XI

12 0 0
                                    

Buong linggo akong sinamahan ni Toby sa school kahit magkaiba kami ng schedule. Ngayon pa lang kasi uuwi sila Irene at hindi naman kami ayos kaya hindi ko na sila ginulo. Pumunta muna ako sa locker para ayusin ang gamit ko dahil aalis pa kami ni Toby.

"Tali?" rinig kong tawag sakin.

Lumingon ako at nakita si Irene na may dalang chocolate. "Sorry."

Natawa ako. Niyakap ko siya. Sa paraan na iyon alam niyang ayos na kami. Hindi ko na naman pinapatagal ang mga away namin. Dumiretso kami sa library para habulin nila ang mga namiss nilang lessons. Kakauwi lang kasi nila galing Manila. Madadalian na naman sila dahil inayos ko na, aaralin nalang nila.

"Ang dami naman nito!" Sigaw ni Paulo. Sinita siya ng librarian kaya nag-peace sign siya. "Bakit ang dami?" Pasigaw niyang bulong.

"Kasi dalawang linggo na kayong absent?" paalala ko.

Umirap siya. Tahimik na nag-aaral si Astra at Grazielle si Paulo lang talaga yung nagrereklamo.

"Pau," irap ni Irene, halatang pikon na sa kakulitan ni Paulo. "Please shut up."

Paulo just mocked him. "Nye nye nye."

Natawa naman ako sa kaniya at inabot ang gawain niya. "Gawin mo na iyan para sabay na tayong umuwi."

Nanlaki ang mata niya. "Tayong dalawa lang!?" tanong niya. He crossed his arms against his chest. "Mahalay ka, Del Fuego! Isusumbong kita sa mga Kuya mo."

Lalong lumakas ang tawa ko at nahampas siya. "Para kang baliw," irap ko. He just winked at nagpatuloy na sila sa pag-gawa.

Sila ang lagi kong nakakasama dahil ayaw naman ni Aicah na makita kaming magkasama. Tahimik ko silang pinapanood na mastress sa mga gawain. Si Irene, naka-earphones, top notcher siya kaya naghahabol. Si Astra, sinabunutan na ang sarili kapag hindi masolve ang sinasagutan. Si Grazielle, nagrarant sa papel niya kesyo ang hirap hirap daw. At si Paulo, tinulugan ang gawain. Magaling talaga. Hindi ko na siya ginising dahil alam kong pagod siya sa byahe. Nagpaalam ako sandali para mabilihan sila ng merienda, kawawa naman kasi halatang pagod na.

Pumunta ako sa cafe na malapit. Masyadong mahaba ang pila sa canteen dahil break time na rin ng lower year. Nakapila ako habang iniisip anong oorderin ko para sa akin baka Iced Vanilla Coffee nalang tapos ung mga usual order nila. Hinintay kong matapos ang mga nasa unahan ko habang nirerecite ko sa utak ko ang oorderin ko, mahirap na baka mabulol ako or makalimutan ko.

For Drinks: Large Iced Vanilla Coffee, Caramel Macchiato, Iced Capuccino, Vanilla Bean Crème Frap, and Iced Vanilla Caramel Chai Tea Latte.

For Pastries: Chicken Pot Pie, French Toast, Belgian Waffle, Cinnamon Danish, and Chocolate Doughnut Eclair.

Napahinga ako nang malalim. Isang beses ko palang narerecite sa utak ko hingal na hingal na ako. Kinakabahan ako kaya sinulat ko sa notes ko ang oorderin ko. Ayoko talaga ng naorder sa ganto lalo na kapag ang dami kasi feeling ko nakakaabala ko sa mga susunod sakin tapos ang bagal ko pa naman kumilos baka mapressure ako.

Sinabay kong isulat at minimemorize ang mga order namin ng may kumalabit sa akin. Lumingon ako sa kanan, wala naman. Napatalon ako sa gulat nang makita si Toby na nasa kaliwa, ang ganda ng ngiti.

"Hi."

"Nagulat naman ako sayo," sabi ko at natawa. Halatang kakalabas lang niya ng classroom nila dahil ang lamig ng uniform niya.

"Nashock ka?" Tanong niya. Tumango ako. "Edi shock-kin ka na," biro niya at tumawa nang malakas.

Tumawa nalang din ako para sabayan siya kahit para siyang baliw. "Anong gusto mo?" tanong ko, para isabay ko na sa order namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, The CoastWhere stories live. Discover now