VII

6 0 0
                                    

Kumunot lalo ang noo ko pero ngumiti na lang ako sa kanya. Madalas kong napapansin na mahilig siyang bumanat, as Kuya Ae calls it, wala ata kaming matinong pag-uusap na hindi siya ganon kaya nagtataka ako kung sa'kin lang ba siya gan'yan?

"And how about you Ma'am Atalia?" Kevin, the waiter, asked for my order after chatting up with Toby.

I ordered my usual asado siopao, wonton Mami, siomai, beef yang chao, buchi, and halo-halo. Binulong ko lang iyon dahil nakakahiya naman kung ang dami kong kakainin eh 1000 lang naman budget namin. Dadagdagan ko nalang siguro kapag sobra tutal ang order lang ni Toby ay Mami. Nagpasalamat at ngumiti ako bago siya umalis.

"You know him?" Tanong ko.

He nodded. "High school friend."

"I thought you didn't went to high school," nagtataka kong sabi dahil iyon ang mga nasasagap kong balita.

"You listen to rumors?" He laughed. Nahiya ako dahil ang judgemental kong pakinggan. "I didn't pero nakakainuman ko siya nung dapat high school ako so high school friend."

Tumango ako. "But do you go to school now?"

"Yeah," nilapit niya ang upuan sa akin. "Sa BIT din."

"Ahhh," sabi ko na parang hindi ko alam iyon eh halos mahimatay ang lahat ng babae sa school noong nalaman nila iyon. "Anong course mo?"

"Business Management as always."

"As always?" I asked.

He only shrugged instead of answering me. Baka personal kaya hindi ko na pinakialaman muli. Nagstart nalang ako ng bagong topic habang hinihintay ang pagkain namin kahit gutom na gutom na ako. Hindi ako nakakain kanina dahil ang aga nilang pinarusahan si Toby. Biscuit at isang gallon lang na tubig ang laman ng bituka ko.

He took out his phone dahil nagring ito. Lumayo ako nang kaunti para hayaan siyang sagutin iyon. Tumawa siya at may pinakita sa akin na meme. Tinawanan ko ito kahit nakita ko na kasi number one sender si Kuya Ae ng memes sa GC namin every day. Parang hindi na nga siya nagtatrabaho dahil puro siya memes.

"Hey," His shaky voice called. "Do you want to take a picture?"

My mouth twisted at tumango. He clapped nung pumayag ako. Inayos na niya ang phone niya and set the timer. Bawat galaw na gagawin niya ay nagpapaalam siya, like, noong umakbay siya for the picture, or niyakap niya ako sa bewang. Lahat ng parte ng katawan ko nagtatanong siya kung okay lang ba sa akin.

"I'll upload this okay?," he browsed the photos habang nakain kami. Tumango nalang ako dahil busy ako sa pagkain ko. Ayoko namang bilisan ang pagsubo kasi mabubusog agad ako, masasayang ang pagkain. "Do you want me to tag you?"

Umiling ako. "Wala naman akong Facebook."

"Huh?" Tinaas niya ang kilay niya. "Eh sino tong in-add ko!?"

"Saan?"

"Ito oh!" sabi niya at pinakita ang profile na gamit ang pangalan at pictures ko.

"Baka poser," I shrugged. Matagal ko na namang alam na may gumagaya sa akin. We also tried legal actions pero sabi baka raw fan page kaya hinayaan ko nalang.

His eyes wide open trying to comprehend the tons of account using my name and pictures. "Sinave ko lahat ng picture mo tapos hindi pala ikaw may gamit," bulong niya.

"Sorry?" I asked. Hindi ko siya narinig dahil busy ako kumain.

He placed his phone down at ngumiti. "Wala," he said.

I lightly nodded. Humiwa ako ng siomai at sinubo kasama ng kanin tapos humigop ng sabaw. Ganito ang pagkain na gusto ko 'yung naghahalo halo ang lasa sa bibig. Pagtapos kumain pumunta kami sa garden ng restau para kumuha pa ng ilang pictures. I never knew that he likes selfies and taking pictures. Plus, he's really good at it kaya nagkaroon kami ng mini-photoshoot dito gamit lang timer. Ang gaganda ng mga pictures! Kaya pala ang galing niya kasi hobby niya ito. Lahat daw ng subject na may buhay kinukuhanan niya ng litrato tapos isasave niya sa folder.

Love, The CoastWhere stories live. Discover now