Chapter 19

126 41 7
                                    


“Miss Miranda, bumagsak ka sa subject ko.”

Sa dinami-dami kong iniintindi sa buhay at sa oras na ito ay dumagdag pa ang bagay na iyon. I closed my eyes, tried to clear everything inside my head. And when i opened it, i realized something. It doesn't change anything.. it doesn't change what i feel.

“W-What?” bigla na lamang iyon lumabas sa aking bibig out of blue. Nadala lang siguro ako ng kalutangan.

Our adviser sighed. “All this time, ngayon ka pa mababagsak? This is the last quarter, Miss. Kapag bumagsak ka sa quarter na ‘to, they will minus this to your final grade! I'll let you take another one okay? Pagbutihin mo sana.”

“Sige po..”

Lunes na ulit sa araw na ito. One week after i discover everything that i need to know. Truth, after lies and lies. At nang dahil sa katotohanang iyon, sira na ang pag-ibig ko, sira na ang kaligtasan ko, at sira na ang edukasyon ko. Because of depression, i almost lost my consciousness!

“Miranda..”

Hinawi ko ang kamay ni Manry sa aking balikat. Dire-diretso lamang ako sa aking paglakad papunta sa gymnasium ng school. Today is another day to practice our JS Prom. Ayaw ko mang umattend, pero ang laking bawas ng marks nito ang pag absent. Ngayon din ipapaalam sa amin ang bawat pares namin kaya sobrang importante talaga ng hapon na ito.

Kuya Ash and I didn't make any contacts anymore. Hindi ko siya tine-text, ganon din siya sa akin. Kahit na sa mga social media accounts ay inactive na din siya. Dito sa campus ay ako mismo ang umiiwas sa presensya niya. Balita ko ay.. magkasama palagi silang dalawa ni Polly. Oh well, there's no formal farewell from him, kaya anong pakealam ko doon? Magsama silang dalawa. Kahit na magchuk-chukan pa silang dalawa diyan sa harapan naming lahat, I'll gladly watch and praise them.

“Miranda Geneva Flores? Present ba?”

Tamad kong itinaas ang aking kamay sa ere. “Present.”

Tumango ang officer ng organization sa school. “Ang ka partner mo sa prom ay si.. nandito na ba si Mark Ace Stamford?”

My eyes widened. What? Si Mark ang ka partner ko? Ayoko nga! May biglang sumigaw sa malayo, at sinagot ang officer. Ang sagot ng lahat ay wala pa si Mark. Buti naman! Papatayin talaga ako ni Manry kapag siya ang naging partner ko!

“Then, magiging si Justine..”

Pumwesto kaming lahat sa gitna, handa na kaming magsimula ng aming pagsayaw pero naagaw ang aming pansin sa bagong dalawang estudyante na dumating.

Kung ang nararamdaman ko tuwing nasisiyahan ako ay nagbubukas ang pintuan ng langit. Ngayon ay sobrang kabaliktaran iyon. I rolled my eyes the moment a familiar scent touched my nose. The gates of hell opened, iniluwa ‘nun ang sobrang mahangin na si Polly. Habang tinatahak nilang dalawa ang daan papuntang gitna ay palakas ng palakas ang mga bulong.

"Sabi ni Polly hindi na daw need na magligawan, kase daw magpapakasal na sila after college."

"Talaga? Ang swerte niya naman kay Ash!"

"Kawawa si Miranda, hanggang tingin nalang."

I rolled my eyes and squeezed my partners hands. He flinched, and err.. blushed. Mukhang gulat na gulat talaga siya sa aking ginawa, kaya't binigyan ko siya ng ngiti.

Nagsimula ang aming practice. Habang nagsasayaw sa hangin ang mga magiliw na awit na aming sasayawin ay rinig na rinig ko naman kung paano tumawa si Polly habang yakap-yakap si Kuya Ash. Totoo nga ang sinabi ni Tita Lexie! Sobrang PDA niya! Hindi na ba niya matiis ang kalandian kaya't pati dito sa paaralan ay ganito siya?

Oblivion Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon