Chapter 6

215 72 10
                                    


   Parang nag-iba ang ihip ng hangin sa mundo. Kung noon ang dating at presensya ni Kuya Ash saakin ay nang-aasar, parang ngayon ay nagbibigay ng magandang imahe at positivity. Palagi kong ini-ignore ang mga senyales na may crush ako sakanya dahil palagi kong iniisip na dapat ma turn off na ako sakanya. May jowa na ‘yarns diba? Ba't ako nandito? Substitute? Ganern?

“'Diba favorite color mo 'yong kulay pink?”

My mouth went agape. Anong tingin niya saakin? Girlish na girlish? Napairap ako sakanya. “Green kasi.”

He titled his head and licked his lower lips. “Hindi, sabi mo no’n gusto mo 'yong kakulay ni Barbie. Mukha bang damo si Barbie sa‘yo?”

Napangiti ako ng plastik. Gustuhin ko man siyang sapakin ay palagi kong naalala na kapag inaway ko ‘yan, walang mag dri-drive saakin pauwi sa bahay. Lumapit ako sakanya at kinurot ang kaniyang kanang pisngi. “Ang cute mo naman!”

Napangiwi siya, “Alam ko naman..”

“Cute mong balatan ng buhay at ibabad sa asin.”

Mas lalo pa siyang napangiwi. Gusto pa naming mag-usap nang matagal nang biglang may dumating na staff ng resort at pinatawag siya sa opisina. At syempre ako, ‘di ko pa ‘yan asawa e, kaya 'di muna ako sasama sakanya. Gagamitin ko nalang ang pagkakataon na 'to para makapagtampisaw sa tubig alat.

Naalala ko tuloy ‘yong panahon na ayaw akong palanguyin ni Papa kahit sa tabing-dagat lang.

“But Papa..” sumimangot ako.

Papa strongly shook his head. “A no is a no, Miranda Geneva. Isa pa, hindi ka marunong lumangoy! Paano kung malunod ka? Your mom will definitely kill me!”

“Tito..”

An angel from heaven came down to save me, and it's Kuya Ash! He is wearing his rash guard and a binoculars around his neck!

“Ako na po bahala kay Miranda. May spare lifeguard po si ‘Mmy, ipapagamit ko nalang po sa kaniya para makatampisaw siya. T’yaka, may binoculars po ako, para makita ko po kaagad kung nasaan na si Mira.”

At nangyari nga ang dapat na mangyari. Habang sumasakay ako sa salbabida ay nakaupo si Kuya Ash sa matayog na upuan, nakamasid sa akin, mukhang seryoso talaga.

And it became one of my favorite happenings in my life..

Wala akong dala na ibang damit kaya wala akong ibang naisip na paraan kung ‘di ang itampisaw ang school uniform na aking suot. T'yaka hindi naman ‘yon gano’n ka ikli ang aking suot na palda kaya natatabunan pa rin nito ang bandang hita ko.

Sinimulan ko na lumangoy back and forth sa dalampasigan. Wala naman kase akong ibang magawa kundi ang lumangoy nv lumangoy. Naalala ko tuloy, nung bata pa ako ay ang pinaka sentro sa mga pangarap ko ay ang maging isang isda.

Tinatanong nga ako ng mga tao, ba't ko daw gugustuhin na maging isda, kung pwede naman maging sirena? Marami akong sagot dyan pero isa lang ang palagi kong inirarason; I'd rather be a fish than a mermaid because, I don't want them to see the beauty in me, but to seek the beauty for themselves.

S’yempre, mas masarap maging isda kase literal din akong masarap. Joke lang! Baka magkatotoo.

“Seriously, Mandalene Rys? Damn it!” napaigtad ako sa sigaw ng isang lalake sa aking likuran. Nakaupo kase ako ngayon sa buhangin, nagpapahinga dahil hingal na hingal na ako.

Narinig kong napabuntong hininga siya ng malalim. “Sabi ko naman sa'yo 'diba, ipakilala mo na ako! Bakit parang ang hirap naman ata gawin no'n? Is it because of your stupid arranged marriage huh?”

Tama nga ang hinala ko. Tungkol na naman sa pag-ibig ang isang ‘to. Sarap niyang bigyan ng advice, pero may bayad. Kapag talaga binigyan niya ng pagkakataon na mag speak out para sakanya, sasabihin ko talaga na; Bakit ‘di niyo ako gayahin? Walang love life, walang mangliligaw kaya walang problema! Nagpapakahirap sa love na para hindi naman sainyo? Para sa’n pa?

