IV

28 1 0
                                    

Hinatid ako nila Kuya Ae a little after lunch. Wala sila Mommy pero babalik din daw sila sandali. Naligo na ako dahil paparating na raw ang mag-aayos sa akin. Tita insisted.

Tinawag ako sa baba dahil doon ako aayusan para hindi na sila mahirapan. Ngumiti ako sa dalawang babae at isang lalaki na nasa salas.

"Good afternoon po. I'm Atalia," I extended my hand.

Malugod nilang tinanggap ang kamay ko. "Good afternoon, Atalia, ako si Ate Denyse, siya si Kuya Jerome, at siya naman si Ate Claire. We're here to glam you up pero you're glamorous already."

"Uuwi nalang kami," sabi ni Ate Claire.

Nanlaki ang mata ko. "Hala! Wag po!" Hindi naman ako ganon kaayos. Bakit naman sila aalis?

"Joke lang!" tawa ni Ate Denyse. "Ang ganda mo talaga! Swerte ng mga Del Fuego meron silang beauty queen!"

Namula ang pisnge ko. Napakamot ako sa batok at nahihiyang ngumiti. Hindi naman ako ganon kagandahan, parang kamukha ko lang daw si Mommy na brown eyes at brown hair. Umupo na ako sa sinimulang ayusan. They applied light makeup and nude lipstick. My hair was style into a milkmaid braid. I wore this red long-sleeves button dress. Ang ganda ganda tignan ng damit ko lalo na nung nagsuot ako ng velvet red heels.

Nagpasalamat ako sa mga nag-ayos sa akin. Dapat magbibigay ako ng tip pero hindi nila tinanggap gusto kasi nila number nalang daw nila Kuya hindi ko binigay dahil privacy nila Kuya yoon. Sinundo ako ni Tatay Isko papunta sa Sunrise Island Resort, malapit ito sa Larena kaya pinili ni Tita dahil maganda ang Isla dito.

There weren't many photographers like usual just some when you walk along the carpet. I greeted my family who's busy exploring the artwork of Tita Audrey. Ang gaganda ng mga paintings niya, every work tells a hidden story. Baka makapili ako ng bagay sa kwarto kung may mura, ayoko kasing ginagastos ang extended credit card nila Daddy dahil hindi ko naman pera iyon, ginagastos ko lang ung mga naipon ko kapag nananalo ako sa contests kasi nakakahiyang humingi.

Nahagip ng mata ko ang isang painting, it's called Glow Underneath. A moon is painted making the sea and people shimmer and glow in color. I like it! Mukhang ito ang bibilihin ko.

"It's amazing how people can paint what they're feeling."

Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita. Isang Larena, hindi ko lang maalam ang pangalan. I saw him once on a news paper on the trouble that he did. He has a lip and nose ring making it... cuter? Nakasuot siya ng isang black suit since this is a black tie event.

"S-sino ka?" Nahihiya kong tanong. Hindi ko naman siya kilala, bakit niya ako kinakausap? Bibilihin din ba niya ang painting? Sana naman wag, gusto ko pa naman ito para sa kwarto ko.

He smirked then bit his lip. Mabilis na tumibok ang puso ko sa ginawa niyang iyon. Anong nangyayari sa akin? "I'm Toby... Toby Larena. Ikaw?" He extended his hand.

Siya nga! Yung anak ni Mr. Tobien Larena na nabangga ang kotse dahil DUI. "I'm Atalia Del Fuego." Tinanggap ko ang kamay niya pero mainit ito at may kumunot sa tiyan ko kaya ko tinanggal ito. Ano ba iyon?

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga segundong tumitig siya sa akin. Mula sa mata ko hanggang sa buong mukha ko. I saw him bit his lip once again when I think he saw my agape lip. Agad kong sinara iyon, nakakahiya! Tumawa siya ng mahina. "So, Lia?"

"H-ha?"

"Can I call you Lia?"

Tumango ako. Wala namang masama doon. "O-okay."

"You look unsure, Lia." He placed his hands on his pockets at muli tumingin sa painting. "Ang ganda 'no"

I nodded. Maganda naman talaga.

Love, The CoastWhere stories live. Discover now