Chapter 9

206 64 9
                                    


     Today is the day na pinakahihintay ko sa buong Linggo. Ngayon ay ang araw na gaganapin ang Mister and Miss United Nations. Si Mama mismo at si Papa ang naghanap ng maari kong masuot na gown at damit. Nalaman ko ring ang bansang pinili ng section nila Kuya Ash ay Puerto Rico. Oh well, maganda din naman ang lugar na iyon kaya ba't naman hindi pipiliin?

Sabagay, may ibang bagay nga na kahit anong ganda, hindi parin nagawang piliin.

Nakarinig ako ng nagbabangayan sa gilid kaya binuksan ko ang bintana ng backstage. “Manry! Dapat kase ikaw 'yong ilalaban ng section natin, ang arte mo kase e!”

Ang babaeng tinutukoy nila ay napaangat ang isang kilay. “Malay ko ba? Ang pangit ng country na pinili, labag sa loob ko ‘yon. Pero kung si Mark lang din ang ka-pares ko, sinong aayaw?”

Napataas ako sa aking kilay. Really? Nagbabago ang isip tuwing malapit na ang competition? Sayang naman yung ganda kung mas marami pa yung reklamo kaysa gawa. Mga tao talaga! Marunong tumanggap ng magagandang offer, aayaw naman kung medyo tumatagilid.

Tumunog ang mikropono sa ibabaw ng stage, nagtatawag na ang mga guro ng estudyante na manonood sa araw na ito. At syempre, dahil Senior High na ako, marami-rami na ding nakakakilala sa akin sa paaralang ito.

Nahahati ang Miss and Mr. UN sa dalawang bahagi lamang; Sa introduction, doon pipiliin ang best outfit at top five na magagandang pag de-describe ng kanilang bansang napili. Anim sa babae, anim din sa lalake. Ang pangalawa at huling bahagi daw ng event ay ang question and answer portion. Muntik na nga akong bumaliktad nang marinig ko iyon. Pero ang sabi ni Mama at Papa, wala daw dapat akong ikatakot sa kahit anong lebel ng kompetisyon.

“Tinatawag na daw tayo!” napatayo ako sa sigaw ng isang nakasuot ng parang isang Reyna ng prosisyon. Lahat kaming nasa loob ng backstage ay naalarma at naghanda. Nang lingunin ko ang likod na bahagi kung saan ang mga lalake nakahilera ay wala akong nakitang Kuya Ash.

The teachers gave us numbers. Iyon daw ang magiging basehan namin sa pagrampa sa entablado. Ang naiabot na numero sa akin ng guro ay numero sais. Ang sabi niya ay isabit daw namin iyon sa harapan ng aming mga suot, para daw makita ng mga hurado at madla.

“And now, please let us welcome, the candidates!”

Ang mga naunang dalaga at binata sa akin ay tinahak na ang daan papalabas ng backstage. I touched the curtain that covers the whole backstage, behind this curtains.. is the victory that I'm not sure.. but still, i will try.

Nilawakan ko ang ngiti sa aking mga labi bago lumabas sa likod ng mga kurtina. Inipon ko ang tiwala sa sariling ibinigay ni Mama sa akin at Papa. At nang makalabas ako sa mga kurtinang iyon ay doon ko lamang naramdaman na hindi para iyon madali. Kagaya ng nasa ensayo namin ni Ma'am, ginawa ko ang paglakad at pagrampa sa bawat sulok ng entablado. At sa pagkakataon na ito, ay hindi ako natisod at nagkamali.

At ngayon, para sa pagpapakilala.. pumwesto ako sa gitna ng stage at hinawakan ang laylayan ng aking damit. Hindi ko inalis ang ngiti sa aking mga labi, habang nakatingin sa madla.

“My name is Miranda Geneva Flores, 17. From the section of fighters, Grade 11 STEM, representing, land of the free, United States of America!”

