Chapter 10

162 62 5
                                    


Nagawa kong pumasok sa top five last na bibigyan ng question and answer. Panghuli ako sa pinili ng mga hurado kaya tahip-tahip ang aking dasal na sana pumasok ako. And the gates of heaven, opened! May milagrong nangyari! Sobrang milagro na nakapasok ako sa top five!

Kuya Ash and that Mark also made it to the last round. Pinakaunang tinawag si Mark na yun kaya sobrang saya ng mga ka strand ko. Pangalawa naman si Kuya Ash, (which made the audience roar louder) Kung siguro ay may Audience Choice Awards, nahakot na siguro ni Kuya unang hakbang palang.

Akala ko ay magkakapareho lang kaming lahat ng mga tanong, pero nang i-explain ng emcee ang sagutan, ay mas lalo pa akong na-down. Sa bawat contestants ay may inihanda ang bawat judges na tanong, nakadepende daw sakanila iyon kung Ingles ang gagamiting lenguwahe o tagalog lang.

"This is your question, contestant number two.." kahit na hindi para saakin ang tanong ay napatingin ako sa judge na nagsalita. Holy Moly! It's my teacher! My Literature teacher! Ang Englishera pa naman ni Ma'am! Naku!

"What would you rather; having beauty, or having brain?"

I sighed softly. Naghiyawan ang mga tao sa simpleng tanong ni Ma'am. Of course! Unexpected na ganon lang kadali! Ang easy naman ng tanong na 'yan! Parang question lang ng naunang judge sa number one. Mukhang hindi kami papahirapan ng mga hurado sa last round! Magdidiwang na ako habang maaga pa. I'm sure, brain pipiliin niya! Sino ba namang tanga ang pipiliin ang beauty over brain diba-

"Having beauty po.."

Wait.. what?

Napakurap ako ng ilang beses sakanyang sagot. Parang nakagat ng lahat ang kanilang mga dila dahil walang ni-isa sakanila ang nagawang mag-ingay. Tama ba yung narinig naming lahat? Mas pinili niya ang kagandahan kaysa utak? Anong kalokohan 'to?

She chuckled softly and tapped the mic. "I know that most of you are shocked and stunned by my answer, and that is my way to express of what am i thinking right now.." we all heard some shouts from the distance.

"Polly!" namataan ko sa madla ang isang galit na galit na Ginang. Nakatutok ang kaniyang hintuturo sa taong nasa harapan. "Ano bang nasa kokote mong babae ka?!"

"Pinasali lang naman ako ng mga kaklase ko dito sa Ms and Mr UN dahil alam nilang may maibubuga ako sa question and answer.. not knowing, I'm deeply hurt.." kahit na gaano kasakit ang kaniyang mga sinasabi ay nagawa pa niyang ngumiti. "Hindi ako nagkulang sa talino, kaya ba't ko pa pipiliin ang utak kung meron na ako? Bakit 'di ko subukan na piliin naman 'yong kagandahan para naman kahit kaunting gano'n, magkaroon ako no'n?"

She tried to explain her side more but she decided to end her answer. "Pagod na ako sa palaging pagpili ng katalinuhan, kaya gusto kong kagandahan naman. I want to be appreciated, i want to be love, 'yong totoo.. walang bahid ng kasinungalingan.."

"I'd rather to have beauty because that is what i wanted. I never wished to bear this kind of stuff."

Tahimik parin ang lahat hanggang sa makabalik ang contestant sakanyang kinatatayuan kanina. Bumalik lang sa tamang pag-iisip ang lahat nang marinig nila ang pagtawag ng emcee sa sunod na contestant.

Pinilit ko na ibalik ang aking pansin sa kung ano ang isasagot ko. Nalilito kase ako sa nangyari kanina. Ano kayang meron sa babaeng iyon at kaniyang inay? Siguro ay hindi ko na dapat iyon isipin pa. Mahalaga ang opinyon ng bawat isa, kaya ba't ko naman siya iisipin na husgahan? Oh well, Miranda.. never judge someone by it's cover.

"And now.. contestant number five! Miss USA!"

Umabante ako at nginitian ang lahat. Nakita kong tumango ang mga hurado kaya hindi ako nakontento sa ngiti lang, napakaway ang aking mga kamay. Narinig kong nagsigawan ang aking mga ka-strand, may mga pilyong ngiti na lumalaro sakanilang mga labi.

Oblivion Love (Love Series #1)Where stories live. Discover now