin ngayon?

Hanggang sa nasabi ko na nga ang totoo, naipalam ko na rin sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin.

"Na-miss rin talaga kita. I miss my bestfriend."

Gusto kong humagulgol sa harap ni Bea, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na rin na-control ang sarili ko at niyakap ko siya. Nagsisimula nang tumulo ang luha ko kaya nagmadali na akong bumaba sa kotse niya.

"Gotta go, Bea. Thanks again, take care."

Hindi tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko habang naglalakad ako papunta sa unit ko. I don't know why pero sobrang bigat sa pakiramdam ng mga nangyari ngayon. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko dapat hinayaan ang sarili kong maging vulnerable sa harap ni Bea, hindi ko dapat hinayaan ang sarili ko na maging masaya kahit saglit na si Bea ang dahilan kasi pakiramdam ko ay nagchicheat ako kay Nico. Siguradong magagalit si Nico kapag nalaman niyang kasama ko si Bea kanina, lalo na't hinatid niya pa ako. Why did I let this thing happen? I know that this will make Nico furious pero bakit ginawa ko pa rin?

Natigil ang pag-iisip ko nang makarating ako sa tapat ng unit namin ni Nico. I unlocked the door and opened it. Halos mapasigaw ako sa gulat sa mga nakita ko.

"Nico?!?!" 




Lâcher PriseWhere stories live. Discover now