quatre

667 23 10
                                    

Jhoanna

Saturday, 8:32 PM

"Nico?!?!"

I saw Nico sprawled on the floor. Agad naman akong tumakbo para i-check kung ayos lang ba siya. Habang papalapit ako sa kanya, I can hear his soft snores kaya narelieve na rin ako. Tulog lang siya. Isa pang napansin ko ay amoy alak siya, tulad ng mga nakaraang gabi.

Napapadalas ang pag-inom ni Nico lately, minsan madaling araw na siyang umuwi nang lasing na lasing. I once asked him what's the reason why he's been drinking lately pero ang sagot niya lang palagi ay gusto niya lang malimutan saglit ang stress niya sa office. Hindi na rin naman ako nagdemand ng iba pang paliwanag kasi baka mairita naman siya sa akin. Kapag hindi naman nakainom si Nico ay okay kami, but not as okay as before noong nagsisimula palang kami. Medyo nabawasan na rin 'yung sweetness namin sa isa't isa but we know sa mga sarili namin na we care for each other. Mas naging deep na din siguro 'yung relationship namin kaya hindi na namin kailangan ng matinding spark tulad ng mga bagong magkarelasyon.

Pero akala ko lang pala 'yun. Kasi last month, I received an anonymous SMS from someone, sabi niya, bantayan ko raw si Nico kasi baka masyado na akong nabubulag kaya hindi ko nakikita ang mga bagay na dapat matagal ko nang nakita. I froze as soon as I read it, hindi ko alam kung nantitrip lang ba 'yung nagsend nun, or what. Hindi ko naman na nireplyan at tinry ko na rin na makalimutan but after few days, si Ponggay naman ang nagsabi na nakita niya raw si Nico sa bar na may kainumang babae, dalawa lang daw sila.

Flashback

"Jho, please believe what I'm telling you, I saw him with another girl. Bakit naman ako mag-iimbento?" sabi ni Ponggay.

"Pongs, kilala ko si Nico. Baka katrabaho niya lang 'yun. Hayaan mo na, kakausapin ko nalang siya" sagot ko.

"Ay nako, Jho. I rest my case. But I did my part in telling you what I saw. Ayoko na rin makialam sa inyong dalawa. Just know that I'm always here for you, okay?" Pag-aassure ni Ponggay.

"Thank you Pongs. Labyu."

Present.

Nakatulala ako sa kawalan for God knows how long. Iniisip ko lahat nang nangyayari. Dapat ko pa bang pagkatiwalaan si Nico nang buong buo? Hindi ko na alam. Ang alam ko lang, ay kailangan naming ayusin 'to, kakausapin ko siya sa lalong madaling panahon para hindi na lumaki pa. Ayokong tuluyang malayo ang loob ko kay Nico dahil sa mga doubts ko.

Nakaramdam na rin ako ng pagod, kailangan ko nang magpahinga para sa training bukas. Binigyan ko muna si Nico ng unan at kumot bago ako maghalf bath. Hindi ko na siya ginising pa, baka maalimpungatan. Pagtapos ng lahat ng ritwal ko, nagdalawang isip ako kung saan mahihiga. Parang hindi ko naman kayang matulog sa malambot na kama habang nasa sahig 'yung boyfriend ko, so I decided na tabihan siya, sa sofa ako nahiga. I checked my phone bago ako matulog. I had one message from an anonymous number. I opened it.

"Hi Jho, this is Bea. I'm sorry I had to get your new number kay Ponggay. Uh, I'm just.. a bit puzzled about what happened. Uh.. Well, never mind. I just want to say good night, and I wasn't able to say this back kanina but I missed you too, Jho, terribly and God knows how much I'm longing for you."

And with that, I froze. Nawala ang antok ko. I stayed up until God knows when thinking about all that's happening especially about Bea, whose suddenly showing her vulnerability. Hindi ko alam, siguro nag-alala siya kung bakit ako biglang umiyak? Ako rin naman pala ang unang nagpakita ng vulnerability. Ewan ko rin sa sarili kung bakit ako nagkakaganito. I should get my acts together. At kapag nalaman ni Nico na hinatid ako ni Bea, I'm sure he's not gonna let it pass. I decided na 'wag nang replyan si Beatriz, hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin.

Pero ang totoo, marami akong gustong sabihin. Hindi ko lang alam kung paano, at alam kong hindi makakabuti kung makikipagusap pa ako sa kanya.

__________________________________________________________

Hi guys, I'm so sorry for this crappy update. I hope you're all safe at home. Go listen to Saving Grace by Kodaline, I'm sure it'll warm your hearts! 😊


Lâcher PriseWhere stories live. Discover now