“United States of America or USA, is a country of 50 states covering a vast swath of North America, with Alaska in the northwest and Hawaii extending the nation's presence into the Pacific Ocean. Major Atlantic Coast cities are New York a global finance and culture center, and capital, Washington DC.” i gained slow claps and cheers. Mas lalo pa akong ngumiti at tinignan ang lahat na may pagmamalaki. “Midwestern metropolis Chicago is known for Influential architecture and on the west coast Los Angeles' Hollywood is famed for filmmaking. Again, Miranda Geneva Flores, representing..” huminga ako ng malalim at tinignan ang mga hurado.

“USA!”

The round for girls is already done. Ngayon, ang entablado ay para na lamang sa mga lalaking sumali. I wonder how would Kuya Ash describe a beautiful country. Ang ganda-ganda kaya ng Puerto Rico! Kung papupuntahin ako ni Mama sa mga ganyang lugar, ‘di na talaga ako uuwi pa.

A familiar face walk on the stage. I embraced my self and fixed my hair. He is also number six, and we are representing the same country! T-Teka.. parang nakita ko na siya noon ha! Hindi ko lang matandaan kung saan, pero nakita ko na talaga ‘yan.

“Good day, everyone.. My name is Mark Ace Stamford, Grade 11 STEM, raising the flag of United States of America!” and the boy smiled.

Ay! I mentally rolled my eyes. Classmate ko pala ‘yan e! Bakit kaya 'di ko kilala? Siguro hindi lang ako gano’n ka friendly para makilala ko pa 'yan. Nang hawakan niya ang kaniyang buhok ay tyaka ko pa naalala kung saan ko talaga siya nakita. Wait.. Siya yung lalake na nakikipagtalo sa girlfriend doon sa cellphone! Sa Mati!

Everyone cheered for him. Aaminin ko, he is quite popular, dahil nga ang daming nakakakilala sakanya. He is also good at delivering words and explanation to the judges. Walang duda, masasali ‘to sa mga mananalong kalahok.

Nang umalis yung Mark ay kaagad akong pumunta ng canteen at bumili ng bottled water. Kanina pa kase ako nauuhaw at dehydrated na sa sikip ng gym. Pero nung makabalik ako sa gymnasium na iyon ay parang may artistang bumisita. Nasa building pa ako ng mga second year students, pero 'yong tili nila rinig na rinig ko na. I doubled my steps.

“Puerto Rico, is a Caribbean island and unincorporated U.S territory with a landscape of mountains, waterfalls and the El Yunque tropical rainforest. In San Juan, the capital and largest city, the Isla Verde area is known for it's hotel strip, beach bars, and casinos. It's old San Juan neighborhood features colorful Spanish colonial buildings and El  Morro and La Fortaleza massive, centuries- old fortresses.”

Kung malakas ang hiyawan sa Mark na contestant na iyon, ay mas malakas pa sa lalakeng ito. Hindi naman ako nagtaka kung bakit gano'n ang reaskyon ng mga tao t'wing nandito siya sa paligid dahil totoong nakakahawa ang kagwapuhan niya.

A ghost smile formed on my lips. Sobrang gwapo niya tignan sa suot niyang costume. Lalo na't naka gel ang kaniyang buhok at pormal na pormal talaga siya tignan. Nang tumingin siya sa aking gawi ay itinaas ko ang bottled water na nasa aking kamay at kinidhatan siya. Baka Kuya Ash ‘yan!

He smiled at everyone and look at my direction. “Good day everyone, Ash Drix Travosco, Grade 12 STEM, representing the Puerto Rico!”

Edited: 07-16-2021

-------
Author's Note:

Hello sa lahat! Pasensya na kung matagal-tagal na rin akong di nag u-update, dahil sa medyo problemadong week ng aming mga buhay. And still, nandito pa rin kayo, nagbabasa ng aking kwento. Salamat sa pag intindi! Hinabaan ko na para di bitin! God bless! Miss you all!

Oblivion Love (Love Series #1)Where stories live. Discover now