“Don't call me jerk, Manry! I am your boyfriend!”

Napangiwi ako. Music maestro! Pakilagyan ng dramatic song please as background music. Sayang naman ang drama ng mga ‘to kung walang ka effort-effort ang mundo. And suddenly, the gates of heaven opened..

♪♪ Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't-muli sayo na aaminin
Ika'y mahal parin ♪♪

♪♪ Ang kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na dapat natin pang dayain,
Hayaan na ang puso ang magpasya ♪♪

Napatampal ako saaking noo. Omayghaasss! Natupad nga ‘yong request ko pero maling kanta naman. Nang tinignan ko ang pinangalingan ng tunog na iyon ay nagmumula ito sa dumaan na ice cream vendor. Tulak-tulak niya ang mga sorbetes sakanyang kariton habang nakabandera sa harapan ang kaniyang malaking radyo.

“Mukha ba akong kahihiyan kung ihaharap ako sa magulang niya?”

Napansin ko na may presensya saaking gilid. Yung pala ‘yong lalaki kanina na may kausap sa telepono. Nakaupo na siya sa aking tabi, nasa kaliwang banda ang cellphone. Hindi naman naabot sa aming kinauupuan ang tubig kaya hundred percent sure ako na hindi siya mababasa o tatangayin ng tubig ang iPhone niya.

“Pag-ibig nga naman..” umiling-iling ako.

He frowned at me. “What should i do now? She doesn't want me to meet her parents, ngayon ang pinaka importanteng araw na pinaghandaan ko sa buhay ko..”

“Ewan,” lumabi ako. “hindi naman kailangan palagi nakadepende ka lang sa sitwasyon. Kung mahal niyo ang isa't-isa, unawain niyo. Sabi niyo pa nga diba, Love makes us to understand.”

Pakiramdam ko tuloy ay ang mature mature ko na. Akalain mo! Nag a-advice ako ng tao tas ako ni-isang experience wala! Ako lang ata ang pinakamalupit sa mundo! Napatingin ulit ako sa lalake nang marinig ko siyang humugot ng malalim na hininga. Napansin ko ring namumugto ang kaniyang mata, at mukhang wala pa siyang pahinga. Ibang-iba talaga ‘yong love 'no? Nakakabaliw, nakakawala ng utak.

“I'm Mark Ace Stamford, ikaw? Ano ba pangalan mo?” seryosong tanong siya, binawi niya iyon at dinagdagan ng halakhak. “Pasensya kana kung kailangan mo pang marinig ang lahat ng 'yon ha, I'm just problematic this week.” he offered his hand.

Tinanggap ko ito. “Ako si Miranda, Miranda Geneva Flores. Okay lang ‘yon. Hindi naman ako mapanghusga e, kaya walang problema.” ngumiti ako. Nang bawiin namin ang aming kamay ay natahimik kami saglit.

“Siya? Matagal mo na ba siyang girlfriend?” i asked, out of the blue.

He titled his head, parang nalilito siya. Siya?”

“Oo,” tumango ako. “‘Yong kausap mo sa telepono, matagal na ba kayo, Mark? Parang mahal na mahal mo na e.”

“Ah oo, actually ay—”

May biglang pumutol sa sagot ni Mark. “Hindi ka ba sinabihan ng mga magulang mo na, ‘wag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala?”

Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang aking puso. I mean, it's just words! But it made my heart boom. Mark answered a call, kaya naiwan ako sa harapan ng taong iyon. At nang lingunin ko ito, ay mas lalo ko pang nakumpira na gusto ko talaga siya.

“Oh, Kuya Ash! Ikaw pala!” i let out a small chuckle. “T’yaka nagpakilala na siya sa akin kaya hindi na siya stranger!” nginitian ko siya.

He didn't smile back. “Let's go, it's getting late.”

Nang magsimula siyang maglakad papabalik sa office ng resort ay tumayo na rin ako. Nilingon ko si Mark at gave him an apologetic smile.

“I'm sorry for what he said, but he's nice!” i bowed and wave my hand. “Nice to meet you, Mark! Ba-bye!”

Edited: 05-31-21

Oblivion Love (Love Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat