Chapter 8

204 65 10
                                    

  
    Magkakaroon daw ulit ng salu-salo sa bahay nila Tita Lexie at Tito Alexandre kaya ako sinundo ni Kuya Ash. Nagkakapagtaka lang dahil ang mga magulang ko talaga ang nagsusundo saakin, kahit saan at kahit kailan. Ipinagkatiwala niyo na ba ako sa future husband ko, Ma, Pa? Yi Chariz, baka magkatotoo.

“Sure ka na ba na ikaw ang magiging representative ng section niyo, Miranda?”

Nanlaki ang aking mga mata. How did he knew? Mabilis ko siyang inirapan. “Paano mo nalaman?” pinanliitan ko siya ng mata, ‘yong tipong nagmamasid sa lahat ng kilos niya. “Feeling ko stalker ka..

Pinatay niya ang makina ng kaniyang kotse at binuksan ang kaniyang pintuan. Akala ko nga ay papasok siya kaagad papasok sa bahay nila, pero laking gulat ko't pinagbuksan niya ako ng pintuan. Wow, gentleman!

“Feeling mo lang ‘yan.” and he pinched my nose.

Aba't! ‘Di porket nakakatanda may karapatan nang mang pisil ng ilong? Wow ha! Hindi ako nagpatalo at sinubukan ko ring abutin ang kaniyang buhok. Nang may mahawakan akong buhok ay hindi ako nagdalawang isip na hablutin at hilahin iyon.

“Ow!” daig niya. “Nakakasakit kana!” iwinasiway niya ang kaniyang ulo para matanggal ang aking kamay sa kan‘yang buhok pero hindi niya iyon nagawa. “Stop, Miranda!”

Ngumiti lang ako ng malawak dahil mukhang wala siyang balak na lumaban pa saakin, patuloy lang ako sa pagsabunot ng kaniyang buhok nang magkamali ako ng hakbang. Muntik na kaming mahulog sa maiksing hagdan papasok ng kanilang bahay kaya mabilis na kumilos ang aking kamay at hinawakan ang balikat ni Kuya Ash. Ginamit niya iyon para makakuha ng alas sa akin. Ah-huh! Sinadya niya iyon dahil alam niyang takot ako mahulog! But my realization was late, tanging sigaw nalang ang nagawa ko. He pinched me down in the wall.

“Huli ka..” he said, with heavy breath. Hinahabol naming dalawa ang aming hiniga dahil sa paghahabulan. “.. akala mo ba mahuhulog kana? I know this place so well, tatlong hakbang lang ang hagdang ito. Tell me, how would you fall?” sa’yo.

Aaminin ko. He looks attractive when he is serious, oh well, sometimes don't. The way he hold my shoulder, the way he tower me, the way he speak to me. He's impossible. He is not a human, he is an Angel! A God rather. Tumikhim siya kaya't binawi ko ang aking reaksiyon.

Kaagad na pinamulahan ang aking mukha. Ngayon ka pa mahihiya, Miranda? “H-Hoy! Get off me Kuya!”

“Deal?”

I frowned. Deal? “Huh?”

Bored niya akong tinignan, pero may pang-aasar parin iyon. “Kapag nanalo kami sa competition na iyon, may pupuntahan tayo. Kapag nanalo ka, pupuntahan natin sila Rasp.”

   Tahimik kaming sumusubo ni Kuya Ash sakanilang hapag-kainan. Tawa-tawa naman sila Mama at Tita dahil daw sineseryoso namin ang labanan. Of course! I'm eager to win the competition at tyaka kamustahin sila Faye. Matagal ko na sila gustong makita at mayakap at maka bonding muli.

“Bagay na bagay kaya sila, Honey!” humagikhik si Tita Lexie tyaka hinampas ng mahina ang braso ni Tito Alexandre.

Napairap si Mama kay Papa. “Oo nga, Giovanni.”

I groaned and put my angry expression on my face. “Ma, pa, tita and tito. Hinding-hindi kami bagay ni Kuya Ash. First of all, may jowa si Kuya and ako ay study first.” pangangatwiran ko pa.

“Kapag ba kasing gwapo ko na ang kaharap mo, study first ka parin ba?”

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Hindi ko alam kung bakit gusto kong maubo or masuka sa pagmamayabang ni Kuya. Oh well, Miranda, totoo namang gwapo siya. He's just stating a fact, not a bluff. Walang masama doon.

Tita Lexie chuckled. “Ang laki ng angal mo, Mira ha!”

“Luh, Tita.” mabilis akong napailing. “Hindi naman ako umaangal, pero kase.. masamang magsinungaling.” and i winked.

くコ:彡

    Ang buong Linggo ay inilaan ko talaga para sa pag eensayo. Kung wala palang kaming kasunduan ni Kuya Ash tungkol kina Sue at Faye ay malamang, ‘di na ako kakagat doon sa patibong niya. Kung alam ko palang kung saan nag-aaral silang tatlo ay naku! Matagal na kaming nag s-swimming sa chocolate.

Gagamitin ko nalang ang pagkakataon na ito para makitang muli ang aking mga mahal na kaibigan. I miss their laughs, silly jokes, pagiging monggoloid nila minsan at pagiging konsintidor nila.

A fragment of memory crossed my mind..

"Ano ba gagawin, dito ha?" nakapamaywang kong tanong sakanilang tatlo. Humagikhik lang ang mga babae.

Faye cleared her throat. "Okay, ganito 'yan, Mira. Kita mo ‘yang doorbell?" itinuro niya ang doorbell ng isang malaking bahay. Tumango ako. "Pindutin mo iyan, tyaka tumakbo ka ng malakas, hanggang doon.."

"Kaya mo ‘yan, Mira! Aja-aja!"

Umiling si Sue. "Just do it, para makapag milktea na tayong apat. Nakakagutom kaya maglakad ng metro-metro para lang sa mumurahing milktea!"

Nag-uunahan silang tatlo na tumakbo sa kalapit na tindahan. Hawak-hawak nila ang aking bag at folder, nang itaas ni Faye ang kaniyang kamay ay doon ko pa napagdesisyonan na pindutin ang malaking doorbell.

At first, inakala kong masaya iyon, pero nang makarinig ako ng mga taong nag-uusap sa loob ng bahay at tahol ng aso ay wala ako sa sarili kong na tumakbo. Nang nakailang hakbang na ako doon ay saka pa tuluyang nagbukas ang gate ng bahay, at bigla akong tinuro ng isang matandang babae na hawak ang tali ng dalawang malalaking aso. I panicked, and freak out.

Walang kurap-kurap ay bigla niyang pinakawalan ang mga tali nito mula sakanyang mga kamay. Mas lalo pang lumakas ang sigaw ng aking puso, halos kumawala na ito sakanyang lalagyan. Nagsimula akong tumakbo sa abot ng aking makakaya at nang madaanan ko ang aking bag ay saka ko pa ito nahablot mula sa upuan ng tindahan.

"Faye! Sue!" hinahabol ko ang aking hininga habang nililibot ko ang kabuhuan ng tindahan. Akala ko ay nagtatago lang sila doon pero ni-anino ni Rasp, ay ‘di ko makita..

Ang huli kong naalala tungkol sa pangyayaring iyon ay, muntik na akong malapa ng dalawang malalaking aso nang dahil lang sa doorbell na iyon.

Kinapa ko ang aking buhok t’yaka tinanggal ang mga hairpins doon. I also removed my necklace, rings and bracelet. Nang matapos ko iyon ay napahiga ako sa aking kama. Bago ko patayin ang ilaw ay tumama ang tingin ko sa isang larawan na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. It was me, Sue, Faye and Rasp. Nakatayo kami sa litratong iyon sa canteen ng aming paaralan. Bigla kong naalala na sa araw ding iyon nawala ang regalo ni Mama sa akin na diamond necklace at gold bracelet.

“Faye! Sue! Rasp!” hingal kong tawag sa kanila. Kanina ko pa sila hinanap dahil sila nalang tatlo ang hindi ko pa natatanong kung nakita ba nila ang necklace at bracelet ko.

Nagtaas ng kilay si Rasp. “What?” sabay inom sa kaniyang milktea.

“Nasa inyo ba ang necklace at bracelet ko? Uh, nawawala kase. Naisauli niyo ba sa akin iyon?” tanong ko.

Nagkatinginan si Sue at Faye. Rasp just shrugged her shoulders sabay sabi sa hangin na, ‘ewan’ Bumagsak ang aking balikat. Mag li-limang taon na iyong nasa akin, at ngayong highschool ko lang naiwala. I love that necklace especially my bracelet! Uh! Kainis ka kase Miranda, iniwala mo!

“Uh, naisauli na namin iyon kanina Miranda. Right, Sue?” tinignan niya si Sue, and she just nod her head. “Baka nakalimutan mo lang! Tara picture tayo nang mawala ‘yang lungkot mo!”

Edited: 06-09-21

Oblivion Love (Love Series #1)Where stories live. Discover now